bc

Into the Abyss

book_age16+
534
FOLLOW
1.0K
READ
adventure
killer
dark
system
others
serious
mystery
male lead
high-tech world
others
like
intro-logo
Blurb

A young boy who seeks for revenge and justice against time and solely enters the perilous jungle of darkness, found himself drowning in a big paradise of lies that he himself can't escape. But the time that he was about to take his revenge will change into something that he didn't expect, wherein the time will have it's own mind and revenge to him against his will.

He who fights along the darkness must look for that he is not part of it. But as you look upon your foot, you're stepping down into the abyss.

chap-preview
Free preview
Unang Episodyo
"Dito ang mga iyan!" "Halika kayo at mas maraming sariwang prutas at gulay ang nandito!" "Mura na iyan sa halagang pitong rak" "Mas mura dito! Bili na kayo!" Kaliwa't kanan ang maririnig na sigawan sa palengke para lamang makabenta. Habang ang iba naman abala para sa paghahanda para bukas. "Hoy! bumalik ka rito" sigaw ng isang lalaki na may-ari ng isang malaking palengke. Hindi naman na nakapagtataka ang ingay sa paligid. Dahil sa sunod sunod na inspection mula sa mga houseguards na paikot-ikot nitong nakaraan at halos wala itong katapusan.Isabay pa na darating ulit ito bukas. Bukod kasi sa inspection ay nagkakaroon rin ng buwanang paniningil ng tax payment upang maging pondo ng bayan.Kung kaya't ang araw na ito ay paghahanda rin sa mga ihahanda na pagkain na ihahandog para sa mga viszer o ang mga taga kolekta ng buwis na may mataas na katungkulan sa bayan. Pero para kay Azriel, isang 18 years old na binata, ay napakahalaga ang araw na ito. Dahil ito ang magiging huling araw niya rito sa Xiang Xiu Mei. Ngunit bago ang lahat ay, napag desisyunan niya na sulitin muna ang nalalabing oras dito sa bayan. Dala ang kanyang maliit na bag ay nagpunta siya sa kapital ng bayan, ang Hiamovi, upang mamili ng mga kakailanganin para sa huling pagkikita ng mga kaibigan niya. Alas-singko na ng gabi at medyo palubog na ang araw ngunit mas duma dami pa ang mga tao sa palengke. Azriel’s POV "Magkano ho ito?" tanong ko sa babae. Hindi naman ito katandaan. Mga nasa early 30's siguro. "Tatlong rak ang isa, nagbibigay rin ako pag maramihan ,dalawampung rak para sa sampung piraso."saad nito. Medyo may kamahalan ito sa dating presyo pero kaya naman ng pera ko. Papunta na ako sa bilihan ng mga isda ng makita ko sina Maeve at Nyree.Si Maeve at Nyree ang tanging malalapit na kaibigan ko rito sa bayan. Wala naman kasi akong mga kaibigang mga lalaki dahil masyado akong mapag-isa nung bata. Masasabi ko na masyado akong mapag-isa noong bata pa ako at karaniwang nasa atik ngunit nagbago ang lahat nang maging kaibigan ko ang dalawang ito.Dahil sa kanila ay kahit papaano ay natutunan kong makibagay sa mundo. "Ohh...nandito ka rin pala, Az" bati ni Maeve. "Hala wait, bakit yan lang dala mo?" sita naman ni Nyree habang nakatingin sa pagkain. Napatingin naman agad ako sa dala ko. Mga sariwang isda ito at karamihan ay malalaki at tamang laki lamang para mai-ihaw. Ang iba naman ay karne ng mga ligaw na hayop sa labas ng bayan. "Bakit wala kang Shenu?!" naiinis na tanong ni Nyree. Napangiti naman ako sa tanong niya. Paborito niya kasi ang Shenu. Ito ay isang uri ng tinapay na may kakaibang lasa sa loob dahil sa di pangkaraniwang palaman nito. "Ny...mamaya pa ako bibili...marami pa akong dadaanan