Chapter 4

2193 Words
NAGMULAT ng mga mata si Christine. Hindi siya makapaniwalang nakatulog siya nang payapa na nasa kamay ng isang maituturing na estranghero ang kanyang anak. Unang beses na nangyari iyon. Ewan niya pero tila kayang-kaya niyang ipagkatiwala sa modelo ang anak niya. Tiningnan niya ang dalawa. Tila hinaplos ang puso niya sa nakita. Tulog si Alexander at nakadapa sa dibdib nito ang natutulog ding si Daphne. His arms were wrapped protectively at her daughter. It was a heartwarming scene. And for the life of her, she didn’t know why she get misty-eyed. Mayamaya ay ini-announce na ng flight attendant na isuot na ang seatbelt dahil nasa Pilipinas na diumano sila at malapit nang mag-landing sa NAIA. “A-Alexander…” tawag niya rito. Marahang tinapik-tapik niya ang braso nito. Dumilat ito. “Nasa NAIA na tayo. Fasten your seat belt,” aniya rito. Marahang tumango ito. Umayos ito ng upo habang maingat na nakaalalay kay Daphne. Nakaramdam siya ng panghihinayang nang bumababa na sila ng eroplano. Tapos na kasi ang oras na makakasama niya ang sikat na modelo.Lalong lumaki ang paghanga niya rito dahil sa magiliw na pag-aalaga nito kay Daphne sa halos buong durasyon ng kanilang biyahe. Ipinasa lang nito ang anak niya sa kanya nang bababa na sila. Hindi siya makapaniwala na ganoon kalambot ang puso nito sa anak niya. She was sure Alexander would make a great father someday. Naisip niya ang mommy niya. Tiyak na matutuwa ito kapag ikinuwento niya ang nangyari. Alexander kissed Daphne’s forehead with fondness. “Good-bye, sweetheart. I had great time with you,” anito sa anak niya. Kapagkuwan ay binalingan siya nito. “It’s nice to meet you, Miss…?” Ang akala ko ay hindi mo na itatanong ang pangalan ko. “Christine. ChristineVinluan. It’s nice to meet you, too, Alexander,” wika niya. “Hindi mo ba ako itatama?” nakangiting tanong nito, ngiting kanina pa nagpapakabog sa dibdib niya. Maraming beses na niyang nakita ang magiliw na ngiti nito sa mga ads at magazines, pero iba pala ang epekto niyon kapag nakikita niya nang personal. “Ha?” nalilitong tanong niya. “Hindi mo ba itatama `yong tawag ko sa iyo na ‘Miss’? It should be ‘Mrs,’ right?” “Walang dapat itama, Mr. Mondragon. Miss pa rin ako dahil wala pa akong asawa,” aniya rito bago tumalikod. Subalit hindi pa siya lubusang nakakatalikod ay maagap na siyang naikulong ng modelo sa mga bisig nito. “s**t!” Alexander cursed. Kasabay niyon ay may nagkislapang mga camera mula sa kung saan. Muling kinuha ni Alexander sa kanya si Daphne habang nakaalalay ang isang kamay nito sa balikat niya. He was protectively leading her back to the airport. Panay pa rin ang kislapan ng mga camera. Nang muli silang makapasok ng airport ay hindi na sila nasundan dahil maagap nang napigilan ng mga guwardiya ang mga iyon. “A-ano’ng nangyayari?” tanong niya bago pa niya maisip na hindi na niya kailangang itanong iyon. Celebrity si Alexander kaya susundan at susundan ito ng mga reporter makakuha lang ng maibabalita tungkol sa modelo. Pero dahil windang pa ang isip niya dahil sa pagyakap nito, hindi na niya napag-isipan pang mabuti ang itinatanong. Kanina nang yakapin siya nito para protektahan sa press, tila may kakaibang init na yumakap sa buong katawan niya. Ramdam na ramdam din niya ang mabilis na t***k ng puso nito. His scent was intoxicating, too. “I’m sorry about that,Chris. Siguradong bukas ay nasa balita na tayo. This is the price I have to pay for being a celebrity. Sometimes I enjoyed it, but oftentimes not,” anito na walang halong pagmamayabang. Chris. Tila um-echo iyon sa pandinig niya.Ang sarap palang pakinggan kapag ito na ang sumambit ng palayaw niya. Nais sana niyang magsalita pero hindi niya matagpuan ang kanyang tinig. Nakatingin lang siya kay Alexander. Sa kabila ng sitwasyon nila, nakuha pa niyang pagmasdan ang bawat paggalaw ng mga labi nito habang nagsasalita. Bigla niyang naisip kung ilan na kaya ang masuwerteng babaeng nahagkan ng mga labing iyon? Kinastigo niya ang sarili dahil sa huling naisip. “Gagawa sila ng kuwento at madadawit ang pangalan mo sa akin. I suggest na huwag ka munang maglalabas ng bahay n’yo hangga’t hindi pa humuhupa ang issue. Ako na ang bahalang umayos ng lahat. Kung mga taga-MBN ang mga press na iyon, then I can guarantee you na hindi lalabas ang mga litrato. Kakausapin ko si Zeke—Wait, okay ka lang ba?” tanong nito. Marahil ay napansin nito na nakatitig lang siya rito. Lihim siyang napahiya. Ibinalik niya ang composure. “O-okay lang ako,” aniya bago muling kinuha rito ang anak niya. “Wait lang, Chris.” Inilabas nito ang cell phone at nagpipindot doon. “Kuya Vlad, kailangan ko ng tulong mo. Hindi ako makalabas dito sa airport. Ang daming reporters sa labas. Please send a car.” Saglit na tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa kanya. “Yes, nandito ako sa NAIA. Sosorpresahin sana kita kaya lang nagkaroon ng kaunting aberya… Yeah, I know, pero ibang kaso ngayon, Kuya, dahil may kasama akong mag-ina.” Nagulat siya nang biglang humalakhak si Alexander. Kumislap ang mga mata nito sa pagkaaliw. Napatitig din siya sa ginawa nitong paghagod sa buhok nito. Animo ay nasa isang television commercial ito ng isang anti-dandruff shampoo na may balik-ayos at dandruff-free na buhok. “Relax, Kuya, hindi sila sa akin… It’s a long story, mamaya ko nalang ikukuwento. So can you get us out of here? Okay, thanks.” Tinapos na nito ang tawag at ibinalik na sa bulsa ang cell phone. Binalingan siya nito. “Okay lang ba kung maghintay pa tayo ng ilang sandali? Nagpapasundo ako kay Kuya Vlad. Ihahatid ka na namin sa bahay n’yo.” “N-no, hindi na kailangan, Mr. Mondragon. Puwede naman kaming mag-taxi ni Daphne.” Hindi kasi alam ng mommy niya na uuwi na sila ni Daphne kaya walang driver na susundo sa kanya. “Baka ma-out of way lang kayo.” “No, I insist. Isa pa, natutulog si Daphne. Baka magising pa siya kapag nakita kayo ng reporters at kunan kayo ng pictures.” “Pero—” “Please? Kahit si Daphne na lang ang isipin mo.” Napabuntong-hininga na lang siya at sumang-ayon na lang sa gusto nito.   KANINA pa nakakunot-noo si Alexander habang nakatingin sa kapatid niya na nakaupo sa gazebo at tila malalim ang iniisip. Iniisip niya kung may problema ang kapatid niya. Kaninang umaga lang, halos langgamin sila ni Ate Bai sa ka-sweet-an. Pero sinundo lang niya ako, nagkaganito na siya. Ano’ng nangyari? Kapag umuuwi siya sa Pilipinas,magkasama sila ni Vladimir sa iisang bahay. Pero ngayong may asawa na ito, ilang araw lang siyang mananatili sa bahay ng mga ito bago siya umuwi sa sariling bahay. Hindi na siya nakatiis. Umahon siya mula sa swimming pool. Kinuha niya ang tuwalya sa gilid ng pool at ipinunas sa sarili pagkatapos ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang gazebo. Naupo siya sa pasimano paharap sa kapatid niya. Pinagmasdan muna niya ito bago niya tinawag ang pansin nito. “Kuya Vlad…” “O, Xander, nandiyan ka pala,” anito. Napailing-iling siya. Hindi tipikal sa kapatid niya ang ganito maliban na lang kung may gumugulo sa isip nito. At kung anuman iyon, nais niyang malaman kung ano. “What’s bothering you, Kuya? Mula nang sunduin mo ako sa airport, nagkaganyan ka na. Sigurado ako na hindi tungkol sa inyo ni Ate Bai ang gumugulo sa isip mo.” Bumuntong-hininga ito bago tumingin nang deretso sa kanya. “Alexander, may inililihim ka ba sa akin?” “What?” gulat na reaksiyon niya. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?Bakit at ano naman ang ililihim ko sa iyo?” Mula nang maulila sila, naging mas malapit silang magkapatid sa isa’t isa. Vladimir had became his father, mother, brother, and best friend all at the same time. Hindi ito nagkulang sa pagmamahal at suporta sa kanya kaya naging open siya rito sa lahat ng bagay. As far as he could remember he had been completely honest with his brother. “Sigurado ka talagang wala kang inililihim sa akin?” hindi kumbinsido na muling tanong nito. Natawa si Alexander. “Wala nga, puwera na lang kung nagka-amnesia pala ako bago ako umuwi ng Pilipinas,” biro niya pero hindi man lang nabawasan ang kaseryosohan sa mukha nito. Huminga ito nang malalim bago muling tumingin sa malayo. “Naaalala mo pa ba si Hera?” mayamaya ay tanong nito. Kumunot ang noo niya. Ano ang kinalaman ng namatay nilang kapatid sa pinag-uusapan nila? “Why, of course. Hindi ko siya kailanman makakalimutan.” Bunso at nag-iisang kapatid na babae nila si Hera. Kasama itong namatay ng mga magulang nila sa isang jeepney accident. Kay Vladimir mas malapit si Hera. Ang kuya kasi niya ang nag-aalaga kay Hera kapag nasa bukid ang mga magulang niya at siya naman ay mas gustong sumama sa mga ito sa bukid. Labis niyang pinagsisisihan at inihihingi ng tawad sa puntod ng kapatid na hindi man lang niya naalagaan ito noong nabubuhay pa. “Kunsabagay, napakabata mo pa nang mawala si Hera, hindi mo na siguro natatandaan kung ano ang hitsura niya.” “Kuya Vlad, puwede bang deretsahin mo na ako? Tell me, what’s really bothering you?” Tiningnan siya nito. “`Yong bata kahapon, ano uli ang pangalan niya?” “Daphne,” sagot niya.“At sinabi ko na sa iyo na nakatabi ko lang sila sa eroplano. I got hooked with the baby kaya inalalayan ko sila hanggang sa makalabas ng airport.” “Daphne…” pag-ulit ni Vladimir. “Hindi mo ba napansin na kamukhang-kamukha siya ni Hera?” Hindi siya nakapagsalita. Bigla siyang kinilabutan na hindi niya maipaliwanag. Bigla niyang naalala nang ipakilala niya si Christine at si Daphne sa kuya niya kahapon sa airport. Ilang saglit na natulala ang kapatid niya habang titig na titig ito sa baby. Nang tanungin naman niya ito ay hindi ito sumagot. At habang nasa sasakyan sila at nagmamaneho ito para ihatid ang mag-ina sa bahay ng mga ito sa Parañaque ay panay ang sulyap nito sa baby mula sa rearview mirror. Tumingin ito nang deretso sa mga mata niya. “Ewan ko, Xander, pero para silang kambal ni Hera. Hindi lang iyon. Pakiramdam ko ay lumukso ang dugo ko nang makita ko siya. Imposible naman na siya si Hera. Iisa lang ang alam kong posibilidad kaya ganoon na lang ang resemblance nila. Na anak mo siya at inililihim mo lang sa akin ang bagay na iyon.” Sandaling hindi nakaimik si Alexander. Naalala niya kung paanong ganoon na lang ang pagkaaliw na naramdaman niya nang makita ang baby. Isipin pang hindi maganda ang mood niya nang araw na makatabi niya ang mag-ina sa upuan sa eroplano. Nagkunwari pa nga siyang tulog para hindi siya kulitin ng flight attendant na nais magpa-autograph sa kanya. Nainis pa nga siya nang maalis sa tainga niya ang earphones. Akmang sisitahin niya ang kung sinumang nakaalis noon pero nang magtama ang mga mata nila ng baby, tila bulang naglaho ang inis niya at may kakaibang init na bumalot sa puso niya. At nang umakto itong nagpapakarga sa kanya, hindi niya napigilang maaliw nang husto. Pero sa kabila ng mga iniisip niya, imposible pa rin na anak niya ang bata. Umiling-iling siya. “Imposible, Kuya. Unang-una, hindi ko talaga kilala si Christine. I swear to God, sa eroplano talaga kami unang nagkita. At si Christine naman, kilala lang niya ako bilang si Alexander Mondragon na modelo. Pero aaminin ko na unang beses ko pa lang nakita ang bata ay may iba na akong naramdaman sa kanya.” “Daphne has Hera’s and your eyes and lips…” bulong nito na tila sa sarili lang nito sinasabi ang mga bagay na iyon pero malinaw iyong nakarating sa pandinig niya. Napansin din niya iyon. Hindi ba at nasabi pa niya kay Christine ang tungkol doon? “Hindi naman rare case na nagiging magkamukha ang dalawang tao kahit hindisila magkamag-anak. `Yong iba nga, halos parang kambal na sa tindi ng resemblance.” “Alam ko ang bagay na iyan. Ewan ko ba. Mula nang makita ko ang bata kahapon ay hindi na siya mawala sa isip ko.” Bumuntong-hininga ito. “Sige na, ituloy mo na ang paliligo mo. Bukas ka na umuwi sa bahay mo, gusto ka pa naming makasalo ni Bainisah sa hapunan.” Tumango siya pero sa halip na bumalik sa swimming pool, dumeretso na siya sa silid niya at nag-shower. Sa ilalim ng dutsa, pilit niyang iwinawaksi sa isip ang naging pag-uusap nila ng kapatid. Ang totoo, hindi rin mawala sa isip niya ang bata at maging ang ina nito. They were invading his system. At kung magpapakatotoo lang siya, aaminin niyang nami-miss na niya nang sobra ang bata. He wanted to see the baby. Gusto uli niyang makarga ito at makausap.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD