┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kinabukasan, matapos ang engrandeng kaarawan ni Senyor Dux, ay hindi na inabutan pa ni Calix sina Amy at Kazmir, dahil madilim pa lang ay umalis na ang dalawa gamit ang helicopter ng kambal na Lazarus. Pero okay lang kay Calix dahil nasa kanya na ang numero ni Amy at iyon naman ang mahalaga. Wala na itong kawala na sa kanya, unless, of course ay babayaran ni Amy ang 1.7 billion pesos na ibinayad ni Calix sa auction. Iyon naman ang sinabi sa kanila ni Senyor Dux, na kapag tumanggi ang babae na makipag-date sa kanila, babayaran nila ang mga lalaking nanalo sa auction. Date lang naman ang usapan, at malinaw sa pinirmahan nila na kapag binastos ang mga babae, mananagot silang lahat. Si Amy naman ay nakabalik na sa Bohol. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kaibigan sa sinabi n

