Chapter 4:

1806 Words
Habang lulan ng mamahaling sasakyan ng lalaki ay hindi niya maiwasang mapangiti. Aminin man niya o hindi at kahit sinong babae ay kikiligin sa lahat ng ginagawa ni Xian sa kaniya. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" biglang tanong ng driver. Bigla tuloy siyang nasamid at napaubo. Nakita pa yata siyang nakangiti mag-isa. "Ah opo!" nauutal na tugon niya. Tumawa ang driver. "Mukhang ang tanda ko naman po, Ma'am. Dante na lang, mga kasing edad ko lang naman si Sir Xian,” wika nito na tila nakikipagkaibigan. Hindi niya ito kinikibo kasi kanina naman ay wala itong imik kahit noong kausapin niya. "Okay, Dante. Salamat sa paghatid," aniya ng ihinto ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Medyo madilim na medyo marami pa ring tsismosa na nakasilip. "Oh alis na,” aniya kay Dante na nakababa pa ang bintana ng kotse. "Pasok ka muna. Bilin ni Sir na siguraduhing nakapasok ka sa bahay niyo,” anito. Napakunot noo siya. "Seriously?" "Yes, ma'am,” alertong saad nito. Muli ay wala siyang nagawa kundi ang pumasok. Pagpasok sa loob ay saktong naghahapunan ang buong pamilya. Mukhang maraming pagkain sa hapag nila na tila wala silang problema sa pera. "Oh anak, naririyan ka na pala. Dali at kakain na tayo,” ani ng ama. "Anong meron?" takang tanong. "Kasi anak, nagpunta rito ang amo mo at sinabing hihiramin ka raw. Kakain lang daw kayo ng dinner at dinner lang naman ay pumayag na ako. Baka kasi kapag hindi ako pumayag ay pag-initan ka sa trabaho o kaya ay tanggalin ka. Sinabi pa ngang kung gusto namin ay sumama kami pero sabi ko hindi na dahil nakakahiya naman saka ko biniro na i-cash na lang niya. Hindi ko naman alam na tototohanin niya dahil nag-iwan ito ng ten thousand," palatak na wika ng ina. "Inay naman eh,” giit niya. "Anak, sinauli ko naman pero ayaw niyang tanggapin," giit ng ina. "Isanlibo lang naman ang ginalaw ko sa binigay niya,” dagdag pa ng ina. "Wow! Daming pagkain ah?” Ang agaw ng kapatid na kauuwi lang din. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ng ama rito. "Mano po, Itay. Pasensiya na po, gumawa lang po ako ng research para sa report ko sa school. May libreng internet po kasi doon kaysa mag-internet ako diyan,” tugon naman nito. "Oh siya, magpalit ka na at kumain na tayo. Ikaw naman Heather, magpalit ka na rin at pumarito. Bukas na natin iisipin kung saan tayo kukuha ng pampalit sa nagastos ng Mama mo tutal ay sa pagkain niya naman ginastos iyon,” kalmadong turan ng ama. "Kumain na po ako, Itay. Magpapahinga na lamang po ako dahil maaga po ang pasok ko bukas,” sagot sa ama. "Okay anak,” anito naman saka na siy nagtungo sa silid nila ng kapatid. Pagpasok ay nakitang hindi pa rin ito nakabihis at bakas sa mata ang pamumula noon. Samot-sari tuloy ang pumasok sa isip. 'Huwag mong sasabihing buntis ka dahil ingungudngud talaga kita sa pader," aniya sa isipan. "Anong problema?" tanong rito. "Ate,” anito sabay tingin sa kaniya. "Anooo?” kinakabahang wika. "Ate kasi exam na namin next week. Finals na kasi kaya sabi ay bawal na daw ang promissory note," malungkot nitong wika. Tumabi siya rito at inakbayan ito. "Huwag kang malungkot. Bukas na bukas din ay makakapagbayad ka na,” nakangiting wika rito. "Talaga Ate! Sumahod ka na?" A ang masaya nang wika nito. "Hmmmp!” Tango na lamang niya para hindi na ito mag-isip pa. "Salamat, Ate. Salamat,” anito sabay yakap sa kaniya. Maya-maya ay kumalas ito na