Chapter 68 JASPER TWO MONTHS LATER… “Babe may problema ka ba bakit ‘di mo ako kininikibo,” bulong ko sa punong-tenga ng maganda at sexy ko na asawa. Niyakap ko ang maliit niyang baywang habang nagbe-bake siya ng chocolate cake. Nandito kami ngayon sa regalo sa amin ni Lolo Hugo na farm house. Every Sunday ay dito na ginaganap ang family lunch sa farm house namin ni Darine Elmaz Guillermo. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundong ito mula ng dumating sa buhay ko si Darine. Akala ko noong una ay hindi ako iibig pang muli dahil nawalan ako ng tiwala sa babae. Nawala rin sa isip ko na makipag commitment pa ulit. Siguro hindi lahat ng lalaki ay tulad ko na matagal muling binuksan ang puso. Dahil sobra akong nasaktan ng iwan ako ni Belinda she's my first at siya ang nana

