Umagang umaga at unti-unti ng sumisilay ang liwanag na dala ng araw. Pasado alas-singko na ng umaga at nakapag desisyon na siya na mag ayos at ihahatid nila ang binata sa train station.
"Hindi na kaya magbabago ang isip ni Azriel?" tanong ni Nyree.
"Hindi ko alam, Nyree,sa ngayon tanging misyon niya lang ang iniisip niya at kahit anong mangyari ay wala tayong magagawa," sagot ni Maeve habang abala sa pag iimpake ng mga sapatos ni Azriel.
Sa kabilang banda naman ay nakatulala si Azriel sa kalangitan.Habang nagmumuni muni ay iniisip na niya ang tagumpay na hinaha hangad sa kanyang pagpunta sa Central Phyllis.Dahan-dahan niyang inilibot ang mata sa mga gamit niya dito sa bahay nila. Madaling araw kanina ng umuwi na sila galing sa lumang warehouse at dito na nag abang na sumikat ang haring araw.
Mula sa mga upuan na halos ilang taon na ang kapakinabangan at marahil ay nagmula pa sa kanyang kanuno-nunuan, kung saan ay palagi siyang naupo hanggang sa mga bagong lamesa na napanalunan niya lamang kamakailan sa isang paligsahan na ginagamit niya sa tuwing magluluto siya.Lahat ng ito na may ala alang maiiwan sa kanya ngunit hindi niya alam kung muli niya itong mau upuan at maga gamit sa pagluluto ng paboritong inihaw na manok tulad ng dati.
Nakita niya rin ang isang baunan. Marahil para sa iba ay simpleng baunan lamang ito ngunit para sa kanya ay napaka importante nito dahil sa ibinigay ito sa kanya ng kanyang lola.
"Azriel!! malapit na mag alas nuwebe," paalala sa kanya ni Maeve.
Napalingon siya sa dalaga ngunit nakatungo lamang ito at tila ba’y nalulungkot. Hindi naman na siya nag aksaya ng segundo at inayos na ang sarili.
"Kahit ano man ang mangyari ay hindi ko kayang ipagpaliban ang pagkakataon na ito kung kaya't hindi maaaring mag aksaya pa ako ng kahit isang segundo!" saad nito sa sarili at lumabas na sa kwarto na iyon.
Nilagpasan niya na si Maeve at naglakad papunta sa mga gamit niya. Pagkatapos ng halos kalahating oras na paglalakad ay nakarating na sila train station.
"Magi ingat ka doon Azriel...aasahan namin na magtagumpay ka at sana makita ka pa namin dun..." saad ni Maeve.
"Oo nga...ililibre mo pa kami ng Shenu..."natatawang sabi naman ni Nyree habang pinipigilan ang pag iyak.
Lumapit naman siya sa dalawa at sabay na niyakap. Nasa kanang braso niya si Maeve habang sa kaliwa si Nyree na di na mapigilan umiyak.Mas naging mahigpit ang kanyang pag yakap nang sabay na umiyak ang dalawa.
"Nakakainis ka!!"
"Shhh...pangako, babalik ako at sa oras na yun...kakain tayong tatlo ng isang sakong Shenu."
"Siguraduhin mo lang...pero wag mo kalimutan magdala ng mas maraming pasalubong ah" paalala ni Nyree.
"Sige" sabi niya sabay ngiti sa dalawa.
"Station 5A is ready to depart in 5 minutes... please be ready...again...Station 5A is ready to depart in 5 minutes...please be ready" paulit ulit na announcement sa train station.
"Sige na, malapit na kami..."
Ngumiti na lang ang dalawa at naglakad na lamang ito palayo at nakita ang huling ngiti nila. Habang naglalakad palayo ay hindi ko maiwasan na tumulo ang luha. Marahil ay dahil sa walang katiyakan na makikita ko pa sila muli.
"I'll miss you...Maeve...Nyree..." saad niya sa sarili.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbukas na ang pinto ng tren. Hindi tulad ng mga panghimpapawid sa lugar namin, ang tren na papunta sa Central Phyllis ay mas moderno ang disenyo. Nasa itaas ang lahat ng makina nito na tila'y nalutang ka kung titignan mula sa bintana ng tren.Pagkatapos niyang umupo sa upuan ay napansin niya ang lahat ng gamit rito.
