NEW MISSION
ERIN'S POV
"Erina ! nasan ka na ba ? Nandito na ang lahat ng agents , ikaw na lng ang kulang!" sigaw ni Rose kasamahan at kaibigan ko sa pinag tatrabahuhan kong agency.
"Wag mo akong sigawan. On the way na ako ." nag babantang saad ko sa kanya."Ano bang meron at biglaan ang pag papatawag ng meeting ?" dagdag na tanong ko pa.
"Aba ! Anong malay ko kararating ko lang din no ." sigaw na sabi nya. Kahit kailan talaga hindi na sya naka imik ng maayos. Yung tipong hindi sumisigaw. Tinalo pa nya ang lalaki sa lakas ng boses nya.
Sinabi ko sa kanyang on the way pa lang ako, in fact kanina pa ako dito sa OM AGENCY na pinag tatrabahuhan ko. Dahil sa sinabi nya tahimik akong sumakay sa elevator papuntang meeting room. Eksaktong pag upo ko ay siyang pag pasok ni boss O.
"Marahil ay nag tataka kayo kung bakit ko kayo ipinatawag. Mayroon tayong VIP client. Pumili ako ng isang agent sa inyo to complete this mission." tuloy tuloy na sabi nya.
Tahimik akong nakikinig sa kanya at kampanteng hindi mapipili. Uncle ko sya sa labas ng aming agency building at boss ko sya sa loob. ng aming agency. Kasalukuyan akong nasa 2 buwang bakasyon. Katatapos ko lang sa isang malaking missio. Nangyari yon sa Beijing , China. Ang naging mission ko dun ay pasabugin ang main base ng Phoenix. Kilala ang grupo nila bilang pinaka malaking drug cindicate in Asia.
Ngayon ko lang namalayan na tapos na ang meeting at nag sisi-alisan na ang mga kapwa ko agent.
"Where do you think you're going , agent Erin?" na tigilan ako sa aking pag lalakad sa biglang tanong nya.
"Huh? Syempre aalis na. Ayon na nga sila o, naka alis na kaya ako din." saad ko. Ngunit naka tingin lang sya sa akin.
"Wait, hindi mo naman siguro naisip na ako ang piliin at sirain ang bakasyon ko , di ba?" tanong ko pa.
"Same old you. Hindi ka pa rin nakikinig tuwing meeting natin. Hanggang ngayon ba..... You still don't get it do you?" na papabuntong hingina na ani nya.
(What the h*ll is wrong with this person?) tanong ko sa sarili.
"Okay. I'm so sorry to ruin your vacation."saad nya.
"What do you ..."
"Ikaw ang pinili ko Erin. Being a top agent ikaw lng ang makagagawa nito." pag putol nya sa sasabihin ko.
"Buhay ang nakataya dito Erin . Nanjan sa table ang folder na nag lalaman ng profile ng next mission mo. Sana ay pag isipan mong mabuti." pag kasabi non ay umalais na sya. Haayyss akala ko pa naman makaka pag enjoy na ako sa 2 months vacation ko.
(kriiing,,, kriiing,,,)
nagulat ako sa biglang pag tawag. Oh si dad ang tumawag akala ko kung sino. Ano kaya sasabihin nya.
"Hello dad. How are you doing?" tanong ko sa kanya.
"I'm doing good. I called you para ipaalala na kailangan mong umuwi dito sa Greece tommorow." sabi nya.
"So sory to disappoint you dad but I have a mission to accomplish. Don't worry I'll be there tomorrow. okay. Bye dad , see you." pag tatapos ko sa tawag.
**AT HOME**
Pag karating ko sa apartment na tinutuluyan ko , pabagsak akong humiga sa kama. Naisip ko kung bakit ako biglaang pinapa uwi ng dad ko. Dahil sa pag mumuni muni dinapuan na ako ng antok.
Alas siete na ng gabi nung magising ako. Napansin ko ang folder na binigay ng uncle ko. ilang segundo ko rin itong tinitigan bago na pag desisyonang basahin ang profile ng next mission ko.
Name: John Raphael del Casa
- heir of del casa group of companies and many other businesses.
-son of Mr . and Mrs . Ronaldi and Eva del Casa.
Sa haba ng tungkol sa profile nya , hindi ko na binasa pa ang bawat detalye.
"kay ganda ng pangalan John Raphael del Casa. So sya ang next mission ko. To protect the only son of del Casa's against their business rivals." saad ko sa sarili. Napag desisyonan kong tanggapin ang mission . Kung kaya tinawagan ko si uncle Owen , ang boss ko.
(kriiing ,,, kriiing ,,,)
"I accept the mission. Ready my requirements. I'll meet him tomorrow and become his ladyguard." kaagad kong tinapos ang tawag at napa ngisi. "You better get ready Mr. Arrogant."