❀⊱Amy's POV⊰❀ Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Para akong paulit-ulit na hinihila pabalik sa parehong bangungot na akala ko matagal ko nang tinalikuran. Muli na naman niyang ginugulo ang isipan ko. Parang kahit anong iwas ko, kahit anong klase ng pader ang itayo ko sa pagitan namin upang protektahan ang sarili ko, lagi pa rin siyang nakakahanap ng butas para makalusot. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero baka masaktan lang ulit ako. Gusto kong maniwala na mahal niya ako. Gusto kong paniwalaan na this time, totoo na siya. Pero yung puso ko... ayaw na. Parang pinipiga 'yung dibdib ko sa tuwing naiisip ko na baka umasa na naman ako sa isang bagay na hindi niya kayang panindigan. Sobrang sakit pa rin kasi hanggang ngayon sa tuwing maiisip ko ang nangyari.

