❀⊱Amy's POV⊰❀ Since nakilala na ni Calix ang anak ko, wala na rin akong dahilan para manatiling malayo sa mga magulang ko. Kaya ngayon, nandito kami ni Calixto sa farm nila, at ito ang unang beses nilang mayayakap nang personal ang apo nila. Matagal din nilang hinintay ang pagkakataong ito, kung dati kasi ay puro video call lang nila nakakausap ang anak ko, kwento lang sa phone, at puro pa-kiss kay baby sa screen ang sinasabi nila... ngayon ay nayayakap at nahahalikan na nila ang apo nila. Pagkakita pa lang ng aking ina kay Calixto kanina, halos maiyak na siya. Agad nga niyang niyakap ang apo niya at pinaghahalikan sa ulo at sa pisngi. Tuwang-tuwa naman ang anak ko dahil matagal na rin niyang sinasabi sa akin na gusto niyang makilala ng personal ang kanyang lolo at lola. Kahit nga ako,

