Chapter Three

1968 Words
"G-GISING ka na pala! S-sandali l-lalapitan kita!" Wala sa sariling nabitawan ni Annika ang vaccum cleaner na hawak nang makita ang dahan-dahang paglabas ni Xian mula sa silid nito. Kasunod noon ay halos patakbo siyang lumapit sa bagong gising na amo. Nakita niya ang mabilis na paglukot ng guwapong mukha nito nang maramdaman ang presensiya niya. Mabilis nitong pinalis ang kamay niya nang hawakan niya ito sa braso para alalayan. "What's the meaning of this? Bakit nandito ka pa rin?" salubong ang kilay na usisa nito sa kaniya. Bakas sa boses nito ang labis na pagkairita. "Hindi ba't kahapon ko pa sinabi sa iyo na umalis ka na rito? Hindi ka ba talaga makaintindi? How many times do I have to tell you that I don't need you as my caregiver? Tatagalugin ko na para maintindihan mo, hindi-kita-kailangan! Kaya you better pack your things then leave!" Bago pa man makasagot ay nagpatuloy na ang binata sa paglalakad habang pinapakiramdaman ng kamay nito ang paligid. Dahil doon ay biglang pumasok sa isip ni Annika ang animo'y selfie stick na nakita niyang nakapatong sa center table kanina nang naglilinis siya. Patakbo niya iyong kinuha at saka nagmamadaling humabol sa amo. "Ah t-teka, sa iyo ba 'tong stick na 'to? K-kailangan mo ba ito? Hindi ba ito 'yong ginagamit niyo para hindi kayo bumangga habang naglalakad? Ganito 'yung nakikita ko sa TV na ginagamit niyo eh." "Tsk. That is not an ordinary stick. That is what you called white cane, fool. Hindi ko na kailangan pang gamitin 'yan sa loob ng pamamahay ko kaya ang mabuti pa, binatawan mo na lang 'yan diyan," masungit na saad nito habang halos magdugtong na ang kilay. "Ang magandang gawin mo, puntahan mo nalang si Manang Ester at sabihing gising na ako." "Namalengke sila ni Mang Juancho. Pero babalik din naman agad," she just answered matter of factly. "Nonsense! Sana sumama ka na sa pag-alis nila at hindi na bumalik pa." Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Gayunpaman, pinili niyang ipagkibit-balikat na iyon at nagpatuloy lamang sa pagsunod sa binata. Napansin niyang babangga ito sa may dulo ng estante kung kaya't mabilis niya itong hinawakan sa braso para pigilan. "Mag-ingat ka! Saan ka ba kasi pupunta? Sasamahan na kita." Gaya ng una nitong ginawa, muli lamang nitong pinalis ang kamay niya. "Put your hands away from me! I told you to stop touching me isn't? Kaya ko ang sarili ko! And mind you, noong isang araw pa ako kating-kating paalisin ka sa pamamahay ko pero pinipigilan lang ako ni Mama. And now that she’s gone for her overseas trip, wala na akong dahilan para magpigil pa. Hindi ako magdadalawang isip na paalisin ka. So inuulit ko, get out of this house!" A deep sigh escaped her mouth. Pakiramdam niya'y gustong-gusto na niyang sapakin ang mukha nito dahil sa labis na pagsusungit. Kung palayasin siya nito ay para bang isa siyang hayop. Mali. Kung tutuusin ay mababa pa sa hayop ang turing nito sa kaniya. Para bang isa siyang basura na para bang madali niya lang madidispatsa. Ang akala ba nito'y bukal sa loob niya na manatili sa bahay nito? Napailing na lamang siya. Naroroon man ang labis na pagkainis ay muli niyang pinalampas iyon. Pilit niyang sinaksak sa isip na kailangan niyang pagtiisan iyon alang-alang sa ama niya at kay Mikay. tama ..para sa tatay niya at kapatid.   Tahimik na lamang siyang bumuntot sa likod ng amo. Sa kakasunod niya sa binata, hindi niya namalayan na narating na pala nila ang kusina.  Dahan-dahan itong umupo sa isang stool na nasa Kitchen Island. Dahil sa curiosity, napili niya na pagmasdan na lamang muna ang gagawin nito. Namangha si Annika nang makita kung paano ito nakapagtimpla ng kape mula sa nakaayos na mga gamit doon. Bawat galaw nito ay pulido at sigurado na para bang maayos ang paningin nito.  