┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay nagising na si Calix, buo ang pasya niyang pupuntahan si Amy sa Pampanga upang alamin ang kalagayan nito. Without wasting any time, dumiretso siya sa banyo at naligo upang mawala ang amoy ng alak sa kanyang katawan. Nag-ahit din siya nang maayos at siniguradong malinis ang kanyang mukha, walang naiwang balbas o bakas ng pagod. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay nagmamadali na siyang nagtungo sa kanyang sasakyan. Sumakay agad siya at binuhay ang makina, at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan para mas mabilis siyang makarating sa Pampanga. Hindi nga nagtagal, nakarating siya ang Pampanga. Ngunit pagpasok pa lang niya sa toll gate, bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada na tila ba hindi sigurado sa kung ano ba ang dapat niyang gawin. Tahimik lan