sa gulayan eh" "Mmm...basta bibili ka ng Shenu ah" nakangusong saad ni Nyree. Napangiti naman ako at inakbayan ang dalawa. "Kayo talaga...samahan niyo na nga lang ako!" "Hahahhaha, Az..nakikiliti leeg ko...hahahah" natatawang saad ni Maeve. "Ehhh...Az...ambahoo!!!bitawan mo ko!!" naiinis naman nasabi ni Nyree. At dahil dito ay mas hinigpitan ko pa ang hawak sa dalawa. Karaniwang mamamayan lang kami sa bayan ng Xiang Xiu Mei at hindi kabilang sa kahit anong Field. Ang Field ay isang grupo ng mga mamamayan na may katungkulan sa bayan. Maaaring kabilang sa fishing field. Karaniwang kasama dito ay mga mangingisda. Pwede rin sa Market field na siya namang nagtitinda sa palengke at marami pang ibang uri ng field. Habang kami naman ay simpleng mamamayan na walang ginagawa ngunit suportado pa rin ng bayan ang pamumuhay. Mas mataas nga lang ang buwis na ibinabayad namin. Ang mga kabilang sa ordinaryong mamamayan ay karaniwang hindi permanente ang trabaho at ang iba ay inuupahan ng mga may mataas na katungkulan sa bayan tulad ng pagiging kasambahay.Nang makarating na kami sa gulayan ay sari-saring gulay naman ang tumambad sa amin.Sa bayan kasi ng Xiang Xiu Mei matatagpuan ang iba't ibang livelihood products ng Three Cities, ang mundong aming ginagalawan. Pagkatapos namin mamili ay nagpunta na kami sa lumang warehouse kung saan marami kaming ala-alang maiiwan. "Hayyy...sa wakas,grabe kapagod!! Kung saan saan tayo napadpad ah...hahaha anong oras na ba?" tanong ni Nyree "Mag alas-syete na ata..."saad naman ni Maeve. "Maeve, paabot naman" tawag ko kay Maeve. May maliit kasi kami na kalan dito na siyang paglulutuan namin.Habang nagluluto ako ay nag uusap naman ang dalawa tungkol sa pagdating ng viszer. "Oo nga eh..." "Ikaw Az ! sa tingin mo, ano itsura ng viszer? Di ko pa nakikita yun eh" tanong ni Nyree. "Curious ka noh?"pabalik na tanong ko. "Medyo...sabi kasi ni Hynu, kasing edaran niya lang ang bagong viszer...ibig sabihin dalawang taon lang tanda sa akin nun" paliwanag ni Nyree. "Hahaha, sabihin mo baka gwapo?" tukso naman rito ni Maeve. "Uy hindi noh! " defensive na sagot nito. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Bihira ko nalang makita ang dalawa na mag usap nitong mga nakaraang araw dahil sa nagtatrabaho ang mga ito sa magkaibang bahay. "Nga pala Az...bukas na ang alis mo noh?"malungkot na tanong ni Maeve habang nakayuko. "Hmmm" saad ko saka tumango. Napansin ko naman ang pagyuko rin ni Nyree. Alam kong nalulungkot ang dalawang ito lalo na si Maeve dahil sa mahigpit na pagkuyom nito.Maya maya pa ang nagsalita si Nyree "Di ba pwede next time na lang...sasama kami eh" pakiusap nito habang pilit na pinipigilan ang pag agos ng luha. Lumapit ako sa kanila at niyakap si Nyree. Sa aming tatlo kasi ay mas bata si Nyree at siya ang bunso namin. Habang si Maeve naman ay mas bata sa akin ng isang taon. "Sabi nang walang magda drama ngayon eh!" saad ko saka hinaplos ang likod nito upang aluin. Ngunit kumalas agad ito at pasimpleng nagpunas ng luha. "H...Hindi naman kasi ako nagdadrama eh!" tangi pa nito. Napangiti ako dahil dito. Matagal na kaming magkakaibigan at halos walang oras na di nila ako iniwan lalo na nung mga bata pa kami. Ngunit ngayon ay dumating na ang araw na iiwan ko sila at imposibleng makabalik pa. Marahil nakatadhana na makabalik pa ako kung mangyayari pa ito kaya naman sobra silang natatakot na baka hindi na kami magkita kita pa. " Andaya