┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang, pero nagising na si Calix sa sunod-sunod na malakas na katok ng pinto. Napabangon siyang bigla at nakaramdam ng inis. Hinawi niya ang makapal na blanket at inis na napasabunot sa kanyang buhok. Napatingin siya sa orasan na nasa gilid ng kanyang kama at saka ito napamura. "Tang-na, alas siyete pa lang ng umaga, may nang-iistorbo na sa akin? Sino ba naman kasi ang taong 'yon at kung maka-katok, akala mo ay may giyerang paparating or something, hindi ba nila alam na tao pa rin ako at kailangan ko ng pahinga?" Inis na inis niyang sabi habang isinusuot niya ang isang jogging pants. Nagsuot din siya ng isang manipis na sando at saka siya mabilis na lumabas ng kanyang silid, diretso sa pintuan ng kanyang unit. Dahil sa inis niya ay hindi na niya nagawang sumilip s

