┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maagang umalis sa kanila ang mga magulang ni Amy, baka daw sila abutan ng dilim kaya pagkatapos nilang kumain ng meryenda at makapagpahinga ng kaunti ay nagpaalam na rin ang mga ito dahil unti-unti ng lumulubog ang araw. Nang makaalis na ang sasakyan ng mga ito sa labas ay pumasok na sa loob ng bahay si Amy, at muling bumalik ang katahimikan sa loob ng kabahayan. Too quiet, almost heavy. Napatingin siya sa itaas ng hagdanan, kanina pa hindi lumalabas ng silid si Cqlix, at sa tingin niya ay nakatulog na ito. Nagtungo siya ng kusina, ininit ang mga natirang ulam nila kanina at tinignan ang niluto niyang sinaing sa rice cooker, oagkatapos ay hinugot na niya ito mula sa pagkakasaksak nito sa kuryente. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Amy at nagtungo ito ng l

