┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Bakit ganyan ang ngiti mo? Parang may tinatago kang katarantaduhan."
Biglang napalingon si Calix ng marinig niya ang boses ng kanyang pinuno na si Marcus. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ngayon sa isang coffee shop, sa loob mismo ng mall na pag-aari ni Marcus. Kasama ni Marcus ang kanang kamay nito na si Hugo, at ang mga kasamahan niyang mga assassin.
"Ano ang ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Calix, at napatingin pa siya kay Hugo, Diego at kay Julian. Pagkatapos ay nilingon niya ang isang lalaki na ngayon lamang niya nakita buong buhay niya.
"Sino ang isang 'yan? Bakit may kasama yata kayo na hindi ko kilala." Tanong niya. Sabay-sabay namang nilingon nila Julian ang lalaking kasama nila, habang si Marcus ay naupo sa silyang nasa tapat lang ni Calix.
"What do you care? Did I ever ask who the hell you are? I don’t think so. So do yourself a favor... mind your own business and stop trying to figure out who I am. Because... honestly? It’s none of your concern." Maangas na sabi ng lalaki, kalmado pero bawat salita na lumabas sa bibig nito ay tila ba may kasamang pang-iinsulto.
Nagtagis ang bagang ni Calix sa narinig. Tumayo siyang bigla, mabilis na parang handa nang manapak, at muntikan pang tumaob ang tasa ng kape niya. Umusok ang init ng likido, tumalsik ng kaunti sa gilid ng table na ikinagulat namang bigla ni Marcus.
Napatayo rin si Marcus sa sobrang pagkabigla, lalo na ng makita niya umuusok ang kape, pero mabuti na lamang at hindi ito tuluyang tumaob.
"Tang-na, man! Lulutuin mo pa yata ang itlog ko sa kapeng mainit. Magkakaanak pa ako, gago ka!" Inis na sabi ni Marcus, sabay hawak sa pantalon niya na para bang pinoprotektahan ang kanyang alaga. Sinalat-salat pa niya ito kung natalsikan ba ang mainit na kape sa kanyang alaga, pero tila ba ito nakahinga ng maluwag ng wala naman siyang nakapa na basa, at inis itong nagsalita muli.
"Sira ulo ka talaga Calix. Alam mo namang ito lang ang kaligayahan ko. Pang-kadyot ko ito sa asawa ko, tapos lulutuin mo lang?" Muli nitong sabi.
Napatawa naman si Hugo nang mahina dahil sa tinuran ni Marcus, pilit tinatago ang ngisi sa gilid ng labi niya at saka muling napatingin kay Calix na galit na galit naman. Pero si Calix, hindi man lang natinag o natawa sa banat ng isang King Venum. Ang tingin niya ay nakatutok lang sa estrangherong lalaki, parang bawat galaw nito ay nagdadagdag gasolina sa apoy ng galit niya.
"Tarantado ka. Umagang-umaga huwag mo akong ginagago, baka lagyan kita ng butas diyan mismo sa pagitan ng mga mata mo. At maniwala ka sa akin... lalagyan ko pa ng malaking hikaw ’yang butas bago kita ibaon sa lupa. Para kapag nasa impyerno ka na, isasabit ka na lang ni Satanas para gawing target." Galit na galit na singhal niya sa mahinang boses, pero may gigil ang bawat salitang binitawan niya.
"Dude relax. It's me, Josh. Damn, ang galing ko talaga. Sabi ko sa inyo, hindi niya ako makikilala dito sa bago kong gawang maskara." Mahinang sabi ni Josh sabay akbay niya kay Calix na gulat na gulat naman ng marinig niya ang sinabi nito.
"Fuuuuck! Are you fúcking serious?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Calix. Tinitigan pa niya ang mukha ni Josh na suot ang ibang mukha ng maskara na bagong gawa nito.
"May mahalaga akong misyon at delikado. Kailangan kong pumasok sa isang sindikato at magpanggap na kasapi nila. Ako si Jonathan ngayon. Ang pangalan ng maskarang ito ay Jonathan." Wika niya. Gulat na gulat pa rin si Calix at hindi makapaniwala sa husay ng kanyang kaibigan.
"Damn you, ang galing mo. Ibang klase ka talaga!" Humahanga niyang sabi.
"Ako pa ba?! Ang gwapo ko, hindi ba? Pati boses ko, ibang-iba." Pagmamalaki nito. Malaki naman ang pagkakangisi ni Calix na bumalik sa kanyang upuan at inaya ang mga kaibigan niya na maupo. Pagkatapos ay tinawag niya ang waiter at saka sila umorder ng kanilang agahan.
"So, bakit ganyan ang pagkakangiti mo? Kababalik ko lang mula Milan, ganyan agad ang nakita ko sa'yo. May katarantaduhan ka bang ginagawa?" Wika ni Marcus, kaya natawa na si Calix.
"Hindi ba pwedeng masarap ang kape kaya ako nakangiti?" Sagot niya, pero alam ni Calix na hindi siya pinapaniwalaan ng mga taong kaharap niya. Si Josh naman ay panay ang hawak ng kanyang mukha, at ng hindi na makatiis ay saglit itong nagpaalam.
"Saan pupunta ang isang 'yon?" Tanong ni Calix habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Josh.
"Kailangan niyang hubarin ang maskara niyang suot." Mahinang sagot ni Marcus, halos pabulong lang para walang ibang taong makarinig.
"No one should ever know na may koneksyon siya sa atin habang ang maskarang 'yon ay nasa mukha niya. He’ll serve as a spy, kaya dapat manatiling sikreto ang totoong pagkatao niya. Once na may makakita na kasama natin siya habang suot ang maskarang 'yon, it could mean danger. Sinubukan lang naman niya kanina. Tignan mo, pati ikaw, hindi mo nakilala kahit ang galaw ng katawan niya. Galing ng best friend mo, hindi ba?" Muli pang sabi ni Marcus. Unti-unti nang nawala sa paningin ni Calix ang matalik niyang kaibigan kaya tumango lang siya sa tinuran ng pinuno nila.
Then, Marcus calmly took a sip of his coffee... mainit pa rin, umuusok, pero parang wala lang sa kanya at hindi man lamang ito napaso. Muling tumango-tango si Calix at hinigop din ang kanyang kape. Pagkababa ng tasa ay saka ito muling nagsalita.
"I see..." Paunang sagot ni Calix, slight nod, trying to play it cool. And then, nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita.
"Anyway, medyo mawawala ako for a few days, maybe one week din. I need to visit my farm na nasa Tarlac, ang dami na kasing kailangang ayusin duon. Mga tao, harvest schedules, plus may mga contracts na overdue na. Kailangan kong makita personally how things are running. Pero after that, I will come back right away. You know me naman, hindi naman ako nawawala nang matagal. Kailangan ko lang talagang asikasuhin ang mga 'yon." Wika pa muli ni Calix, kaya tinitigan siya ni Marcus. Titig na animo ay may kung anong pagdududa sa sinabi ni Calix. Sharp, cold, suspicious, parang sinusuri ang katotohanan sa mga sinabi nito. As if Marcus was dissecting his words, looking for cracks.
"Akala ko ba si Collin ang umaasikaso ng lahat sa farm mo? Bakit kailangan mo ngayong magtungo duon?" May pagdududang tanong ni Marcus.
"Alam mo naman ang kapatid kong 'yon, puro katarantaduhan ang ginagawa kaya ang dami niyang babaeng iniwang luhaan sa farm ko. Tapos ngayon, kailangan kong maghanap ng isang pagkakatiwalaan ko para mangasiwa ng farm na 'yon habang ako ay nandito sa Manila at busy sa mga negosyo namin." Paliwanag ni Calix. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Marcus, at bahagyang tumango, saka sumandal sa kanyang upuan.
"Ah... may pinagmanahan kasi ang kapatid mong 'yon. Kung ano ang nakikita sa kuya, ginagawa din niya." Wika ni Marcus kaya natawa ng mahina si Calix.
"Akala mo naman ang tino-tino mo nuong binata ka. Nagka-asawa ka lang, pakiramdam mo isa ka ng matinong lalaki. Katulad ka din namin bago mo pinakasalan si Princess Ellizandria." Inis na banat ni Calix kaya ang lakas ng pagkakatawa nila Hugo.
"Hindi ako ang lumalapit sa mga babae. Sila 'yong naglalaway sa akin. Kapag nakikita nila ako, hinihila agad nila ako sa isang silid. Ibang-iba sila sa mahal ko. Kinidnap ko na nga at pina-amo, ako pa ang ginugulpi. Tapos kunwaring ayaw, pero deep inside, selos na selos sa ibang babae. Tignan mo ngayon, kasal na kami." Tumatawang sagot ni Marcus, kaya nauwi sila sa tawanan.
Maya't maya ang tingin ni Calix sa kanyang orasang pambisig, kaya hindi inaalis ni Marcus ang tingin sa kanyang assassin. Alam nito na may inililihim ito sa kanya, nararamdaman niya 'yon... pero hindi naman niya ito tinatanong.
"Mamaya na ang alis ko, so huwag muna ninyo ako istorbohin ng ilang araw. Hayaan ninyo, after ng ilang araw ay babalik din agad ako para naman gawin ang ipapagawa mo sa akin." Sabi pa nito. Tumango lang ang isang King Venum, sabay ngisi nito at tinusok ng tinidor ang omelet na huling kagat na natitira sa plato niya.
"Okay. Let me know kapag nakabalik ka na ng Manila. M-To be continued...