┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "C-Calixto? A-Amy?" Halos hindi makapaniwala si Amy nang marinig ang paos na tinig na ‘yon... ang lalaking gusto na niyang mawala sa kanyang puso, ang lalaking ama ng kanyang anak at ang lalaking kahit itanggi niya... laman pa rin ng kanyang puso. Tumutulo ang mga luha ni Calix habang nakatitig sa mag-ina niya. Ayaw niyang kumurap, baka sa sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata, maglaho ulit ang dalawang tao na tanging dahilan kung bakit patuloy siyang umaasa na makakamit din niya ang mga ito. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilingon ang altar, tumulo ang mga luha niya at bumuka ang bibig niya. Isang mahinang pasasalamat ang namutawi sa kanyang labi at saka niya ibinalik ang tingin kay Calixto. "Oh God..." Mahina niyang bulong bago tuluyang bumi

