❀⊱Amy's POV⊰❀ "Ang gwapo, sa akin yata nagmana ang batang ito, tignan ninyo, magkamukha kami ng shape ng mata." Sabi ni Thessius habang nilalaro ang baby ko. Tahimik lang ako, watching from the corner of the living room, my arms crossed. Minsan, napapangiti ako sa kanila, seeing how these hardened assassins softened around the infant. "Gago, mas ako ang kamukha niyan. Tignan mo ang ilong, kasing tangos ng ilong ko." Sabi naman ni Ronan, hindi nagpapatalo sa kanang kamay ni Taruray na si Thessius. Talagang kapag may sinabi si Thessius, dapat mas lalamangan niya ito. Tuluyan na akong natawa dahil lumalabas ang kakulitan nila ng dahil sa anak ko. Lagi silang ganito kapag magkakasama kami... light-hearted jabs to ease the tension from their latest ops. Madalas nila akong pinupuntahan dito

