┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Bihis na anak ni Amy at bihis na rin siya. Pupunta sila ngayon ng National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o kilala sa tawag na Antipolo Cathedral para magsimba ni Calixto. "Mommy, bibili mo po ako ulit ng balloon sa may simbahan po, ha?" Sabi ng anak niya kaya napangiti si Amy at bahagya itong tumango. "After natin magsimba, okay? Tapos kakain tayo sa paborito mong fastfood restaurant." Sagot ni Amy kaya tuwang-tuwa naman ang kanyang anak. "Aneth, ako na ang bahala sa anak ko ngayong araw ha. Magpahinga ka na lang muna dito, kami na lang ni Calixto ang aalis para naman masolo ko ngayon ang gwapo kong anak." Sabi ni Amy kaya ang laki ng pagkakangiti ni Aneth. "Naku ate, kaya naman pala ang saya-saya ni Calixto dahil Mama time niya ngayon." Sabi ni Aneth ka

