┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kararating lang ni Amy sa condo ni Calix. Tahimik lang siyang pinagmqmasdan ang kanyang mag-ama na masayang naglalaro sa living room. Bago niya pinuntahan ang condo ni Calix ay sinamahan ni Amy ang kanyang mga kaibigan sa farm ng kanyang mga magulang, pero hindi sila nagpakita sa mga ito. Itinuro lamang niya ang farm nila, at kung aling apartment ang tinutukoy niya. Pagkatapos nuon ay iniwanan na niya ang mga kasama niya at dumiretso na siya pabalik ng Manila upang puntahan nga ang kaniyang anak, pero may mas mahalaga siyang pakay kay Calix. Kailangan niyang makausap si Marcus, at para magawa niya 'yon ay kailangan niyang kausapin si Calix dahil ito mismo ang magdadala sa kanya sa estate nila Althea at Marcus. Masama pa ang loob sa kanya ni Althea, at hindi pa siya kinakausa

