Chapter Two

1825 Words
"BENTE singko mil po?" hindi makapaniwalang bulalas ni Annika. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya ang narinig. "Twenty five thousand  tapos may bonus pa? Ganoon po kalaki?" pagtitiyak niyang muli. Sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasan ang magalak. Sino nga ba ang hindi? Tumataginting na twenty five thousand! Aba'y katumbas na iyon ng halos tatlong buwang sahod niya bilang waitress. At kung tama ang pagkalkula niya sa isip, kung ganoon kalaki ang kaniyang sasahurin ay tiyak na sa loob ng dalawang taon ay malaki ang posibilidad na mabayaran na nila ng Dada niya ang pagkakautang nila mula sa pagpapagamot ni Mikay. Nangangaluhugan iyon na hindi na manganganib pa na mawala sa kanila ang flower farm na naiwang alaala ng ina. Ligtas na si Mikay ... ligtas rin ang kanilang Flower Farm. Nakita niya ang banayad na pagtango ng ginang. "Yes hija. Hindi ka nagkakamali. Twenty five thousand  ang sasahurin mo every month. Well, iyon ay dahil hindi basta-basta ang trabahong papasukin mo. Hindi naman sa tinatakot kita, pero pang-limang caregiver ka na na tinanggap namin ngayong linggo. Iyong naunang apat na kinuha ko, sampung oras na ang pinakamatagal na nilagi nila sa mansyong ito, ” saad nito na bahagyang nagpasalubong sa kilay niya. Bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan. Sampung oras? Ganoon lang katagal? Gaano ba kalalala ang aalagaan niya?  Medyo matagal rin bago siya nakahuma. "P-pwede ko po bang matanong kung bakit?"  "Did Manang Ester mentioned to you that my son is blind?" diretsahang tanong nito. Tumango lamang si Annika bilang tugon. Sa totoo lang ay nakaramdam din siya ng agam-agam matapos malaman ang tungkol doon. Hindi na bago sa kaniya ang mag-babysit at mag-alaga ng matanda dahil sa kabi-kabilang part time job niya noon subalit kung saka-sakali, ito ang unang pagkakataon na mag-aalaga siya ng isang bulag. "That's good. Mabuti at alam mo na. But the problem is, mahirap talagang pakisamahan ang anak ko. Sa katunayan, tanging si Manang Ester at si Mang Juancho lamang ang kasama namin rito. Sinusubukan ko namang kumuha ng iba pang kasambahay pero hindi rin nagtatagal dahil na rin sa ugali niya. Sa huli, ako na rin ang sumuko at pilit na lamang siyang inintindi. And mind you, I am not exaggerating things, hija. Uulitin ko, mahirap pakisamahan at basahin ang ugali ng anak ko ..." Humugot ito ng malalim na hininga pagkuwa'y nagpatuloy muli. "Sinikap ko na lamang na matulungan sa abot ng makakaya ko sina Manang Ester para kahit papaano’y gumaan naman ang trabaho nila. Pero ngayon na may importanteng akong business affair overseas at kailangang mag-stay doon ng matagal, napagdesisyunan kong kumuha ng caregiver para sa kaniya. May katandaan na rin kasi ang mag-asawa kaya hindi ko pwedeng iwanan ang lahat ng responsibillidad sa—" Hindi na natuloy pa ng ginang ang sasabihin matapos makita ang paglabas ng kung sino mula sa kusina. Agad itong napabalikwas ng tayo. "Oh! He's here! Please give me a minute ..." nagmamadali siya nitong iniwanan at saka maagap na lumapit sa lalaki na ngayon ay paisa-isang hakbang lang na lumalabas mula sa kusina. Sinundan lamang ito ng tingin ni Annika, bagay na ikinatulala niya. Parang gusto pang tumulo ng laway niya habang hindi naaalis ang tingin sa lalaking ngayon ay inaalalayan ng ginang papalapit sa kaniya. “Annika, I want you to meet my son, Xian,” she proudly introduced her overly handsome son to her. Hindi na nakaimik pa si Annika. She was dumbfounded. For a moment, pakiramdam niya’y parang si Cole Sprouse ang nasa harap niya. Sobrang guwapo nito … tipo ng kaguwapuhan na madalas sa mga billboard, magazine at print ads niya lang nakikita. Perpekto ang mukha nito na para bang inukit ng pasadya. At kahit naka-pajama at puting t-shirt lamang ito, hindi pa rin maitatangi na makalaglag panga talaga ang kakisigang taglay nito. He is tall, muscular and undeniably gorgeous. Hindi niya namalayan ang kusang paghakbang ng mga paa niya papalapit sa binata. ."A-ako po si A-Annika … Annika Rivero po," para bang robot ang pagkakasabi niya noon dahil sa kaba.  