┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Relax lang Calix. Kami lang naman ito ng anak mo." Sabi ni Amy habang naglalakad sila ni Calixto papasok sa loob ng condo unit nito. Hindi naman mawala ang ngiti ni Calix, makikita ang labis na kaligayahan sa mga mata nito dahil muli na namang nagpakita sa kanya si Amy at kasama pa ulit nito ang kanilang anak. "A-ano ang ibig sabihin ng pagpunta mo dito? Bibigyan mo na ba ako ng isang pagkakataon para mapatunayan ko sa'yo na totoo ang damdamin ko para sa’yo? Na totoong pinagsisisihan ko ang ginawa kong pang-iiwan nuon sa'yo? Please... say yes na ito na 'yon. Please Amy." Wika ni Calix, nanginginig ang kaniyang boses. Nasasabik siya na marinig ang isasagot nito sa kanya. "Mama, pwede po ba dito ulit tayo matulog?" Pakli ni Calixto ng tumingala ito sa kan