Hindi katulad ng mga ordinaryong tren na walang lalagyan ng mga gamit doon, bagkus ang lagayan nito ay isang storage room at kinokolekta ito bago pumasok sa loob. Tanging sarili mo lang kasi ang pwede mong dalhin sa loob ng tren.
Habang naghahanda pa sa pag andar ng tren at nakita niya ang dalawang kaibigan na walang tigil sa pag iyak. Habang si Maeve naman ay pinipilit na magpakatatag para kay Nyree. Hanggang sa unti unti nang umandar ang tren at sa huling sandali ay nakita niya ang dalawa na kumaway sa direksyon niya kahit na hindi naman alam ng dalawa kung nasaan siya dahil sa hindi naman nakikita ang mga pasahero mula sa labas ng tren. Nagkataon lang na malapit sa direksyon niya ang kinakawayan ng dalawa.Napangiti siya rito at kahit di siya nakikita ay kinawayan niya rin ito pabalik.
Hanggang sa nawala na sa kanyang paningin ang dalawa.Naglabas siya ng malalim na buntong hininga.
"I guess this is it..." umarko ang ngiti sa kanyang mga labi
Ito na ang araw na halos isang dekada niyang pinangarap at pinaghandaan. Ito ang araw na pinangarap niya na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang lola
Flashback:
"Oo naman apo...masaya si Lola kahit anong gustuhin mo, basta tandaan mo lang na ang lahat ng gagawin mo ay dapat na angkop sa lahat ng aspekto ng buhay..."
Tumango at ninanamnam ko ang lahat ng sinabi ng Lola ko. Mula nang ipinanganak ako, ay siya lang ang kasama ko dahil namatay daw ang aking ama bago pa ako isilang at sumunod naman ang aking ina ng maisilang ako nito. Nung una ay sinisi ko ang sarili dahil kung hindi nalang sana ako ipinanganak ay hindi sana namatay ang aking ina. Edi sana ay hindi nalulungkot si lola sa tuwing sasapit ang kaarawan ng anak na babae.
Ngunit sinabi sakin ni lola na walang may kasalanan. Lahat ng tao ay mamamatay hindi man ngayon ngunit maaaring bukas o sa susunod na bukas. At ang pagkawala ng isang tao sa buhay mo ay maaaring magdala ng ibang tao para sa iyo..Dagdag pa niya, ay marahil ang dahilan ng pagkawala ng kanyang anak ay para makasama ko siya at siya ang mag alaga sa akin.
Simula noon ay talagang minahal ko ng husto ang lola ko. Hindi ako nagpapa saway sa kanya at tinutulungan ko siyang mag ani ng bigas sa palayan namin. Hinihilot ko rin ang katawan niya sa tuwing napapagod siya at ipinag luluto siya ng mainit na sabaw ng baboy.
Hanggang sa isang araw…
"Ako na po ‘La..." saad ko kay lola sabay lumabas ng kubo.
Magluluto kami ngayon ng paborito niyang ginataan at kailangan kong kumuha ng maraming kamote dahil paborito niya ito.
Masaya akong naglalakad papunta sa kabilang kubo at kumuha ng maraming kamote hanggang sa mapuno ko ang isang lagayan nito.
Pasipol sipol pa akong naglalakad pabalik ngunit sa aking pagpasok sa loob ng kubo ay nakahigang matanda na ang aking nakita.Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung nakatulog si lola o ano. Kaya naman pumasok ako ngunit hindi pa man nakasasampa ang paa ko sa kubo ay may narinig akong boses ng isang lalaki.
"Tapos na..."
"Sige balik na agad sa underground"
Yun lang ang narinig ko at hindi na ito nasundan pa. Lumapit ako kay lola ngunit isang malamig na bangkay na pala ito.
"La?Lola!!. gising!!"
Pinilit ko pa itong gisingin ngunit kinabukasan ay sinabing patay na raw ito. Hindi ko talaga alam kung anong ikinamatay niya pero sabi sa akin ng mga nakakatanda ay hindi naman daw kailangan ng dahilan para mamatay ang isang tao. Mamamatay ang tao kung nakatadhana na itong mamatay.
Simula noon ay hindi ako lumabas ng bahay at nagmumukmok na lang ako sa silid ko sa atik kung saan kami palagi naglalaro ni lola dati.
