┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Mahigit tatlong buwan na ang lumipas mula nang magsimulang tumira sa iisang bubong sina Calix at Amy. More than three long months under the same roof pero parang ang layo pa rin ni Calix at hindi niya maabot. Sa loob ng panahong iyon, mas madalas na wala si Calix kaysa manatili sa tabi niya. Parang isang bahay lang na tinutuluyan ang bahay nila para kay Amy, pero hindi ito isang tahanan. Malaki na rin ang tiyan niya ngayon, at bawat pagdaan ng araw ay mas nararamdaman niya ang paggalaw ng maliit na buhay sa loob ng kanyang sinapupunan, isang buhay na bunga ng pagmamahal niya na siya lang yata ang nakakaramdam. May kasama na rin siya ngayon, isang kasambahay na kinuha ni Calix mula sa isang mapagkakatiwalaang ahensya. Mabait naman ito, tahimik, masipag. Sobrang bait niya ka

