Chapter 3

2523 Words
“THANK YOU, Kuya,” wika ni Christine sa kanyang Kuya Neil. Nasa El Prat De Llobregat Airport sila. Uuwi na siya ng Pilipinas mula sa isang linggong pagbisita sa kanyang kapatid. Kinuha niya mula sa bisig nito ang walong buwang sanggol na si Daphne, ang kanyang anak. Umiyak si Daphne bago tila nagpapaawang tumingin sa tiyuhin. “Oh, she doesn’t want to leave her handsome uncle yet,” anang kuya niya na mababakas sa mukha ang fondness para sa kanyang anak. “Come here, baby.” Kinuha uli nito ang bata. “Bakit hindi mo sabihin sa mommy mo na puwede na siyang umuwi at maiiwan ka rito sa akin?” “Kuya!” saway niya sa kapatid. “Kung iiwan ko sa `yo si Daphne, paano mo siya maaalagaan gayong halos sa opisina ka na natutulog? Bakit hindi ka na lang mag-asawa at gumawa ng sarili mong anak? You’re not getting any younger, Kuya. Sayang ang genes mo!” kantiyaw niya rito. Humalakhak si Neil. “`Sabi ko na nga ba at iyan ang sasabihin mo, eh. Not yet, sis.” “Hindi ka kasi naghahanap. Sa company mo pa lang, marami ka nang mapagpipilian. Iba’t ibang lahi pa—Spanish, Pinays, Americans, British, French, etc.” Neil chuckled. “Unfortunately, walang nakakuha sa kanila ng atensiyon ko. Isa pa, hindi yata gugustuhin ni Daphne na magkaroon ng kaagaw sa atensiyon ko.” Bumaling ito sa anak niya.“`Di ba, baby?” The child giggled. “Da-daa…” Nagkatinginan sila ng kapatid niya. She bit her lips. Agad lumukob ang kakaibang emosyon sa kanyang dibdib. Bago pa niya mamalayan, pumatak na ang isang butil ng luha mula sa mga mata niya. It wasn’t the first word Daphne had ever utter. Pero iyon ang kauna-unahang beses na sinambit nito ang salitang “dada,” na ang ibig sabihin ay “daddy.” “Chris…” Gamit ang hinlalaki nito, pinunasan nito ang pisngi niyang nabasa ng luha. Of course, her brother knew why she was being emotional. Isang taon at dalawang buwan na ang nakararaan pagkatapos siyang maaksidente pero malabo pa rin ang ilang detalye ng buhay niya. Hindi pa rin niya alam hanggang ngayon kung sino ang biological father ni Daphne dahil hindi parin bumabalik ang nawawalang alaala niya. Sa disimuladong paraan, nagawa niyang magtanong sa malalapit niyang kaibigan kung may alam ang mga ito tungkol sa ama ng ipinagbubuntis niya. Subalit wala siyang nakuhang sagot. “Christine, gusto mo ba na ipa-rebook na lang ang flight n’yo?” masuyong tanong ng kuya niya. “Tinatawag na ang flight mo.” Umiling siya bago pinilit ngumiti.“N-no, Kuya, we’re going. Hindi ko lang mapigilang maging emosyonal. D-don’t worry, bibisita uli kami ni Daphne sa `yo.” “Be brave, Christine,” anang kapatid niya bago siya niyakap. Kapagkuwan ay hinalikan nito ang baby niya. “Daphne, baby, be a good girl, okay?” “T-thank you, Kuya. Bye.” Muling tinawag ang flight niya. Hinagkan niya ang pisngi ng kapatid bago nag-check in sa departure lounge.                        She sighed. Pakiramdam niya ay may isang malaking puzzle na hindi mabibigyan ng kasagutan hangga’t hindi bumabalik ang kompletong alaala niya. Sino ba talaga ang ama ni Daphne? Iyon ang katanungang palagi niyang itinatanong sa isip bago siya matulog sa gabi subalit eight month old na ang anak niya ay wala pa rin iyong kasagutan. Kung sinuman ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili, nakatitiyak siyang may puwang ito sa puso niya. Subalit maging iyon ay hindi niya sigurado dahil wala siyang maalala.   “HUSH, baby, huwag ka nang umiyak. Uuwi na tayo, makikita mo na uli si Lola. Ikaw talaga, masyado ka kasing spoiled sa tito mo, eh,” pang-aalo ni Christinekay Daphne habang umaakyat siya sa eroplano. Fully-booked ang direct flights kaya napilitan siyang kumuha ng flight papuntang Taiwan. Mula Taiwan ay nakapagpa-book na siya ng connecting flight patungo sa Pilipinas. Nauuna sa kanya ang flight attendant na nagboluntaryong bitbitin ang kanyang handcarry travelling bag. Marahil dahil napansin nito na nagwawala ang anak niya. Pagpasok sa eroplano ay iginiya siya ng flight attendant sa business section. Nakangiting iminuwestra nito sa kanya ang seat number niya. Ngumiti siya rito at nagpasalamat pagkatapos nitong mailagay ang kanyang travelling bag sa compartment. Pero bago ito umalis ay nakita niyang panakaw itong sumulyap sa makakatabi niya habang tila kinikilig. Na-curious tuloy siya at sinulyapan din kung sino ang makakatabi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon. Alexander Mondragon! muntik na niyang maibulalas kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Sino ang hindi makakakilala rito? Isa itong sikat na modelo hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Mukhang natutulog ito habang may nakapasak na earphones sa mga tainga nito. Tila lumulukso ang puso niya habang pinagmamasdan ito at hindi niya alam kung bakit. Oo nga at aminado siyang all-time celebrity crush niya ito habang ang mommy naman niya ay ang kapatid nitong si Vladimir Modragon ang crush, pero dapat bang lumukso ang puso niya nang ganoon? It was as if she had known him all her life and they had this unexplainable connection. Weird. Sa malapitan ay lalo pala itong makisig. Napakatangos ng ilong nito at may pagka-aristocratic. Medyo manipis ang mga labi nito at makinis ang mga pisngi na halatang alaga sa shave. His high cheekbones were as prominent as they had in billboards and ads. Makintab na makintab ang buhok nito at tila pagkalambot-lambot na gusto niyang paraanin ang mga daliri niya roon. May ilang hibla na nalaglag sa noo nito na nagpadagdag sa angkin nitong kaguwapuhan. He looked larger than life and indeed he was one magnificent male creature. He was truly a sight to behold. Napapikit si Christine nang bahagyang sumakit ang ulo niya. Tila may kumislap na liwanag sa isip niya pero agad ding naglaho. It was like some memory from the past but she wasn’t sure. “Excuse me, Miss,” anang tinig mula sa kanyang likuran na nagpabalik sa diwa niya. Noon lang niya naalala na nakatayo pa rin siya sa alley dahilan kaya hindi ito makadaan. “Oh, I’m so sorry,” aniya at mabilis na tumabi para makaraan ito. Kapagkuwan ay umupo na siya kalong ang kanyang anak na himalang tumigil sa pag-iyak. Iyon nga lang, mula nang maupo sila, hindi na ito tumigil sa pagkawag na tila nais makawala mula sa mga bisig niya. “Daphne, please behave,” pagkausap niya rito. And to her shock, Daphne got a grip of Alexander’s headphone wire. Nahila nito iyon dahilan para mawala sa tainga ng modelo ang earphone. Nakagat niya ang ibabang labi nang dumilat ang lalaki. Tila lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang magtama ang mga mata nila. His gaze was so powerful it seemed to penetrate her soul. Pero mabilis ding naningkit ang mga mata nito sa disgusto pero agad ding nawala nang mapatingin kay Daphne. “Hello,baby,” nakangiting sabi nito sa baby niya. Muntik na siyang mapasinghap. What a sexy smile he had. He had a perfect set of white teeth. Naningkit din ang mga mata nito at umabot sa mga mata ang ngiti nito. She moistened her lips. Parang natuyuan siya ng laway at hindi niya mahagilap ang boses niya. Damn, Christine! Huwag kang umakto na teenager sa harap ni Alexander Mondragon! kastigo niya sa sarili. Pero ano ang magagawa niya? Crush niya ang modelo