Napag-isip isip niya na mukhang hindi nga ito nagbibiro nang sabihing 'kaya niya ang sarili niya'. Habang mataman itong pinagmamasdan ay nag-isip siya ng paraan kung paano ito makakasundo. Hindi naman kasi maaari na ganoon nalang sila lagi. Kung magkataon ay baka nga mapabilis ang kaniyang pag-uwi. Kunwari ay umubo si Annika nang sa ganoon ay mukha ang atensiyon ni Xian. Nag-aalangan man ay naglakas- loob na siyang magsalita. "A-alam mo, marunong akong magbake. Pwede kitang ipag-bake ng cookies, brownies o kahit cupcake. Sabihin mo lang at—" "So, nandito ka pa pala?” iritang sabad nito. “Sabihin mo nga, ano bang parte ng 'get-out-of-this-house' ang hindi mo maintindihan?" Napabuntong-hininga siya. "Ikaw ang hindi makaintindi eh. Ilang beses ko nang sinabi na hindi nga ako pwedeng umalis. Kabilin-bilinan ni Ma'am Yvette na huwag kitang iiwanan kahit anong mangyari. Caregiver mo na ako ngayon, kaya hindi pwede na basta nalang kita pabayaan. Kung gusto mo, huwag mo nalang ako pansinin, h-hindi nalang din ako magsasalita. A-alam mo 'yun, nandito lang ako pero never kitang gagambalain." "Para saan pa't babayaran ka ni Mama ng wala ka namang gagawin? Ano ka sinuswerte?"  "Kitam! Ayaw mo rin naman ng ganoon! Kaya nga huwag ka nang magmatigas diyan! Sabi ko naman sa iyo, wala naman ibang option kung hindi ang tanggapin mo na ako bilang caregiver mo. Kahit naman magsungit ka nang magsungit diyan, handa akong alagaan at pagsilbihan ka, 24/7!"  Ilang sandali ring natahimik ang paligid. Hanggang sa narinig niya ang mahina ngunit sarkastiko nitong pagtawa. "Handa akong alagaan at pagsilbihan? 24/7? Are you sure about that?" Sumilay ang nakakairitang ngisi sa labi nito na animo'y may naisip na kung anong masamang ideya. Hindi maganda ang kutob niya doon. Kahit na nakakaramdam na ng kaba ay pinilit niyang lakasan ang loob niya. "O-oo! Caregiver mo na ako kaya responsibilidad kong alagaan ka a-at saka s-sundin kung a-ano man ang ipag-uutos mo." Tumayo ito pagkatapos ay humarap sa direksiyon niya. As if na para bang nakikita talaga siya nito. Minsan nagdududa na rin siya kung talaga bang bulag ito. A wide smirk curved his lips. Kasunod noon ay paisa-isang hakbang itong lumapit sa kaniya. Sa bawat hakbang na ginagawa nito ay siya ring paghakbang niya patalikod upang makaiwas dito. "Mukhang hindi mo alam ang pinapasok mo, Miss. Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin sa iyo? Titira tayong magkasama sa bahay na ito. Nakakasiguro ka ba na handa mong gawin ang lahat? Lahat-lahat ng maisipan kong ipagawa sa iyo?" "Hoy! T-teka, w-wala sa usapan ang ganyan! C-caregiver mo lang ako! Hindi puwedeng—" Nahinto siya sa pag-atras nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa refrigirator. Mas lalong nanlaki ang mata niya nang mapagtantong halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. “I know. Alam kong caregiver lang kita kaya trabaho mong alagaan ako … unless may iba ka pang naiisip na pwede mong gawin para sa akin?” Napalunok siya. “L-lilinawin ko lang ulit sa iyo ha, caregiver mo lang ako at hindi ako gagawa ng anumang bagay na labas sa trabaho ko.” Tinangka niyang umisod patagilid upang makatakas subalit agad nitong iniharang ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya, forcing her to steady. “Paano kung sabihin kong hindi ko kailangan ng caregiver?"  He smiled seductively afterwards. "Do you know what I need? A woman …” May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan niya nang hawakan nito ang pisngi niya pagkunwa’y marahan iyong hinaplos. “At alam kong alam mo ang ibig kong sabihin hindi ba?” Unti-unti pang lumapit ang mukha nito dahilan upang magdikit nang tuluyan ang tungki ng mga ilong nila. Hindi na niya nagawang umimik pa. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang mapatitig sa seryoso nitong mukha. Pakiramdam niya'y para siyang sumasailalim sa isang hipnotismo sa tuwing matitigan ng malapitan ang mukha nito. Halos hindi na niya magawang gumalaw dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib niya. Ito ang unang beses na nalapit siya ng ganoon sa isang lalaki kaya pakiramdam niya’y kinakapos siya ng hangin. Nang makita ang dahan-dahan muling paglapit ng mukha nito ay napapikit na siya. Alam niyang kaunting pagitan nalang at magdidikit na nang tuluyan ang mga labi nila. Mahigpit siyang napakapit sa laylayan ng damit niya. Balak ba talaga siyang halikan nito? Lihim siyang naghuhumiyaw sa isip. Hindi sa ganitong paraan niya pinangarap maganap ang first kiss niya! Sa kabilang banda, hindi niya maipaliwanag subalit hindi na niya nagawa pang pumalag. She felt anticipation. She waited for his lips to touch hers. Until all of the sudden, she heard him laugh mockingly. Napamulat tuloy siya. Gumuhit ang nakakainis na ngisi sa labi nito na sinabayan pa ng mahina nitong pagtawa, dahilan upang magsalubong ang kilay niya. “Unfortunately, you’re not the woman I’m looking for, Miss Rivero. Bulag nga ako pero may taste pa rin naman ako …” makailang ulit nitong tinapik ang pisngi niya. “Huwag masyadong assuming, okay?” Ramdam niya ang biglang pag-init ng pisngi niya dahil sa hiya. Agad niyang pinalis ang kamay nito. Did he just made fun of her? "A-anong assuming! K-kapal naman nito!" kunwari ay pagmamaang-maangan niya. Mariin niyang niyukom ang kamao niya. Bakit nga ba pumayag siya na paglaruan siya nito ng ganoon? “A-alam mo, mukhang hindi naman mata mo ang may diperensiya eh. Kung sayad sa utak ang problema mo, I’m sorry dahil hindi kita matutulungan diyan. Caregiver lang ako, hindi psychiatrist,” inis na singhal niya rito. Akma sana siyang lalayo sa binata subalit natigilan rin ng hawakan nito ang kamay niya. “I guess, hindi ka talaga marunong makinig. Fine. Stay here. Let' just see kung gaano mo katagal mapapanindigan 'yang katigasan ng ulo mo. Ako na ang nagsasabi sa iyo, wala akong balak na pagaanin ang buhay mo habang nandito ka sa pamamahay ko. Don't you ever forget that." Iyon lamang at tumalikod na ito pagkunwa'y naglakad ng mag-isa bitbit ang kapeng tinimpla. "Sumunod ka sa akin sa sala, mabuti na ang magkalinawan tayo." Pakiramdam niya'y nanlambot ang tuhod niya. Halos mapakapit siya sa pader nang tuluyan nang  mag-sink in sa isip niya ang nangyari. "Ayokong pinaghihintay ako!" nang marinig ang sigaw na iyon ni Xian sa di kalayuan ay saka palang siya bumalik sa huwisyo. Napakamot nalang siya ng ulo pagkatapos ay dali-daling tinungo ang sala. Dinatnan niya ang amo na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape. "M-may ipag-uutos ka ba?" mahinang tanong niya. "Just sit here first. Let's make all things clear. " Gaya ng sabi nito, naupo si Annika malapit sa amo. "Now, I am going to give you rules ... three rules which you have to obey and follow." Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. "Rules? Magbibigay ka ng rules? Eh paano ung ako rin eh magbigay? A-alam mo na ... para protektahan ang sarili ko sa mga ... hmm ..." sandali siyang nahinto. Napabuntong-hininga pa siya pagkunwa'y nagpatuloy ulit sa pagsasalita. "Iniisip ko lang kasi kung paaano natin maiiwasan ang mga h-hindi kaaya-ayang bagay. B-babae rin kasi ako ... sana alam mo ang ibig sabihin ko. " Napailing ito kasabay ng pagsilay ng sakastikong ngisi.  "I'm the boss here. You don't have any right to make rules.  But don't worry, wala naman akong kahit anong ipagagawa sa’yo na makakatapak sa pagkatao o di kaya’y lalabag sa karapatan mo. Perhaps, I don't have any interest to violate you. You're not even my type. Okay na ba?" Napanguso na lamang siya. You're not even my type daw ... as if naman na type ko rin siya! Maingat nitong ibinaba sa lamesa ang tasang hawak pagkunwa'y pinagsakop ang mga kamay at ipinatong ang mga iyon sa hita. "I guess, wala ka ng mairereklamo pa." "W-wala na." "Good.  Mukhang nagkakaintindihan na tayo ... So, for our first rule ... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD