┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay gising na si Amy. Kinikiliti niya ang tainga ng kaniyang anak upang bumangon na ito. Kanina pa niya ito ginigising... pero panay five more minutes ng kanyang anak kaya kanina pa rin siya tawa ng tawa. "Gumising ka na sabi eh, maliligo at kakain ka pa. Baka dumating na ang ama mo tapos tulog ka pa diyan." Sabi niya, pero tinabunan lang ni Calixto ng unan ang kanyang mukha. Tawa tuloy ng tawa si Amy na kiniliti na ang talampakan ng anak niya. Bigla tuloy napabangon ang bata at yumakap ito sa kanya. Isinubsob nito ang mukha niya sa dibdib ng kanyang ina. "Mama ang daya-daya mo po." Sabi nito habang yakap ang ina at nakapikit pa ang mga mata niya. "Kapag dumating ang papa mo, pauuwiin ko na lang siya, kasi ayaw mo namang gumising." Pagkarinig nito ng sinabi