Para siyang hibang na nagpakilala rito  "G-galing po ako sa L-Laguna. Sa t-tingin ko po hindi naman nalalayo ang edad natin. Magiging caregiver niyo po ako. Huwag po kayong mag-alala at maayos po ako—" "I don't give a damn care! Get out of my way!" iritang singhal nito na tuluyang nagpatahimik sa kaniya.  Bahagya pa siyang napaatras nang banggain nito ang balikat niya. “Hindi ko kailangan ng caregiver kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras mo rito. And please, zip that mouth of yours! Ang dami-dami pang satsat hindi naman tinatanong!” Hindi mapigilang bumilog ng mata't bibig ni Annika dahil sa klase ng pagsalubong na ginawa ng binata sa kaniya. Sa tanang buhay niya ay ngayon palang siya naka- encounter ng taong ganoon makitungo sa kapwa. Arogante. Hambog. Matapobre. Eksakto ang tatlong salita na iyon upang ilarawan ang binata. "Kaya naman pala sampung oras lang tinatagal ng caregiver mo! Antipatiko!" iyon nalang ang tangi niyang nasambit sa isip. "Pabalikin mo na kung saan mang lupalop nanggaling 'yan, Ma. I don't even know who the hell she is," iritang reklamo muli nito. "Bayaran mo nalang siya dahil sa pang-aabala mo sa kaniya. Para kahit papaano naman may mapala 'yan sa pagpunta rito. I hope this is really the last time na may magpapakilala pa sa akin na caregiver ko kuno." Kung kausapin nito ang ina ay para bang tau-tauhan niya lang .. bagay na siya talagang kinainis ni Annika. She automatically rolled her eyes heavenwards out of disbelief. Ito na yata ang pinakabastos na nilalang na nakilala niya. "Tss. Antipatiko naman pala talaga," yamot na bulong niya. Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang muling bumaling ang binata sa direksiyon niya, as if na para bang nakakakita ito. "What did you just said? Ako? Antipatiko?" He asked her furiously. His brows meeting in unison. Sa hitsura nito ay para bang handa siya nitong lunukin ng buo. Napalunok tuloy siya. Hindi naman niya akalain na maririnig pa nito iyon. Malay ko ba kasing matalas pala ang pandinig niya! Sigaw ng mahinang tinig sa isip niya. Sandali siyang natahimik. Pilit niyang binuo sa isip ang mga dapat na sabihin.  Kung bakit ba naman kasi hindi mo nalang sinarili, Annika, gigil na pagpapagalit niya sa sarili.  She cleared her throat. “A-e … I-I mean—" "Watch your mouth young lady … para sabihin ko sa iyo, walang nanghihingi ng opinyon mo!" muli ay iritang sigaw nito dahilan upang muli ay mapatda siya sa kinatatayuan. Kasunod noon ay paisa-isang hakbang itong lumapit pabalik sa direksyon ni Annika.  Balak niya sanang humakbang papalayo sa lalaki subalit maagap nitong hinablot ang kanang pulso niya pagkuwa'y hinigit siya papalapit sa katawan nito. Bahagyang nanlaki ang mata ni Annika nang halos magdikit ang mga tungki ng ilong nila dahil sa marahas na paghatak na iyon ng lalaki sa kaniya. She can even feel the warmth of his breath because of their closeness. “Wala akong balak na magpaalaga sa iyo kaya makakaalis ka na, Miss! Leave this damn house bago ako pa mismo ang sumipa sa iyo palabas ng bahay na 'to! And just to let you know, I hate repeating myself kaya sana gets mo na ako ... iyon ay kung may pag-intindi ka. Sana lang mayroon nga."  