mo! palibhasa pwede ka nang makalabas ng bayan ay mang iiwan ka na..."sumbat naman ni Maeve. Hindi ko kita ang mukha niya pero napansin ko ang luha sa mata niya. Ayoko sa lahat na makita silang naiiyak pero heto ako at pinapaiyak sila.Lalapit na sana ako sa direksyon ni Maeve ngunit bigla itong tumayo sa pagkakaupo at dumiretso sa kinauupuan ko kanina at ipinagpatuloy ang pagluluto. "Dahil dyan, kailangan mong siguraduhin na mabubusog kami ngayon!!" matigas na sabi ni Maeve. "Oo nga...dapat mas marami ipapalamon mo sa amin ngayon, dapat mas masarap din" pagsang-ayon ni Nyree rito saka lumapit kay Maeve at nagpunas ng luha. "Sige" nakangiting pagsang-ayon ko sabay ipinagpatuloy ang pagluluto. Kahit na gustuhin ko man na isama ang mga ito ay wala kaming magagawa. Wala pa sila sa tamang edad upang makalabas ng bayan. Tanging 18 yrs. old lamang kasi pataas ang pinapayagan na makaalis sa lugar. Bukod pa doon ay mahigpit rin ang pag che-check ng mga identity card bago ka lumabas ng bayan kaya naman hindi ka kaagad makakaalis. Xiang Xiu Mei ang bayan kung saan kami lumaki. Kilala ito sa tawag na “The City of Living”. Ito ay dahil sa mas advance ang bayan namin pagdating sa livelihood. Marahil hindi kami nakatira sa Hiamovi, ang kapital ng bayang ito, makikita pa rin sa mga karatig na lugar nito na sakop pa rin ng bayan ang mga sari saring hanapbuhay na karaniwang pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa Three Cities. Ang Three Cities ang tawag sa mundong aming ginagalawan. Pinaniniwalaan kasi na walang katapusan ang mundong ito ngunit tanging tatlong bayan lamang ang makikita. Mapapansin rin sa mapa na puros karagatan lamang ang pumapalibot sa buong mundo at ang tatlong lupain lamang ang mayroon dito. Bukod sa Xiang Xiu Mei, ang Ezben ay isa rin sa mga bayan na bumubuo sa Three Cities. Ito naman ay kilala sa tawag na "The lost City". Walang nakakaalam sa tunay na dahilan kung bakit ito ang pangalan ng bayan. Ngunit ayon sa ilang matatanda ay dahil daw ito sa halos wala kang makikita na tao sa bayan na ito kundi ang mga manggagamot na tila ba'y mga albularyo. At sa Enver, ang kapital nito naman makikita ang palitan ng mga produktong medisina sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karamihan sa mga pumupunta dito ay mga matatanda na nais mag aral ng medisina. Bihira lang din ang mga batang nagnanais na pumunta dito sapagkat ito daw ay sagradong lugar at di maaaring puntahan ng mga kagaya ko.Wala rin naman akong balak na pumunta dito dahil na rin sa wala naman akong dahilan para puntahan ko ito. At ang panghuling bayan naman ay ang Central Phyllis. Ito ang itinuturing "The Lighted City". Ito ay dahil sa, dito matatagpuan ang Lighted Torch, ang sulo ng kapangyarihan. Sa lahat ng bayan sa mundo, ay nasa kanila ang mga teknolohiya na ginagamit upang mas umunlad ang mundong ito. Makikita rin dito ang tahanan ng mga taong may mataas na katungkulan kaya naman napakahigpit ng seguridad sa bayang ito. "Ano kaya itsura ng Central Phyllis noh?" tanong ni Nyree. "Hmm, oo nga...buti pa si Az makikita na niya bukas" sagot naman ni Maeve habang pareho silang nakahiga at nakatingin sa langit Ito na ata ang pinakamasayang gabi sa buong buhay ko. Kasama ko silang dalawa at ang pangarap ko noon ay unti unti ko nang makakamit. Tumabi ako sa kanila at humiga sa tabi ni Maeve. "Sa susunod na taon, pumunta rin kayo doon at pag magkikita kita tayo ...at