kaya natural lang marahil na ma-starstruck siya rito. “I’m sorry, Mr. Mondragon. Nagising ka tuloy…” hinging- paumanhin niya nang mahagilap niya ang kanyang boses. Sinubukan niyang kunin kay Daphne ang wire ng earphone na pinaglalaruan na nito ngayon. “No, it’s okay. Hindi naman ako natutulog. Nakikinig lang ako ng musi—whoa!” bulalas nito nang tumigil si Daphne sa pagbutingting sa wire at ibinuka ang mumunting braso na tila nagpapakuha kay Alexander. “Da-da, dada…” anang bata habang nakabuka ang maliliit na bisig. Ngiting-ngiti ang anak niya na animo excited na magpakarga kay Alexander. “Daphne—” “No it’s okay. Puwede ko ba siyang kargahin?”ani Alexander na ikinagulat uli niya. Mukhang hindi ito katulad ng ibang celebrity na kilala niya na halos ayaw humawak ng bata.Bago pa siya makasagot ay nakuha na ni Alexander ang anak niya na noon ay humahagikgik na habang kinakausap nito. “Mukhang tagahanga mo rin ang anak ko, Mr, Mondragon,” nakangiting wika niya bagaman sa sulok ng puso niya ay nakakaramdam siya ng lungkot. On that moment, she pictured Alexander and Daphne as father and daughter. Pero alam niyang isa lang iyong ilusyon dahil hindi niya kilala ang ama ng anak niya. Sa napakamurang edad ng anak niya ay tila naghahanap na ito ng ama, bagay na hindi niya maibibigay hangga’t hindi bumabalik ang kompletong alaala niya. “I was hoping she’s your little sister or a niece perhaps,” ani Alexander na saglit na tumingin sa kanya. Hindi siya sigurado kung tama ang nabasa niyang disappointment sa mga mata nito dahil agad din itong bumaling sa anak niya. And did he actually glance at her fingers? Para saan? Para alamin kung kasal na ba siya o hindi pa?Wala siyang suotna singsing at hindi na rin niya nakita kung ano ang naging reaksiyon nito. “Da…da,” muling wika ni Daphne bago humaplos ang maliliit na kamay nito sa mukha ni Alexander. “Ibig mong sabihin‘daddy,’ huh, baby? Was it ‘daddy’?” ani tanong ni Alexandersa anak niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Parang gusto na naman niyang maiyak. Ganoon ba katindi ang pangungulila ng anak niya sa isang ama na kahit ang isang matatawag na estranghero na gaya ni Alexander ay tinatawag nitong “dada”? Muling humagikhik ang anak niya, punong-puno ng buhay ang inosenteng mga mata nito. “What a lovely girl you are,” wika ni Alexander. “Woo… da… da.” ‘“Thank you’ ba ang ibig mong sabihin?” aliw na aliw na tanong ni Alexander sa anak niya. “You’re welcome, sweetie. Goodness! Bakit parang nagkakaintindihan tayo, ha? Siguro ganyan din ang language na ginamit ko noong baby pa ako.” Siyang-siya na pinanood niya ang dalawa na animo ay nagkakaintindihan nga sa pag-uusap. Alexander will talk to Daphne and her daughter will answer in mumble. Parang may sariling mundo ang dalawang nilalang sa kanyang tabi. “Coffee brown eyes. Same shape of eyes,” mahinang wika ni Alexander na narinig niya nang malinaw.Bumaling ito sa kanya. “Pakiramdam ko ay nakatingin ako sa salamin at nakikita ko ang sarili kong mga mata.” Hindi niya alam kung bakit pinanlamigan siya. Tama ito, magkapareho nga ang kulay ng mga mata nito at ng anak niya. At hindi lang iyon, kung pakakasuriing mabuti, mapapansin din ang pagkakahawig ng porma ng mga kilay ng dalawa pati ang korte ng maninipis na labi. “N-nakuha niya sa d-daddy niya,”wika niya. Hindi naman siya tahasang nagsisinungaling dahil coffee brown ang kulay ng mga mata niya. Saan pa ba magmamana ang anak niya kundi sa ama nito? “And her lips, hindi rin niya nakuha sa `yo,” muling komento ni Alexander.Nag-init ang mga pisngi niya nang titigan nito ang labi niya. Tama uli ito, hindi rin sa kanya nagmana ng mga labi si Daphne. Maninipis ang kay Daphne samantalang ang sa kanya ay hindi. Her lips were full and kissable like Angelina Jolie’s. Natuon na ang buong atensiyon ni Alexander kay Daphne. Hindi siya makapaniwala na ganoon kainit ang magiging pakikitungo ng sikat na modelo sa anak niya. Napapahalakhak ito kapag humahagikgik ang anak niya na halos ikatunaw ng puso niya. Ibinabalik lang nito sa kanya si Daphne kapag kailangan nang dumede o kapag inaantok na. Sa sandaling magising ang bata o makadede na, muli itong magpapakarga sa modelo kaya hindi naging kainip-inip para sa kanila ang mahabang oras ng biyahe mula sa Barcelona hanggang Taiwan. Sa buong biyahe patungong Taiwanay hindi man lang umingit o umiyak si Daphne gayong mainipin ito sa mahabang biyahe.Napangiti siya nang maisip na marahil ay alam ng anak niya na napakakisig ng may hawak dito. Isang lalaki na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. A man any woman would want to have. Katulad niya. “Bibisita ba kayo ng Taiwan? Relatives perhaps?”  tanong ni Alexander nang hindi tumitingin sa kanya. Nakalapag na ang eroplano sa Taiwan International Airport. Ang mga pasahero ay nagsisiunahan na sa pagbaba. “No, uuwi kami ng Pilipinas. Fully-booked ang direct flights kaya napilitan akong mag-connecting flight nalang,” sagot niya. “Pareho pala tayo. Actually, sa isang araw pa ang scheduledflight ko pero gusto ko nang umuwi kaya `eto, kinuha ko na rin kahit hindi direct flight. Isa pa, ugali ko na talaga ang umuwi ng Pilipinas na hindi sinusunod ang schedule ko. That’s my way to surprise my brother.” Mayamaya ay sumenyas ito na puwede na silang bumaba. Sinubukan niyang kunin si Daphne mula rito pero tumanggi ito. Gusot na ang harapan ng damit nito pero tila bale-wala iyon dito. “May connecting flight ka na ba?”tanong nito nang makababa na sila ng eroplano. Si Daphne ay nananahimikpa rin sa bisig ng binata. “Meron na,” sagot niya.Sinabi niya ang airline company na sasakyan nila ni Daphne. She was still rattled. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalapit sa kanya ang modelo. Kung alam lang nito na kanina pa niya pinagsasawaan ang mabangong amoy nito. Bumakas ang pagkagulat sa mga mata nito. “Puwede ko bang malaman ang seat number mo? Bakit malakas ang kutob ko na magkakatabi na naman tayo sa upuan?” Kinuha niya ang ticket niya at binasa kung ano ang seat number niya. Sinabi niya iyon sa binata. “Coincidence or destiny?” iiling-iling ngunit nakangiting wika nito. “Tara na,”yaya nito. Ito na ang nauna sa paglalakad. Stand-out ang presensiya nito sa airport. Ang ilang fans na nakakilala sa binata ay hindi nahiyang magpapirma o magpakuha ng picture kasama ito. Hindi iyon tinanggihan ng binata sa halip ay malawak pa nga ang ngiti nito. No doubt, he was really a charmer. Ilang sandali pa nga ay magkatabi na uli sila ng modelo sa upuan. Naghikab si Daphne kaya tinangka niyang kuhanin na ito. “No, it’s okay. Ako na ang bahalang kumarga sa kanya. It would be better kung matutulog ka na rin. Mahigit isang oras pa ang ibibiyahe natin,” anito. Sa pagkamangha niya, ini-recline pa nito ang upuan niya para maging komportable siya kung sakaling gustuhin niyang matulog. She sighed. Hindi na siya nakipag-argumento pa. Mukhang maaari naman niyang maipagkatiwala rito ang anak niya. Isa pa, magaan ang loob dito ng bata na tila ayaw ring mawalay mula sa binata. Inayos niya ang higa niya. Ang akala niya ay hindi siya makakatulog pero ilang saglit lang ay hinila na siya ng antok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD