Alette's POV Kinabukasan ay nakisabay na lamang ako kay Thye na pumunta sa court. Hinanap ko rin sina Azriel ngunit ayon kay Thye ay hindi ito bumalik kahapon pa. Hindi naman na ako nag-abala pa na hanapin ang mga ito dahil sigurado akong ayos lamang sila. Nauna na akong pumunta sa kotse nang mapansin kong nakatayo si Ara sa tabi ng kotse. Lalapitan ko sana ito ngunit mabilis lamang siyang pumasok sa loob. Sa totoo lang ay kahapon ko pa sila gustong makausap ngunit dahil sa nangyari ay mukhang naging ilag sila sa akin. Maya maya pa ay dumating na rin si Thye at agad na pinaandar ang sasakyan papunta sa paglilitisan ni ama. Dahil sa ikatlo at huling paglilitis na ito ay talagang hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Habang palapit nang palapit kami sa court ay mas lalo rin

