┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Hindi na malaman ni Amy kung paano siya nakauwi ng kanyang condo unit. Hilam ang mga luha niya, ni wala siyang pakialam sa mga taong nakakasalubong niya kung nakatingin man ang mga ito sa kanya. Ang nais lamang niya ay makarating sa unit niya at magkulong. Ilang beses ng tumutunog ang kanyang numero, pero hindi niya ito pinapansin, ayaw na muna niya na may makausap na kahit na sino sa mga oras na 'yon dahil muling nagbalik ang galit sa kanyang puso. Nang makarating siya sa loob ng kanyang unit... agad niyang isinara ang pintuan, pagkatapos ay sumandal siya sa pintuan, hawak ang kanyang dibdib at isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya. "Aaaaaahhhhhhh!" Halos mapunit ang lalamunan ni Amy sa lakas ng sigaw na pinakawalan niya. It wasn’t just anger, hindi lang galit ang

