◄Calix's POV► Tatlong araw na akong hindi umuuwi kay Amy. Hindi ko rin alam kung kailan ako babalik dahil marami pa akong ginagawa dito sa Manila, at isa pa ay alam naman niya dahil nagpaalam ako. Hindi ko nga lang siya tinatawagan pa kahit ilang beses na siyang nagpadala sa akin ng mensahe. Mula din ng ikinasal kami ay hinubad ko ang wedding ring at inilagay ko lang 'yon sa isang drawer sa loob ng walk in closet. Sa totoo lang, ayoko siyang isipin pero kahit anong gawin ko ay bumabalik pa rin siya sa utak ko dahil sa lintik na kasal na nangyari sa amin. Wala sa plano ang pagbubuntis niya. Hindi rin ako naniniwala na nakaligtaan lang niya uminom ng pills. Ang daling sabihin na ganuon nga ang nangyari, pero ang hirap paniwalaan. Ilang beses ko siyang pinaalalahanan na uminom siya ng gamo

