Chapter 3:

1646 Words
'May pakindat-kindat ka pa!' inis na saad sa isipan. Lalapit na sana siya rito nang biglang lumitaw ang kaninang kasama nitong kawaksi. Napakunok siya dahil naglalaro sa isipan niya lalo pa at pagharap ng babae ay bumuka ang unang botones ng blusa nito. Mas lalong napakunot noo siya dahil iba ang naglalaro sa isipan niya. Tila kasi may ginagawang milagro ang mga ito. "Ah sir, heto na po ang nahulog mong spatula," ani ng kawaksi nito. “Thank you,” agad namang tugon ni Xian sa kawaksi. Bigla ay napahiya si Heather sa maling iniisip. Akalain ba niya kasing bilang lilitaw ang babae sa tabi nito lalaki na animo'y may kinakalikot sa ibabang bahagi ng lalaki. 'Malisyosa ka kasi mag-isip,' sermon sa sarili. Nang makalapit sa lalaki ay agad na tinanong kung ano ang ginagawa niya roon. "Ano ba talaga ang ginagawa ko rito?" Halukipkip na tanong sa lalaki. "I invited you for dinner," simpatikong wika. "Invited me for dinner? Did you? Hindi mo ako inimbita. You kidnapped me!" gilalas niya. Napangiti si Xian dahil mukhang galit na ang babaeng nasa harapan pero ang ganda pa rin nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti. "Relax! Your parent agreed," aniya saka tinuloy ang ginagawa. Doon ay naalala ni Heather ang pamilya. Paano nito nakilala ang kaniyang pamilya? "Paano mo nakilala ang pamilya ko?" maang na tanong rito kasabay ng pagkunot ng noo niya. "You know me?" cool na cool na wika. "No worries, just half an hour everything is ready," anito saka nilagay na sa oven ang bineyk nito. Saka nagsalang ng pan at tila magluluto naman ito ng kanilang dinner. Mukhang may alam ito sa kusina at tila bihasa sa ginagawa. Mukhang napansin nito ang pagtatakang tingin niya. "No worries, I'm a chef," saad sabay muling kindat. "Can you please stop doing that!" Iwas niya. "Do what?" anito na tila nang-aasar pa. "Winking on me. Para kang—" "Parang ano?" giit nito. "Ewan! Ewan ko sa'yo!" Inis niya saka bumalik sa sala. Napatawa na lamang si Xian dahil namumula na naman ang mukha ng babae. Mas lalo tuloy siyang nagkakaroon ng interest dito. "Baliw!" bulong ni Heather sa sarili nang marinig ang malutong na tawa ng lalaki. Pero infairness ay kinikilig siya kahit papaano. Akalain ba niyang ang lalaking hinahangad ng halos lahat ng kababaihan sa Pilipinas ay sa kaniya nag-e-effort. Pagbalik sa sala ay muli siyang napaupo sa malambot na sofa at nagpahinga na lamang. Dahil sa pagod ay tila hinihila siya ng antok. Malapit na siyang makatulog ng untagin siya ng babaeng katabi. "Ma'am, dinner is ready," wika nito. "Huh!" turan sa kabiglaan. Napapungas pa siya at inayos ang sarili. "This way, Ma'am," pormal na asiste ng babae sa kaniya patungo sa isang pinto. Pagbukas noon ay nakita ang isang mesa. May candlelight, may wine at dalawang pinggan. Napalunok siya. Napakaromantik ang ganoong set-up. Sa mga sosyal na pelikula lang niya nakikita ang ganoon, akalain ba niyang mangyayari rin sa kaniya. May connecting door at alam niyang galing sa kusina iyon at pumasok ang isang lalaki si Xian. Agad itong napangiti habang papalapit sa kaniya. Inilahad nito ang palad nito tila isang maginoo. Nabibigla pa siya. Hindi alam kung kukunin ba ang palad nito o hindi. Hanggang sa maramdaman nito ang paghawak nito sa palad niya. Giniya patungo sa mesa. Inayos nito ang upuan niya bago nagtungo sa upuang laan para rito. "What is this for?" hindi niya mapigilang itanong na nakataas ang kilay upang pagtakpan ang nabubuhay na kilig sa kaniyang kaibuturan. "I want you to feel special. 'Cause you're special," anito sa kaniya. Kahit sinong babae ay kikiligin kapag sinabihan silang special. Ngunit ayaw niyang malunod sa pinapakita nitong ka-sweet-an dahil batid niyang katulad lang din ito ng ibang lalaki na kukunin lang ang gusto nito at iiwan rin kapag nakuha na ang pakay. Napansin ni Xian ang pag-aalangan sa mukha ni Heather. "Tikman mo," aniya sa nilutong steak. Binuksan niya ang red wine saka binuhos iyon sa kopitang naroroon. Humiwa siya saka kinain. Habang ngumunguya ay napangiti siya. Infairness masarap nga itong magluto o talagang pangmayaman lang ang karneng hinanda nito kaya masarap. Napangiti ng matamis si Xian ng makitang tila nagustuhan ng babae ang niluto niya. Tinaas niya ang kopita saka itinaas iyon. Matagal bago tinaas din ng babae ang kopita nito. Napapailing na lamang si Heather. Tinaas ang kopita at saka tunungga. Naging abala silang dalawa sa kanilang pagkain. Nang maya-maya ay nagsalita si Xian. "How about my offer?" tanong nito. Napatigil si Heather sa paghiwa ng steak at tumingin sa lalaki. "Mr. Johnson, hindi pa ba malinaw sa'yo ang sinabi ko?" pormal na wika. Nakitang tumayo ang lalaki at naglakad patungo sa kaniyang likuran. Napalunok siya lalo na nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang balikat. "It's Xian, Heather. If you get my offer, you can have everything I have. You can have whatever you want," senswal na wika nito sa kaniyang punong tainga. Naisip ang utang nila sa bangko. Tumayo rin siya at tumapat kay Xian. Tumitig siya rito. Naghinang ang kanilang mga mata. Pinulupot ang mga kamay sa leeg nito. "Everything?" tanong niyang wika. Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay nito sa kaniyang baywang. "Yes! Everything," anito. Para tuloy silang magkayakap na sumasayaw sa ayos nila kahit walang musika. "I will give you everything," anito sabay halik sa punong tainga niya. Gumapang ang ilang boltahe sa kaniyang katawan gawa ng halik nito. Mabilis lang iyon pero sapat na para mag-init siya. Babae lang din siya at may damdaming nadadarang sa mga ganoong pagkakataon. Napangiti si Xian ng makitang nakailang lunok si Heather dahil sa ginawa. Katunayang apektado ito. Nang muli siyang halikan ni Xian ay umiwas na siya dahilan upang mapausod siya. Natabig nito ang upuan dahilan upang lumikha iyon ng ingay. Maya-maya ay pumasok ang dalawang kawaksi nito. Hawak ng mga ito ang isang tray. Nabigla ang mga ito ng makita kung ano ang posisyon nila ng lalaki. "Sorry, Sur!" sabayang wika ng dalawang babae sabay talikod ng mga ito. Agad niyang tinulak ang lalaki. Mahalay tignan ang pwesto nila. Siya na halos maupo na sa mesa habang ito naman ay malapit na malapit sa kaniya, na sa posisyon nila ay tila may ginagawang kababalaghan. "It's okay. Put the cake on the table," mabilis na wika ni Xian bago pa makalabas ang dalawang kawaksi. Agad namang bumalik ang mga ito saka nilapag ang dala at pinalitan ang kanilang pinggan. Matapos yumukod ang mga ito ay muling lumabas. "Have a seat," muling inayos ni Xian ang upuan ni Heather. "I bake this for you," nakangiting dagdag pa. Saka humiwa ng slice ng cake at nilagay sa pinggan ni Heather. Mabilis ang pintig ng kaniyang pulso. Ngayon lang nakaramdam ng ganito si Heather. Habang hinihiwa ng lalaki ang cake ay hindi niya maiwasang titigan ito. "Thanks," aniya sabay ng tipid na ngiti. "Your welcome. Have some," aniya sa babae upang tikman ang bineyk niya. Kumuha naman ito at kumain. Nakitang tumango-tango ito. "How is it?" untag dito. "Masarap naman," komento niya. "I told you. Have more," aniya saka na rin siya kumain. Natahimik naman si Heather habang tinitignang kumain ang kasama. Nang maya-maya ay makitang may icing sa gilid ng labi nito. Hindi niya alam kung bakit awtomatiko siyang yumukod ay pinahid ng daliri niya ang icing sa gilid ng labi nito. Nabigla si Xian sa ginawang iyon ng babae. Mabilis niyang hinuli ang kamay nito saka dinilaan ang daliri ritong pinangtanggal nito ng icing sa labi. Halos hindi pinikit ni Heather ang mata habang nakatitig sa mukha ng lalaki habang dinidilaan nito ang daliri niya. Kakaiba na ang dulot ng pasimple nitong ginagawa. Nang makabawi ay agad na binawi ang daliri. "Are you seducing me?" "Why? Are you affected?" balik na tanong ng lalaki saka muling ngumiti. Agad siyang nag-iwas dahil baka mahalata siya nito. "Mr. Johnson." "Xian! Just call me, Xian," giit nito. "Mr. Johnson," giit niyang tawag. Tumayo ito at muling tumayo sa kaniyang likuran. Yumukod upang maabot siya nito dahil nakaupo siya. "Heather, call me Xian," anito na ramdam na ramdam niya ang paghinga nito dahil tumatayo ang balahibo ng leeg sa lapit ng bibig nito. "Mr. Johnson," ulit niya ng maramdaman niya ang dila nito sa leeg niya. "Okay fine! Xian, can you—can you please stay away," aniya dahil asiwang-asiwa na siya. Baka kasi konting diga na lang ito ay bumitaw na siya rito. Dahil kanina pa binubuhay ng lalaki ang kaniyang sensasyon. Parang may mga dagang naghahabulan sa kaniyang dibdib. "I know, apektado ka rin Heather. I feel it too. Why don't you just—you know, let it go!" mapang-akit na saad ni Xian. Inipon lahat ni Heather ang kaniyang lakas upang paglabanan ang damdaming umaalipin sa kaniya. "Heather, why don't you give it a try?" muling wika ni Xian. Napangisi si Heather. Ano iyon, trial and error. Kapag bumukaka siya sa harap nito. Kapag hindi nag-work o mabuntis. Sasabihin nitong try again. Ano siya? Muli niyang naramdaman ang munting p*****a ni Xian sa kaniyang punong tainga. Napalunok si Heather. Talagang iba na ang pakiramdam niya. Nagsisimula na siyang maginit lalo na sa kaniyang kaibuturan. Kaya mabilis na tumayo at tumapat kay Xian. Ngumisi siya sabay hawak sa kuwelyuhan nito sabay hila palapit sa mukha niya. "You're handsome. You're rich. You're famous but I don't care," aniya saka binitawan ito at nag-martsa patungo sa pintuhan. Napatigil siya nang hawakan na niya ang seradura. Humarap siya sa lalaki. "Thanks for the dinner. I enjoy it!" aniya sabay kindat dito na may kasama pang bilat. Walang nagawa si Xian kundi ang umiling-iling na lamang. Saka agad na tinawagan ang driver upang ihatid si Heather sa bahay ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD