Cruel Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdang nirereview ang aking papers. I should talk to him, alright... Pero mukhang ang hirap bumwelo kung ganito na pala siya kaseryoso. At hindi iyon magandang timing. Baka ang sabihin niya ay siya ang pinunta ko rito. I am here for a work! Nagkataon lang talagang siya rin pala ang boss. "So... Hindi ka nakapagtapos ng college?" Umahon ang kanyang tingin, ang boses ay masyadong matigas at seryoso na napaiwas agad ako ng tingin. Tumango ako at mahigpit na hinawakan ang aking skirt. Naikuyom ko na ang aking mga kamay roon. Sumandal siyang muli sa kanyang upuan at inangat nalang iyong Resume ko. He looks bored yet he manage a serious face. "For what reason? Financial?" he asked, almost insulting. Tumango akong muli at ayaw nang ungkatin ang backgr