kakain uli tayo ng Shenu" saad ko sa kanila habang nakangiti. "Oo nga!! kaya dapat makita ka namin dun..." saad ni Nyree. Ngunit may napansin ako… "Paano pala yan? sa susunod na taon ay pwede na pumunta si Maeve sa Central Phyllis, edi...maiiwan ka?" Kaunting katahimikan ang namayani sa amin. 16 years old pa lang kasi siya kaya naman dalawang taon pa ang hihintayin niya bago makaalis ng bayan. "Ehhhh???" di makapaniwalang angil ni Nyree "Hahahahaha... maiiwan ka pala Nyree eh ...hanapin mo na lang rin ako ah hahahaha" natatawang asar sa kanya ni Maeve.. Di naman mapigilan ni Nyree at patuloy na siya sa paghampas kay Maeve. "Ehhh, sabay na tayo!...hindi ka pwede umalis next year!!! pag 18 na ko." pamimilit ni Nyree kay Maeve habang mahinang hinahampas ang kasama. Tawa lang din ang naisukli ni Maeve at napasabay na rin ako. Maya maya pa ay kumislap ang liwanag sa gitna ng langit. Nagbigay ito ng kakaibang tanawin sa aming mga paningin. Iba't ibang kulay ng glowing star fire ng nagbigay kulay sa kalangitan. "Grabe talaga noh...ang ganda talaga ng star fire..." komento ni Nyree dito. "Mas maganda ka dyan Ny" biro naman ni Maeve . "Ehh... hahahahah...alam ko yun di mo na kailangan sabihin... hahahah" pagsakay naman na biro ni Nyree. "Kaso mas maganda ako sayo" patuloy ni Maeve. "Ehh...ano mas maganda ka sakin??? Hindi kaya.??!! Az!! Sino mas maganda sa’min?" "Si Maeve" diretsong saad ko. Di ko napag isipan ng maayos ang sagot ko kaya nagulat rin ako. Maging silang dalawa ay nagulat sa sinabi ko. "Eh?..." "Teka...may gusto ka ba kay Maeve?" tanong ni Nyree habang naka taas ang kilay nito. "Hi...hindi yun ang ibig kong sabihin..." Pinilit kong alisin nila sa isip nila ang ideyang ito at mariing nagpaliwanag. "Ahh...eh...ang ibig kong sabihin...eh kasi si Maeve matured na...ikaw childish ka pa rin"palusot ko. Mukhang naniwala naman ng dalawa kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag. Haist.. "Teka!!! tingnan niyo oh..." turo ni Nyree sa isang malaking glowing star fire. Sabay silang tumayo kaya iniwan akong nakahiga sa sahig. Tumakbo sila palapit sa mas malapit lugar para mas makita ng maayos ang star fire. Naupo naman ako at dahan dahan na tumayo para sumunod sa kanila. Habang nanonood ang dalawa ay di ko maiwasan na mapatingin sa kanila. Maaaring magkita pa kami sa susunod na taon ngunit mas malaki ang posibilidad na wala na ako sa oras na iyon.Pagkatapos ng munting palabas na ito ay nagpatuloy kami sa pagkain dahil may mga natira pa naman na inihaw na isda at karne. Naisipan rin namin na dito na magpalipas ng gabi upang sulitin ang bawat segundo na magkakasama kami. Di naman nag paawat si Nyree at talagang nagdala pa ng sariling softie bed. Habang nag-aayos ng higaan ang dalawa ay nakatanaw ako sa labas at nagmumuni muni nang biglang lumapit sa akin si Maeve. "Tuloy ka na talaga?"tanong nito ngunit sa langit pa rin ito nakatingin. "Hmm..." saka tumango. "I wish you goodluck..."sabi nito saka tumingin sa akin. "Salamat..." "Siguraduhin mo na ligtas ka roon at kung ano man ang gagawin mo, please...mag ingat ka" paalala nito Nakayuko lang siya kaya malaya kong nakikita ang pagtulo ng luha niya. I'm sorry Maeve, but I have to do this. I need to do this to get the justice we deserve.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.6K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.8K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook