Chapter 69 JASPER Pinagtatawanan nila ako sa bahay dahil halos di ko na patrabahuin ang asawa ko. Nakaplano na sa aming dalawa ay magbakasyon muna kami sa Switzerland habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Dito rin kasi sa Pilipinas gustong manganak ni Darine. This is the first time na alagaan ko siya na nagdadalang tao siya. Hindi ko siya na kasama ng ipagbuntis niya ang kambal kaya babawi ako ngayon. “Babe, gusto kung kumain ng passion fruit at guyabano.” Tinawag niya ako nasa pool kasi ako kasama ang kambal ko. Nakaupo siya sa gilid ng pool suot niya ang regalo ko na Prada na sunglasses. Sa lahat ng sunglasses niya ito ang lagi niyang suot mula ng naglilihi siya 4 months na ngayon ang kanyang tiyan. She smiled at me feeling ko namula ang pisngi ko. “In a minute babe,” sabi ko ng