Mariin na lamang niyukom ng dalaga ang kamao niya. Ano bang palagay ng lalaking 'to sa akin para isipin na hindi ko siya maiintindihan! pagpoprotesta ng mahinang tinig sa isip niya.   Kung siya lang ang masusunod ay gustong-gusto na niya itong batukan dahil sa pagsusungit na ginagawa nito sa kaniya. Pilit niya lang pinipigilan ang sarili niya. Kalma, Annika! Huwag kang papatol! Bente singko mil 'yan! Kalma! Kalma! "S-sandali lang po. Trabaho po ang pinunta ko rito. Hindi po away. Masyado po yatang mainit ang ulo niyo ..."  Pinilit niyang makaalis mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. Nakawala naman siya. Mabilis siyang lumayo sa binata. Hindi niya maiwasang makaramdam ng labis na pagka-inis lalo pa nang dumako ang tingin niya sa braso niyang namula dahil sa higpit ng paghawak nito sa kaniya. “Ano ba talagang problema ng isang ‘to?” gigil na sambit niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakapagtimpi. Mainam at sa pagkakataon na iyon ay namagitan na si Mrs. Cervantes na halatang lubhang nabahala sa nangyari. “C-calm down, anak. We have talk about this isn’t? Nilinaw ko na sa iyo, we need to hire someone to look over you while I’m away. My god, Xian! Panglimang caregiver mo na ngayong linggo si Annika kaya— " "But Ma! Didn't I made myself clear? I have already told you countless times isn't? I don't need this bullshit caregiver idea of yours! Dagdag lang 'yan sa sakit ng ulo. Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo sa paghahanap dahil hindi ako interesado!” iritang sabad nito. Kasunod ay padabog itong umupo sa sofa. “I may be blind, Ma. Pero hindi pa naman ako inbalido at paralisado para lagi mong ikuha ng caregiver. Kayang-kaya ko pa ang sarili ko. So please, just get that i-don't-her-name-girl away from my house and were settle.” Umirap pa ito bago sinaksakan ng earphones ang tainga at nag-umpisang makinig ng musika. Tuluyan na nitong pinagsawalang-bahala ang presensiya nila. Sa kabilang banda’y napabuntong-hininga na lamang ang ina nito pagkunwa’y napahawak pa sa sintido. Iiling-iling itong bumaling sa kaniya. “I’m really sorry about what happened, Annika. Ganyan lang talaga siya ... he is always that stubborn. I just hope na habaan mo pa ang pisi mo sa pagpapasensiya sa anak ko. Sigurado naman akong magkakasundo rin kayo …” Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng ginang sa kamay niya. “Sa ngayon, pasasamahan na muna kita sa magiging kuwarto mo habang nagpapalamig si Xian ng ulo.” Mabilis na lumapit sa kaniya si Mang Juancho at muli ay tinulungan siya sa pagbitbit ng mga gamit niya. “Halika ka, apo. Samahan na kita sa taas.” Tumango lamang siya. “Sige po. Maraming salamat po.” Bago tuluyang pumanhik, sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang masungit na binatang amo. Salubong pa rin ang kilay nito habang halos hindi mabanat ng kahit na pilit na ngiti ang labi. Napailing siya. Sino nga bang mag-aakala na may lalaki pala talagang sagad sa buto ang kasungitan ang nag-eexist sa mundo? Buong akala pa naman niya'y sa fictional books lang matatagpuan ang taong gaya noon. Sayang at talagang napakaguwapo pa naman nito. Marahil tama nga, good looks are indeed deceiving sometimes. Dahil sa nangyaring iyon, batid niyang mahihirapan siya na intindihin at pakisamahan ang antipatikong amo. Gayunpaman, pipilitin niyang tiisin ang ugali nito. Buo na ang desisyon ni Annika ... She will be Xian's caregiver ... at kahit ano mang pagsusungit ang gawin nito, hinding-hindi na magbabago ang isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD