Chapter 5

2085 Words
“SANAY ka na ba sa mga iyan, Patrice?” natatawang tanong ni Alexander sa kaibigan niyang si Patrice patungkol sa bodyguards nito. Nakilala niya ang babae sa Paris. Naging office clerk ito ng Elite, ang modeling agency kung saan katatapos lang ng kontrata niya. Hindi niya inakala na may nakaraan pala ang kaibigan niya at si Ezekiel Moreno na malapit na kaibigan ng kanyang kapatid. Kumakain ang mga bodyguard nito sa isang mesa di-kalayuan sa kanila. They were so discreet nobody will suspect they were guarding PatriceMoreno,wife of Ezekiel Moreno, the CEO and chairman of Moreno Broadcasting Network. Nasa Mall of Asia sila at nagkakayayaang mamasyal. Wala si Vladimir dahil sa isang meeting habang si Ezekiel ay nasa United Kingdom. “Hindi ko matanggihan si Zeke,” ani Patrice na walong buwang buntis na. “Alam n’yo naman ang naging kalupitan noon ni Señor Artem—” “Daddy,” pagtatama ni Bainisah kay Patrice patungkol sa biyenang lalaki nito. Pinsan ni Bainisah si Ezekiel. Natawa si Patrice. “Sorry. Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ‘daddy.’ Anyway, as I was saying, naging malupit noon si Daddy kaya hindi imposible na may mga nagtanim sa kanya ng galit. Iyon ang pinangangambahan ni Zeke kaya hindi siya pumayag na hindi ako magba-bodyguards lalo pa at malapit ko nang isilang ang panganay namin.” “Mabuti na rin iyon, Patrice, para lagi kayong ligtas. `Yan din kasing si Zeke,sobrang formidable tingnan pagdating sa ibang tao, pero daig pa ang maamong tupa `pag ikaw na ang pinag-uusapan,” wika ni Bainisah na ikinatawa nilang tatlo.Binalingan siya ni Bainisah.“Maiba ako, kailan ka uuwi ng Naujan, Xander?” “Next week pero hindi ko pa sigurado. Nagkita naman na kami ng mga Valencia,” aniya na ang tinutukoy ay ang pamilya na pinagkakautangan nila ng loob ni Vladimir. Best friend niya ang kababata na si Angela Valencia na ngayon ay happily married na rin. Ang mga ito ang naging pangalawang pamilya nila ng kapatid niya mula nang maulila sila. Labas-masok din sila sa hacienda ng mga ito sa Naujan, ilang kilometro lang mula sa bahay nila. “Let me know. Parang gusto ko ring sumama sa Naujan,” wika ni Bainisah. “Sure.” Bumaling si Alexander kay Patrice.“`Buti at pinapayagan ka pa ni Zeke na maglalabas kahit malapit na ang kabuwanan mo?” Si Bainisah ang sumagot.“Hay, naku, matitiis ba naman ng pinsan ko si Patrice kapag may ginusto siya? Anything that would make Patrice happy, Zeke would be very much willing to give it to her,” ani Bainisah na itinirik pa ang mga mata. Tumawa si Patrice. “Hay, naku. Palagi niyang sinasabi sa akin na babawi siya sa lahat ng pagkukulang niya noon. Parang sobra-sobra na nga, eh. Ewan ko ba sa lokong iyon. Hanggang ngayon yata, nagi-guilty pa rin siya sa nangyari noon.” “No, it wasn’t guilt,Patrice. Masyado ka lang mahal ni Zeke. Imagine, sa loob ng maraming taon na magkahiwalay kayo, nakasubaybay pala siya sa iyo?” aniya rito. Kaibigan niya si Patrice kaya naman masaya siya nang finally ay magkaayos na ito at si Zeke at ngayon nga ay mag-asawa na. Natatawang itinaas ni Patrice ang kamay. “Okay, wala na akong sinabi.” Tulad ni Bainisah, kita ang kislap ng kaligayahan sa mga mata nito. Sabay na tumingin sa kanya nang mataman ang dalawa. “Uh-oh. Don’t look at me like that, ladies,” natatawang sita niya sa dalawa. Mukhang nahuhulaan na niya ang tumatakbo sa isip ng mga ito. “Ikaw, Xander, kailan ka lalagay sa tahimik?” umpisa ni Bainisah. Sinasabi ko na nga ba! “Bakit? Tahimik ba talaga ang kalalagyan ko kapag nag-asawa ako? Sina Zeke at Kuya Vlad nga, naliligalig sa inyo, eh,” natatawang biro niya. “Gano’n? Dahil sa sinabi mo, ikaw ang magbabayad ng bill natin pati na sa magagastos namin ni Bai sa pagsha-shopping,” nakaingos na wika ni Patrice. Nawala ang ngiti niya na ikinahagikgik ng dalawa.       “MA’AMChristine!” Napatayo siya nang marinig ang pangalan niya. Nasa main branch siya ng Christine Collection sa SM Mall of Asia. Sa kasalukuyan, tatlo na ang branches ng CC. Abala siya sa pagrerebisa ng delivery receipts ng bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya at walang babalang pumasok doon ang kanyang store manager at tinawag siya. Matinis pa naman ang boses nito. “Goodness, Lorie! Kung may sakit lang ako sa puso, siguradong inatake na ako! Hindi ka ba marunong mag-warning knock?” medyo naiinis na wika niya habang tutop ang dibdib sa gulat. “Pasensiya na po, Ma’am,” anito. Tila hindi man lang ito naapektuhan sa sinabi niya. Nagniningning pa nga ang mga mata nito. Tumaas ang isang kilay niya. “Bakit ba? Dumating na ba ang mga bagong designs?” “Naku, Ma’am, hindi po mga bagong designs ang dumating kundi ang modelong si Alexander Mondragon!” anito na hindi na naitago ang kilig. Bumilis ang pintig ng puso niya. “N-nandito sa shop si Alexander?” “Yes, Ma’am. Kasama niya ang newscaster na si Bainisah Gandamato-Mondragon at si Patrice del Rio-Moreno!” Napasinghap siya. Pare-parehong celebrity ang mga binanggit nito. Laman ng mga balita ang pag-iisang-dibdib ng dalawang babaeng binanggit nito. Si Miss Patrice del Rio-Moreno ay nakilala dahil sa nakakakilig na phonepatch interview kay Ezekiel Moreno noon sa Showbuzz—isang talk show sa MBN—kung saan idineklara ng guwapong CEO at chairman ng MBN ang pagmamahal nito para kay Patrice. Nagkalat ang video clips niyon sa Youtube at naging trending topic sa social networking sites. Aware din siya sa mga naging tsismis noon tungkol kay Bainisah. Subalit hindi niya pinaniwalaan ang lahat ng iyon. Hinahangaan niya ang babae sa husay nito bilang isang newscaster. “H-hinahanap ba ako niAlexander?” tanong niya kay Lorie. Mukhang naintriga ang store manager niya dahil sa tanong niya pero umiling lang ito. Pagkatapos niyon ay lumabas na ito ng opisina niya. Umupo uli siya sa swivel chair, iniisip kung dapat ba siyang lumabas at personal na asikasuhin ang kanilang celebrity costumers. Isang malaking karangalan para sa CC kung maisusuot ng isang tanyag na reporter, modelo at asawa ng CEO ng MBN ang mga damit nila sa boutique. Pero kinakabahan siya na makaharap uli si Alexander. Lalong hindi niya alam kung bakit tila nagwawala sa loob ng rib cage niya ang kanyang puso sa isiping muling makakaharap niya ito. Hindi ito mawala-wala sa isip niya at hindi siya dinalaw ng antok noong araw na yakapin siya nito sa airport para iiwas sa mga reporter. She could vividly remember his manly scent. Masarap din sa pakiramdam ang mapaloob sa bisig nito kahit saglit lang iyon at ginawa lang nito para protektahan siya. Pero sa huli, nanaig ang kagustuhan niya na makita ito. Lumabas siya ng opisina niya. Pasimpleng inilibot niya ang paningin sa boutique. Nakita niya si Alexander na nakaupo sa waiting area malapit sa fitting room. Simpleng white shirt, cargo shorts,at leather sandals lang ang suot nito. At tanging isang Tag Heuer watch ang suot nitong accessory. Gayunman, makatawag-pansin pa rin ito. Ilan nang dumaraan ang panaka-nakang sumusulyap dito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at aakalain ng sinumang makakakita na suplado ito. But she knew better.               As if on cue, lumingon si Alexander sa kinatatayuan niya. Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito.“Christine?” mahinang sambit nito. Lihim siyang natuwa dahil natatandaan pa pala siya nito kahit mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang makasabay nila ito ni Daphne sa eroplano. Tumayo ito at sinalubong siya. “Hi! ChristineVinluan, right? Naaalala mo pa ba ako?” Napangiti siya. “Why, of course, Mr. Mondragon.” “Oh, please, drop the formality. You can call me ‘Xander,’” anito. “Okay, Alex—I mean, Xander,” aniya nang pabirong pandilatan siya nito. “Welcome sa Christine Collection. Hindi ako makapaniwala nang sabihin sa akin ng manager ko na narito kayo nina Bainisah at Patrice,” aniya at luminga sa likuran nito. “Kung hinahanap mo sila, nasa fitting room sila. Hindi ako makapaniwala na sa iyo ang boutique na pinasok namin. Katatapos lang naming mag-lunch nang makita ni Ate Bai ang dress na nakasuot sa mannequin sa glass stand. Nagustuhan naman ni Patrice ang isa sa maternity dresses n’yo.” Magsasalita sana siya nang makita niyang lumabas na sa fitting room ang newscaster kasunod si Patrice. “Xander,” ani Bainisah nang makalapit sa kanila ang dalawang babae. Puno ng curiosity ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila ni Alexander. “Ate Bai, Patrice, meet ChristineVinluan. Siya `yong nakilala ko sa eroplano.” Binalingan siya nito. “Christine, meet my sister-in-law Ate Bai, and my friend Patrice. Wala ang mga asawa nila kaya ako ang alalay nila ngayon,” biro ni Alexander. “Hi, Christine.`Pleasure to meet you,” magiliw na sabi ni Bainisah sa kanya. Sumegunda rito si Patrice. Ngumiti siya nang matamis. “The pleasure is mine. It’s an honor having you here at CC. May napili na ba kayo sa mga dress namin?” “Oh, yes. I’m buying this maternity dress. Gusto rin ni Bai `yong isinukat niyang damit,” sagot ni Patrice. Tinawag niya ang cashier niya at sinabihan na bigyan ng malaking discount ang dalawa. “Wow! Thank you,” ani Patrice. Nagpasalamat din si Bainisah. Saglit pa silang nagkuwentuhan bago nagpaalam ang mga ito na aalis na. “Oh, by the way,Christine. Puwede ko bang makuha ang cell phone number mo?” ani Bainisah. “Sure.” Binalingan ni Bainisah si Alexander. “Pahiram ng phone mo, battery empty na ako, eh. Sa phone mo muna ko ise-save ang number ni Christine,” anito na may makahulugang ngiti sa mga labi. Umiling-iling si Alexander. “Ate Bai, gumaganti ka ba? Hindi mo pa rin nakakalimutan `yong ginawa ko dati sa iyo, `no?” natatawang sabi ni Alexander habang iniaabot sa hipag ang cell phone nito. Ngumiti na lang si Christine kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Idinikta niya rito ang cell phone numbers niya. Nagpipindot si Bainisah, kapagkuwan ay itinapat nito ang cell phone sa tainga nito. Saglit lang ay may pinindot ito roon at ibinalik na kay Alexander ang cell phone. “That’s Alexander’s number. Please save it,” nakangiting sabi ni Bainisah sa kanya. Nag-init ang magkabilang pisngi niya nang maisip kung ano ang ginawa ni Bainisah. Mukhang imina-matchmake siya nito kay Alexander. Iyon lang at nagpaalam na ang mga ito.   NASA parking lot na ng mall si Christinenang tumunog ang cell phone niya. Dinukot niya iyon sa kanyang shoulder bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang pangalang nasa LCD screen ng phone. Si Alexander ang tumatawag. Pagkaalis na pagkaalis ng tatlo sa boutique, kinuha niya ang cell phone niya sa opisina at i-s-in-ave ang number ni Alexander. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tawag. “Yes, hello?” “Chris,” anang tinig ng modelo sa kabilang linya. Chris. Tila may halong lambing ang pagkakasambit nito sa palayaw niya. It was like sweet music to her ears.Iyon ang ikatlong beses na tinawag siya ng binata sa kanyang palayaw at napakasarap niyon sa kanyang tainga. “H-hi, Mr. Mondragon. Napatawag ka?” aniya. Ipinagpautloy na niya ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng kotse niya. Gusto na niyang makauwi dahil nami-miss na niya si Daphne. Kapag ganoon kasing pumapasok siya ay naiiwan ang baby niya sa lola nito. “Mr. Mondragon again. Drop the formality,Chris. Call me ‘Xander.’” “Sorry. Xander…” “That’s better. Pauwi ka na ba?” “Hmm, yes.” Bakit? Gusto sana niyang itanong pero naunahan siya ng hiya. “Good. Drive safely. Bye,” anito bago nito tinapos ang tawag. Kumunot ang noo niya. “What was that?” mahinang tanong niya bago nagkibit-balikat. Itinuloy na niya ang pagpunta sa kotse niya at pilit iwinaksi sa isip ang sinabi ni Alexander. Dahil hindi traffic, mabilis siyang nakarating ng bahay nila sa Parañaque. Ipinapasok pa lang niya ang kanyang kotse sa driveway nang mamangha siya sa nakita. Natapakan niya bigla ang preno ng kotse dahil hindi niya inaasahan ang tanawing bubungad sa kanya. Nasa porch ng kanilang bahay si Alexander habang karga-karga nito si Daphne.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD