“MOMMY’S here,” wika ni Alexander kay Daphne nang makita niyang nasa driveway na ang kotse ni Christine. Hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang babae na noon ay papasok na ng bahay. Nais niyang mapangiti sa nakitang ekspresyon nito. Halatang hindi nito inaasahan na makikita siya nito roon.
“Xander! What are you doing here?” tanong nito nang makalapit sa kanila ni Daphne.
“Hi,” aniya. Humalik siya sa pisngi nito, rather, sa sulok ng mga labi nito. He just wanted to tease her. Pero hindi niya napaghandaan ang kabayaran sa panunukso niya. Tila may electric current na nanulay sa bawat himaymay niya. It send small shock waves down his spine. He was almost tempted to claim her lips in a searing kiss. Her womanly scent seemed vaguely familiar to him.
Missed na missed na kasi niya si Daphne kaya naisipan niyang pumunta sa bahay ng mga Vinluan. Ilang araw na niyang kinokontrol ang urge na puntahan ang bata. He had no idea why he was so drawn to the baby. Kahapon nang muling makita niya si Christine sa mall, nagdesisyon siya na puntahan na si Daphne, tutal ay alam niya kung saan ang bahay ng mga ito dahil doon nila inihatid ang mag-ina galing ng airport.
Natigilan si Christine sa ginawa niya. Parang gusto niyang pagsisihan ang kapilyuhang naisip dahil nakita niyang bumadha ang inis sa magandang mukha nito. Kinuha nito mula sa kanya ang bata. “Puwede ka nang umalis,” pagtataboy nito.
Magsasalita sana siya nang makita niyang palapit sa kanila ang mama nito.
“O, Christine, hija, nandiyan ka na pala. Come on, dinner is ready. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Dito magdi-dinner si Alexander, inimbitahan ko siya.” Mukhang wala namang nahalata ang ginang sa tensiyon sa pagitan nila ni Christine. Lumapit ito sa kanila at kinuha si Daphne mula kay Christine. “Sumunod na kayong dalawa.”
Naiwan sila roon. “I’m sorry,Chris…”
Humalukipkip ito at pasulimpat na tiningnan siya. “Sorry saan?”
“For kissing you—if it could be called a kiss. I mean, sorry kung na-offend kita.”
Umiling ito. “No, wala kang dapat ihingi ng sorry, Xander. Ako ang nag-overreact. Pasensiya ka na. Come on, tara na sa dining room,” anito at nauna nang naglakad.
Mabilis na sinabayan niya ito.
“Parang alam ko na kung bakit ka narito.” Sumulyap ito sa kanya.“`You missed my daughter?”
“Yes,I missed her.” But I realized I miss you more.
Saglit pa at narating na nila ang dining room. Mayfour-seater round table doon. Mukhang malapit sa isa’t isa ang pamilya Vinluan.
Magiliw na inasistihan siya ng ina ni Christine habang ang bata ay ipinasa ni Christine sa yaya nito. Nang ihatid nila si Christine at ang bata, naroon na ang mommy ng dalaga sa bahay kaya hindi naging problema sa kanya ang pagpunta rito ngayon. Kanina rin niya napag-alaman na ulila na pala sa ama ang dalaga habang ang kuya nito ay sa Barcelona, Spain na naninirahan.
“Alexander, hijo, hanggang kailan ka rito sa Pilipinas?” tanong sa kanya ng ginang.
“As of now, hindi ko pa po alam. Nag-e-enjoy pa po ako rito. Sa totoo lang po, plano kong mag-stay na rito. I don’t know, Tita, pero hindi man lang ako nahalina ng mas modernong pamumuhay sa ibang bansa. Minsan, mas gusto ko ang simpleng buhay.”
Ngumiti ang ginang. “I’m glad that in spite of the success and fame you’re getting, you’re still keeping your feet on the ground. Your parents must be so proud of you, hijo, wherever they are right now. Hindi mo naitatanong, hijo, pero halos nasubaybayan ko na ang kuwento ng buhay n’yong magkapatid.”
Nasorpresa siya sa sinabi nito.
Mukhang napansin iyon ni Christine kaya natatawang nagsalita ito. “Oh, Xander, hindi ko pa nga pala nababanggit sa iyo na tagahanga ng kuya mo si Mommy.”
Nakangiting bumaling siya sa ginang. “Talaga po?”
Bahagyang namula ang mga pisngi ng ginang. “Yes. Pakiramdam ko, bumabalik ako sa pagka-teenager tuwing napapanood ko sa telebisyon ang kapatid mo. Hindi mo ba ako napansin noong makaharap ko ang kuya mo? Daig ko pa ang nakakita ng hinahangaang artista for the first time!” Tumawa ito. “I admire your brother’s courage. Bibihira na lang sa panahong ito ang katulad niya na matapang, may paninindigan, dedicated sa sinumpaang tungkulin, at mapagmahal pa sa kapatid.”
Napangiti siya sa papuri ng ginang sa kapatid niya.
“O, siya, mauuna na ako sa inyo. Ituloy n’yo lang ang pagkain, ha. Alexander, huwag kang mahihiya. Kain lang nang kain.” Umalis na ang ginang. Naiwan sila ni Christine sa hapag-kainan.Sabay pa silang nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata nila at sabay rin silang nag-iwas ng paningin sa isa’t isa.
Damn! Bakit ninenerbiyos ka yata, Xander? sita niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Tila rin may mga lumilipad na paruparo sa loob ng kanyang tiyan at noon lang niya iyon naramdaman kaya hindi siya mapalagay.
“Bago pa lang ang boutique mo?” tanong niya para basagin ang katahimikan. Mabuti na lang at mukhang hindi napapansin ni Christinena kanina pa niya ito palihim na pinagmamasdan. Hindi niya lubos-maisip kung paano nagawa ng ama ni Daphne na iwan si Christine at hindi panagutan. She was a real stunner. Her lips were full and kissable. Matangos ang ilong nito at kitang-kita ang pagiging mestiza nito. Expressive ang mga mata nito na may mahahaba at maiitim napilik at binagayan ng maganda ang pagkakaarko na mga kilay. Kapansin-pansin din ang buhok nito na natural ang pagka-brown. Prominente rin ang mga panga nito pero feminine pa rin ang dating. She was sexy, too. She had the curves in all the right places.
“Mahigit isang taon pa lang.”
“How many branches do you have?”
Ngumiti ito. “Tatlo pa lang.”
Tumango-tango siya. “Not bad.Napansin ko kanina na kakaiba ang designs ng mga damit na nasa boutique mo. Do you design them yourself?” tanong niya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya. Hindi na lang niya pinansin iyon.
“N-no. May creative team ako na siyang nagdidisenyo ng mga damit sa CC kaya exclusive ang mga iyon sa akin. Nasa Pasig ang garments factory ng CC.”
“Kumusta ang sales?”
“Okay naman. Kahit paano, may mga follower na ang CC. Tumataas din ang sales namin. So far, wala pa namang nagrereklamo sa quality ng mga damit namin.”
“Why don’t you held fashion shows? Magandang way iyon para ipakita sa publiko kung ano ang mga latest designs ng CC. Magaganda rin ang designs sa men’s section n’yo. Bakit hindi mo kunin ang serbisyo ko para maging image model ng CC?” anito sa tonong pabiro pero seryoso siya sa sinabi niya.
Halatang na-overwhelm ito sa sinabi niya. “Hindi ko yata kakayanin ang talent fee ng isang supermodel. Though, siguradong tataas nang husto ang sales namin once na isuot mo ang mga damit namin sa boutique.”
“Libre ang serbisyo ko,” nakangiting wika niya. Hindi pa man ay excited na siya na makasama ito kapag in-endorse na niya ang mga damit sa boutique nito.
Nanlaki ang mga mata nito. “Seriously?”Pero umiling-iling din ito kapagkuwan. “Thanks, but no thanks. Alam mo ba na ang libre ang pinakamahal na bagay sa mundo? Utang-na-loob kasi ang katumbas n’on at mahirap bayaran ang utang-na-loob.”
Ngumisi siya. “Paano ba `yan? Nag-press release na ako na imomodelo ko ang CC’s men section.”
“What? Xander…”Magkahalong hindi pagkapaniwala at iritasyon ang bumakas sa mukha nito.
Tuluyan na siyang napahalakhak. Ah, kailan ba siya huling tumawa nang ganoon?Hindi na niya maalala.
“Binibiro lang kita tungkol sa press release, pero hindi ako nagbibiro sa alok ko na maging image model ng CC. Kung hindi ka komportable na libre ang fee ko, puwede naman nating pag-usapan iyon.”
“Tempting. Pero pag-iisipan ko muna.”
Tumango siya. “Sure. Ipaalam mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon ka na.” Napansin niya na may naiwang sarsa ng ulam sa gilid ng mga labi ng dalaga. Dumukwang siya at pinahid niya iyon gamit ang hintuturo. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil natigilan ito at hindi nakagalaw. Pero nakalalamang siguro ang gulat niya dahil sa naramdaman niya nang aksidenteng masagi ng hintuturo niya ang malambot na mga labi nito. Tila siya nakuryente na hindi niya maintindihan. To think it was just a mere touch. Paano pa kaya kung ang mismong mga labi na niya ang lumapat sa mga labi nito? Napalunok siya. Wala sa loob na napatingin siya sa mga labi. Tila may sariling isip ang daliri niya at marahang hinaplos ang malalambot na labi nito. What he would give just to taste those sweet-looking, soft lips.
“X-Xander…”sambit nito.
Bumalik ang huwisyo niya dahil doon. “I… I’m sorry,” aniya bago muling bumalik sa upuan. Bakit ganoon? Bakit tila nahihipnotismo siya sa dalaga?
CHRISTINE couldn’t help but admire Alexander even more. Pero hindi ang Alexander na nagpapabilis ng t***k ng puso niya kundi ang Alexander na ngayon ay nasa isang photo shoot para imodelo ang men’s wear ng CC.
Business wise, it was a good move to have him as their model endorser. Kaya nga hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Alam niyang maraming malalaking kompanya ng damit sa Pilipinas ang nais kunin ang serbisyo nito. Ilan sa mga iyon ay dati nang inendorso ng modelo. Ang halagang napagkasunduan nila bilang talent fee nito ay dederetso sa Valencia Foundation at sa iba pang charity institution na sinusuportahan ng binata.
Ngayon ang unang araw ng photo shoot. Napaka-professional nito. Naroon na ito nang maaga pa sa call time. Sinusunod nito ang lahat ng instructions ng director. Wala itong kaere-ere sa katawan kahit sikat na sikat ito. Marahil isa iyon sa naging susi ng tagumpay nito. Indoor pa lang ang kinukunan nila. Sa susunod na mga araw ay outdoor location na kung saan nature ang magiging backdrop nila.
Nag-init ang mga pisngi niya nang maalala ang biro sa kanya ni Alexander nang magpirmahan sila ng kontrata. Tinanong siya nito kung bakit hindi kasama sa deal nila ang underwears gayong papayag naman daw ito kung sakali. I-consider na raw niya na bonus iyon para sa CC. Bigla niyang na-imagine ito noon na walang suot kundi briefs habang iminomodelo nito ang mga iyon. His muscular chest, his six-pack abs, his…
“Get out of my head!” bulalas ni Christine. Malinaw na gumuhit sa balintataw niya ang billboards nito showing off his sexy body. Some were wondering if his photos didn’t undergo editing.
Nag-init ang mga pisngi niya nang makitang nakuha niya ang atensiyon ng lahat dahil sa pagbulalas niya. “Sorry,” nakangiwing wika niya bago umalis doon. Hindi na niya napansin na naisatinig na pala niya ang nasa isip.Bakit ba kasi naisip niya ngayon si Alexander?
Bakit, Christine, kailan ba siya nawala sa isip mo?
HINDI makapaniwala si Christinesa nakikita. Halos kabubukas pa lang ng CC branch sa MOA pero hindi na mahulugan ng karayom ang mga taong nagsisiksikan sa loob ng boutique. Hindi magkandatuto ang limang sales staff niya sa pag-aasikaso sa mga customers kaya maging siya ay tumutulong na sa pag-aasikaso sa mga ito.
Kahapon pa lang nila inilabas ang print ads at billboards ni Alexander suot ang men’s wear collection ng CC pero ganito na karami ang dumagsang mga tao.
“Miss, pahingi ng medium size nito,” anang isang babaeng customer. Ipinakita nito sa kanya ang isang short-sleeved polo na hawak nito. Isa iyon sa damit na isinuot ni Alexander sa print ads. Mukhang ipanreregalo iyon ng babae.
“Sandali lang po.” Tumalikod na siya para pumunta sa stockroom. Napangiti siya nang makita ang mga estante roon. Na-anticipate na niya ang mass response sa gagawing pag-e-endorse ni Alexander sa men’s collection ng CC kaya siniguro niya na nadeliver-an ang tatlong branches ng sapat na supply ng bawat damit na iminodelo ni Alexander pero hindi niya inakala na ganoon katindi ang magiging pagtanggap ng mga tao. Heto nga at ang kanina ay halos umabot na sa kisame na mga nakasalansang mga damit, ngayon ay halos nangangalahati na gayong magtatanghali pa lang.
Kinukuha na niya ang medium size na order ng babae nang magkakasunod na pumasok doon ang limang staff niya.
“Ma’am—”
“I know,” natatawang wika niya wala pa mang sinasabi ang isa sa staff niya. “Hayaan n’yo, lahat kayo ay makakatanggap ng bonus. In the meantime, asikasuhin muna natin ang mga customer. Saka na tayo magkuwentuhan.”
Pero hindi yata nakatiis, humirit pa ang isa sa staff niya na babae. “Grabe, Ma’am! Halos hindi na kami magkandatuto sa pag-aasikaso ng mga customers!”
“Hep, `sabi ko, saka na tayo magkuwentuhan. O, siya, ilalabas ko na `tong order sa akin.”
Kaaabot lang niya sa customer ng hiningi nito na size ng polo nang marinig niya na may nagtilian. Paglingon niya, nakita niya si Alexander na papasok sa loob ng boutique. Napa-“oh!”siya nang makitang CC ang tatak ng suot nitong V-neck long-sleeved sweatshirt na kulay-abo. Nakalilis ang mga manggas niyon hanggang siko. Tinernuhan nito iyon ng jeans. He was definitely handsome.
Pinagkaguluhan agad ito ng mga babaeng costumer niya, lahat ay gustong makapagpa-picture dito. Magiliw na pinagbigyan ni Alexander ang mga ito.
Lumingon ito sa direksiyon niya. Lumapad ang ngiti nito nang makita siya.
Lumukso ang puso niya.
What’s wrong with you, heart? Umayos ka, sita niya sa puso niya na sobrang na-excite pagkakita sa binata. Gumanti siya ng ngiti, saka ibinaling na sa kausap na costumer ang pansin niya.
“Ma’am Christine,may tawag po kayo. Greenbelt branch po,” anang cashier niya mayamaya. Tumango siya. Tinawag niya ang isang staff niya at ipinaasikaso ang customer na kausap niya bago pinuntahan ang opisina niya para doon sagutin ang tawag.
“Hello, Anna. Kumusta diyan?” wika niya pag-angat niya sa telepono.
“Hindi kami magkandatuto rito, Ma’am, pero don’t worry, we can manage. Tumawag po ako kasi we’re running out of stock. Pati po ang isang kahon na poster ni Mr. Mondragon na freebies natin, ubos na, Ma’am. Ano po ang gagawin namin?”
Hindi pa siya nakakasagot nang tumunog ang isa pang telepono na naroon. Napahinga siya nang malalim. Kung hindi siya nagkakamali, galing sa isa pang branch ang tawag.
“Ganito na lang, Anna. Tatawag muna ako sa pabrika. Titingnan ko kung magagawa pa nilang makapag-deliver bago tayo maubusan ng stocks. In case na hindi umabot, wala tayong magagawa. I’ll let you know, okay?”
“Sige po, Ma’am.”
“Ok—” Naputol ang sasabihin niya nang may kumatok sa nakabukas na pinto ng opisina niya. Paglingon niya ay nakita niya si Alexander na papasok sa loob. Umupo ito sa visitor’s chair sa harap ng desk niya. Nakangiti ito habang hindi siya tinatantanan ng titig. Hindi tuloy niya maiwasang ma-conscious. “O-okay, Anna. Tatawag ako mamaya. Bye.” Sinenyasan niya si Alexander na saglit lang. Tumango lang ito. Sinagot niya ang isa pang tawag, na gaya ng hula niya ay galing sa isa pang branch. Nauubusan na rin daw ng stock ang mga ito ng men’s wear. Inulit niya rito ang sinabi kay Anna bago niya tinapos ang tawag.
Hindi pa niya nababawi ang composure niya nang tumayo si Alexander at dumukwang. Sa pagkamangha niya, idinampi nito sa noo niya ang hawak nitong puting panyo.
“Pawis na pawis ka na,” nakangiting sabi nito bago muling umupo.
“T-thank you,” hindi makatingin nang deretsong sagot niya rito.
“Don’t mention it. Congrats nga pala. Ang daming customers sa CC,” anito.
“Thank you. Dahil sa iyo ang lahat ng ito. Hindi maipagkakaila na kilala ka sa buong Pilipinas at malaki ang impluwensiya mo sa mga customers.”
“Thanks for the compliment. Anyway, puwede ba akong dumalaw mamaya sa bahay n’yo?”
Kumabog ang dibdib niya. “B-bakit?”
“Gusto ko sanang bisitahin si Daphne. Missed ko na kasi siya,”sagot nito.
Lihim siyang nadismaya sa sinabi nito. Si Daphne lang pala ang gusto nitong makita kaya gustong bumisita sa bahay nila. Akala pa naman niya…“S-sure.”