❀⊱Amy's POV⊰❀ -Continuation... Kararating lang namin ng mansyon ni Senyor Dux. Kay tagal ko rin na hindi nakabalik sa lugar na ito. Welcome na welcome kami dito, pero kinailangan kong tumiwalag at umiwas ako sa kanila dahil kay Calix. "Amy, nasaan ang anak mo?" Tanong ni Marcus habang naglalakad sila papasok sa malaking bahay. "Nasa eskwelahan pa, pero susunduin ko na." Si Calix na ang sumagot kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Hinalikan pa niya ako sa ulo at nagmamadali itong tumalikod, pero nilingon muna niya kami bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. "Hindi kayo magsisimula ng wala ako. May karapatan akong malaman ang tungkol sa pagkatao nila." Sabi ni Calix. Hindi naman kumibo si Marcus, pero ako ay bahagyang tumango. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito n

