┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tatlong linggo na ang lumipas, ngunit hindi pa rin mapakali si Calix. Ever since he left Amy, pakiramdam niya ay may mabigat na nakadagan sa dibdib niya, parang may malaking butas na hindi niya kayang punan. He couldn't shake off the feeling of unease that had settled within him, and it was driving him mad. Ang dami niyang tanong ang umiikot sa isipan niya, at hindi niya alam kung bakit ganuon... kung konsensya ba ‘yon o simpleng pag-aalala lang. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, iniisip kung mali ba ang ginawa niya. Iniwanan man niya si Amy, pero alam niyang kasama nito si Manang Fely. Ayaw man niyang aminin sa kanyang sarili, pero gabi-gabi niyang naiisip kung kamusta na si Amy, kung ligtas ba siya, at kung umiiyak pa rin ba ito. He often finds himself wonder

