◄Calix's POV► "Ang tahimik mo naman, kuya." Napalingon ako kay Collin. Nakangiti siya habang papalapit, dala pa rin ‘yung trademark niyang mayabang na ngiti. Umupo siya sa tabi ko at saka niya ako inakbayan. "Mag-isa ka yatang umiinom. May problema ka ba? Babae ba?" Tanong niya, sabay kuha ng baso na hawak ko na may laman pang alak, parang gusto rin yata niyang makisawsaw sa problema ko. Napatawa ako ng mahina, ‘yung tawang hindi naman talaga masaya pero hindi naman mukhang pilit. Siniko ko siya ng marahan kaya tumawa siya nang malakas. "Babae agad ang nasa utak mo? Palibhasa... babaero ka. Gawain mo kasi kaya alam mo na agad ang dapat mong ibato sa akin." Sabi ko, sabay tawa. Alam ko na ‘yung susunod na mangyayari, hindi ‘yan magpapaawat. Ever since bata pa kami, hindi pwedeng ako lan

