┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakaparada ang sasakyan ni Calix sa gilid ng highway, engine still running but everything inside felt so quiet, like the world had paused just for him. Nakahawak siya sa manibela na parang hindi alam kung saan ba talaga dapat pumunta. Pauwi na sana siya ng Pampanga para makita si Amy, pero hindi niya magawang ituloy ang pagmamaneho kaya walang pagdadalawang isip na huminto siya sa gilid ng highway. Pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan, the sudden silence hitting him like a wave at saka siya tumitig sa dashboard pagkatapos ay tumingin sa kalsada, tila ba nag-iisip ng kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin, pero wala... nothing came to him, just this empty void that made his chest tighten. For a long moment, he just sat there, eyes fixed on the empty road ahead, lo

