┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kinabukasan, nagising si Calix na wala na sa kama ang kanyang asawa. Kumunot ang kanyang noo at napatingin sa orasang pambisig. Mag-aalas dose na pala ng tanghali, at hindi siya makapaniwala na ganuon katagal siyang natulog. Mabilis ang ginawa niyang pagbangon, nagtungo ng banyo at mabilis na naligo. Halos kinse minutos din ang inilagi niya sa banyo, at paglabas niya ay dumiretso na agad siya sa walk in closet upang magbihis. He had to return to Manila, there was something important he needed to take care of, something that couldn’t be postponed or ignored any longer. It was a responsibility that demanded his presence, no matter how much he wished he could stay. Pagbaba niya ng unang palapag, nagulat pa si Amy ng makita niya na nakasuot na ito ng pang-alis. Isang polo na

