┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakatayo si Calix sa loob ng opisina ng judge na kinausap niya na magkakasal sa kanila ni Amy, ang mga mata niya ay nakatitig lamang sa kung saan habang inisip ang mga posibleng mangyayari pagkatapos ng kasal. Ang kasal nila ay gagawin na lamang sa loob ng opisina sa bahay ng judge upang walang makakita sa kanila. He wanted to keep this a secret at all costs. Kaya naman malaki ang ibinayad niya para mapanatili ang sikretong ito... walang ibang dapat makaalam, lalong lalo na ang mga taong bumubuo ng Venum organization. Ito ang hindi niya hahayaang mangyari dahil ayaw niyang mapagtawanan na naisahan siya ng isang babae. Si Amy na lamang at ang mga magulang nito ang hinihintay nila upang masimulan na ang kasal. Kararating lamang ni Calix, ilang minuto pa lamang, at mula ng du