tila may naalala. "Paano pala iyong utang natin sa bangko?" anito na muling nag-alala. "Huwag mo nang isipin iyon. Basta isipin mo ang pag-aaral mo. Kinabahan ako doon ah, akala ko ang sasabihin mo. Ate, sorry I'm pregnant,"tawang saad sabay pustura sa hitsura ng kapatid sa kaniya. "Naghahanda pa naman akong ingudngud ka na sa pader!" aniya. "Ahhhh—ate naman eh,” angil nito. "Oh siya. Bihis na at kumain ka na doon,” utos rito. "Ikaw, Ate, hindi ka ba kakain? Mukhang maraming niluto si inay,” anito. "Kumain na ako," wika saka naalala si Xian. Hindi niya naiwasang mapangiti sa harap ng kapatid. "Oyyyyy! Mukhang may nagpapangiti sa ate ko,” tudyo nito. "Hey! Kumain ka na doon,” tulak niya rito. "Oyyyy si Ate in love,” tudyo pa rin nito at nang wala na ang kapatid ay hindi nga niya naiwasang ngumiti pa. Dahil iyon kay Xian. Kinabukasan ay ganoon na lamang ang gulat ng bumungad ang guwapo nitong mukha sa supermarket na pinapasukan. "Anong ginagawa mo rito?" agad na turan ni Heather ng makita si Xian sa kaniyang trabaho. Kung siya ay gulat na gulat. Ito naman ay kampante lamang at nakangisi pa. Maya-maya ay nakitang lumapit sa lalaki ang may-ari ng supermarket na pinagtatrabahuan. Kumindat ito bago sumama sa lalaki. Bumalik siya sa pagsalansan ng mga grocery nang maulinigan ang ilang kasamahan. "Pinagbili na raw na Mr. Cheng ang supermarket," dinig na saad ng isa. "Oo nga eh, pero alam ko ay wala naman daw mababago. Chika pa ay guwapo daw ang nakabili at mukhang milyonaryo,” turan naman ng isa. Sa naririnig ay tila may nabubuo na sa kaniyang isipan. Kung bakit naroroon si Xian kasama si Mr. Cheng. "Hi, Heather,” tinig buhat sa likuran. Si Jack iyon habang buhat-buhat ang ilang box ng grocery supplies na isasalansan nila sa rank. "Hi,” bati rin dito saka muling bumalik sa ginagawa. Medyo mataas ang ilang lalagyan niya at hindi niya maabot kaya patingkayad siya. "Ako na maglalagay sa taas,” salo ni Jack sa papalaglag na nilalagay. Tila naasiwa siya dahil masyadong madikit si Jack sa kaniya lalo pa at medyo tumaas ang damit dahil sa ginawang pag-abot sa itaas. Nasa ganoong ayos silang dalawa ni Jack ng biglang nagsalita ang hindi nila namalayang tao sa kanilang tabi. "Excuse me,” malakas na tinig. "Mr. Johnson?" agad na turan ni Heather. Hindi alam kung galit ba ito o hindi. Agad siyang lumayo kay Jack. "Oh hi, can you find me this please,” anito sabay abot ng listahan kay Jack. Agad naman nitong kinuha iyon at tumingin muna sa kaniya bago umalis. "Is he courting you?" tanong nito na muling nagpatigil sa kaniya sa kaniyang ginagawa. "No! By the way, what are you doing here?" kunot ang noo na tanong. "Don't you like to see me? Ouchh too bad!" anito sabay ngiti. "Akin na ito,” anito sabay kindat. "What?!” medyo napalakas na turan agad tampal sa bibig. "Binili mo ito? So ikaw iyong sinasabi nilang bumili nito?" sunod-sunod na tanong. Tumango-tango ito saka ngumiti. "Are you crazy?" gilalas na turan. "No, I am not,” anito saka lumapit sa kaniya. "Just crazy for you,” bulong nito. "Ano ba? Mr. Johnson, I'm at work,” paalala rito. "I own it,” giit naman niya. "Kahit na,” giit din niya. "Heather. Heather. Heather,” ngiting usal sa pangalan niya. "Can you please stop doing nonsense stuff. Stop following me!" gigil na turan. "Then come with me Heather. Be my girl. You will have everything you want,” panghihikayat nito. Napapikit siya. Naisip ang pagkakautang sa bangko at sa napipintong pagrimata ng ng kanilang bahay. "Okay, fine. I will be at your office after work. Please stop pestering me. Leave me alone,” bulong niya. Napatawa si Xian. "Sure, I will wait you at my office, darling.” "Darling ka diyan. Tsupi!" aniya saka umalis na. "Sir, ito na po lahat ang nasa listahan ninyo,” abot ni Jack rito. "Thanks,” pasalamat sa lalaki. "Sige po, Sir,” sabad naman nito saka aalis na ngunit pinigilan niya. "Jack, right?" tanong rito. Napatigil ang lalaki at lumingon ulit rito. "Yes, Sir.” "Stop bothering, Heather. I told you, I don't want you to be close to her. I do hope you understand my word," tila nagbabantang wika sabay ngiti at umalis na. Alas sais ay nasa harap na siya ng building na pag-aari ng Johnson company. Hindi malaman kung tutuloy ba o hindi. Uupo, tatayo, uupo, tatayo ang kaniyang ginagawa pero sa huli ay nasumpungan ang sariling lulan ng elevator. "Good evening, Ma'am.” Ang bungad ng isang unipormadong babae. "Good evening din,” tugon. "This way, Ma'am,” anito turo ang isang pintuhan. Kumatok ito sabay pihit sa seradora. Hindi ito pumasok at pagkapasok niya ay sinara nito ang pinto. Napalunok siya dahil hindi iyon ang opisina ng lalaki. Nilibot ang tingin sa buong paligid. Maluwag at wala siyang nakikita kundi ang sala set. Lumabas mula sa isa pang pintuhan ang lalaking kakatagpuin. Si Xian. As usual guwapo pa rin ito kahit naka-pants lang ito at walang top. Napalunok siya dahil talaga namang bumabandera ang abs nito. "Aren't you going to put your t-shirt first," aniya sabay bato rito ang white t-shirt na nasa sandalan ng upuan. Napangiti si Xian. Saka sinuot ang damit. "Have a seat,” aniya sa babae at paghawak sa remote ay may lumitaw na refrigerator kung saan kumuha ito ng tubig. "Do you like some wine?" tanong nito sa kaniya. "No. Thanks.” Nagsalin si Xian ng tubig sa dalawang baso bago nilapag sa center table at umupo sa tabi ni Heather. Mga limang minuto na yata silang nasa ganoong pwesto pero wala pa ring nagsasalita. "Are we going to talk?" maang na tanong sa lalaki na tila walang balak magsalita. "I'm just waiting for Dante to give me the contract?" anito. "Contract?" ulit niya. "Yes. Everything is in detail. You can read as you want. Give me a baby, then you can have the whole five million peso for payment," kampanteng turan nito. Napakunot noo siya. "Hindi ko pinamimigay ang anak ko!" giit niya. "Oh well, hindi naman sa ipapamigay mo. It’s your choice if you gonna stay with us. But, everything is private. Yes, malalaman ng lahat ng tao ang tungkol sa anak ko pero hindi ikaw. In short, hindi kita pwedeng ilantad.” Sabagay, sa reputasyon ng lalaki ay ayaw niyang mawala ang mga babaeng humahanga rito pero makakaya ba niya ng ganoong set-up. Nakita ni Xian ang pag-iisip ng babae sa sinabi niya. "Remember that you have to save your house?” Pagpapaalala nito. "How did you know?" maang na tanong. Nabigla rin si Xian. Baka matiklo pa siya nito. "Nasabi ng nanay mo,” agad na sagot. Mukha namang napaniwala siya nito. "If tinanggap ko ba? Paano iyon. Are we going to have—” putol na wika dahil hindi mabigkas ang huling letra. "s*x! Of course, ano iyon Virgin Mary? Buntis ka pero virgin ka pa?" tawang wika ni Xian. Muling napalunok si Heather. Handa na ba siya? "No worries. I will be gentle,” anitong bulong sa kaniya na tila bumuhay sa kaniyang p********e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD