┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Bwisit ka talaga, Calix. Siguro tinuturuan mo ang anak mo ng kung ano-anong kalokohan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya ngayon. Argh! Nakakainis ka talaga!" Inis niyang bulong. Inihagis niya sa kama ang bag na dala niya. Pagkatapos ay pabalagbag itong naupo sa sofa. Tinignan niya ang kabuan ng silid, at aaminin niya na namamangha siya sa ganda nito at malaki. Hindi katulad ng condo niya na maliit lang, kaya lang ng budget niya at hulugan pa. Hindi katulad nito... sa living room and kitchen pa lang ay maipapasok na ang loob ng unit niya. Dinampot niya ang bag na inihagis niya at saka siya pumasok sa loob ng walk in closet at kumuha ng pamalit niya, pero dumiretso siya sa loob ng banyo upang makaligo na, at paglabas niya makalipas ng kinse minutos, nakab

