┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pagkarating nila Taruray sa bahay bakasyunan ng kanyang ama sa Antipolo, ramdam agad ni Amy ang katahimikan ng lugar. Ang gate pa lang, solid na bakal na may nakaukit ng lumang crest ng pamilya Fuentebella. Sa loob ay makikita ang malawak na bakuran, may mga nakahilerang pine trees at ilang mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid ng cobblestone driveway. Kasama ni Taruray sina Thessius, Tyler, Amy, at si Calixto na mahimbing na natutulog sa yakap ng kanyang ina. Pagbaba nila ng sasakyan, bumukas agad ang pintuan ng malaking bahay bakasyunan ng mga Fuentebella. Isang may edad na lalaki, disenteng pananamit at matikas pa rin sa kabila ng edad, ang agad na lumabas. Nakangiti pa ito ng sinalubong sila. "Hey dad, nandito na kami." Sabi ni Taruray kaya mas lalong lumaki ang

