❀⊱Amy's POV⊰❀ "Magbihis ka. Pupunta tayo sa supermarket para mag-groceries." Cold and flat ang boses ni Calix ng magsalita siya na ikinalingon ko. Walang emosyon, ni walang effort at ramdam ko na napipilitan lang siya ng sabihin niya 'yon. Parang sinasabi lang niya ‘yung kailangan na dapat naming gawin sa araw na ito, tapos done, parang ganuon lang. Hindi man lang siya lumingon sa akin, nakatayo lang siya sa balcony, hands in his pockets at nakatingin lang siya sa malayo na tila ba may kung anong iniisip na importante. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Same old Calix. Tahimik, malayo ang iniisip, masyadong distant, 'yung parang laging wala rito kahit nasa harap ko lang naman siya. Tumango lang ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita, as if naman ay lilingunin niy