Maging ang ina ni Maeve ay bigla na lang din itong namatay sa hindi malaman na dahilan, ngunit naniniwala ako na may pumatay rito katulad nang nangyari sa Lola ko. Hindi ko gustong pag usapan ang isang bagay kapag pilit itong kinakalimutan ng tao kaya hindi ko na ito sinabi kay Maeve. Kaya ako na lang mismo ang hahanap sa taong pumatay sa mahal namin sa buhay.
At iyon ang dahilan kung bakit pupunta ako sa Central Phyllis.Para makapag higante at mahanap ang taong pumatay sa magulang ni Maeve at ni Lola.
********
"Haist...pagod!" angil ng katabi ko.
Hindi ko na napansin na may umupo pala sa tabi ko dahil sa lalim ng iniisip ko. Nakatingin lang ako sa kanya at halata nga sa kanyang mukha ang sobrang pagkapagod dahil sa mga butil ng pawis na natulo sa kanyang mukha.
"Hi!" bati nito.
Hindi agad ako nakasagot. Marahil ay napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
" Bago ka sa Central Phyllis noh?"
Nagulat ako sa sinagot niya. Marahil unang beses ko palang pumunta sa Central Phyllis, ngunit paano niya ito nalaman?
"Paano mo nalaman?"
"Hmm, base sa itsura mo...Sa tingin ko ay 18 years old ka palang, kaya naman siguradong unang beses mo talaga makalabas ng bayan...pangalawa ay hindi pamilyar ang mukha mo eh" saad nito habang nag-aayos ng sarili.
"Ahh..."
"Nga pala...Jing...Jing Quo..." pakilala nito sa sarili habang nakalahad ang palad.
"Tawagin mo nalang akong Azriel..." sagot naman niya saka tinanggap ang kamay nito.
"Nga pala...bakit gusto mo pumunta ng Central?" tanong nito saka ipinagpatuloy ang pagpunas sa pawis nito.
"Personal reason" simpleng saad niya.
"Ahh..." sagot rin nito.
"Ikaw?"balik na tanong ni Az.
" Ako? wala naman nasanay lang siguro ako na pabalik pabalik dun nung bata pa ako.."
Napatango na lang ako. Marahil bihasa na rin si Jing sa mga bagay dito sa Central. Wala naman siguro masamang magtanong hindi ba?
"Amm...Jing? ano...ano ba itsura ng Central?" inosenteng tanong ko.
Natawa naman ito sa tanong ko.
"Hahaha...mahirap sabihin eh... pero ikaw na magsabi pag nakarating na tayo dun" nakangiting saad nito.
"Pero amm..."
Hindi niya masabi ng diretso ang nais niyang itanong dahil baka magkaroon ng ideya ang kausap tungkol sa pakay niya.
"Ahhh! ayun..."
Kinabahan siya sa tinuran ng kausap pero hindi siya nag halata na kinabahan siya.
"Syempre...maraming magagandang dilag dun...balak ko nga dun na mag asawa eh.."natatawang saad ni Jing.
Mabuti naman at iba ang nasa isip niya kaysa sa totoong pakay ko. Haist…
Nagpatuloy sa pagkukwento si Jing tungkol sa iba't ibang bagay hanggang sa napansin ko ang hawak nitong cellphone…
"A...ano yan?"tanong nito habang tinuturo ang cellphone niya.
"Ah eto, regalo sakin ng ka kilala ko sa Central Phyllis noong nakaraang taon,.."
"Ahh..."
Isang cellphone ito pero sa unang tingin ay hindi mo aakalain na cellphone nga ito. Ito ang modernong teknolohiya sa Xiang Xiu Mei na halos mga may kayang pamilya lamang ang may kakayahang bumili.
Sa unang tingin, ito ay isang bilog na pindutan at sa oras na mapindot ito ay lalabas ang isang sensor na magsasabi kung ang may-ari mismo ang may hawak o ninakaw lamang ito. Sa oras na binili mo kasi ito ay specialize ang designed na ito na tanging ikaw lang ang makakabukas. Ngunit hindi tulad ng passwords sa mobile phones, kahit ang may ari ay hindi alam kung bakit nila ito nabubuksan. Tanging ang program lang ng phone na ito ang naka-designed na para sa totoong may ari nito.
Bukod sa system of security nito ay mapapansin rin na isang transparent phone ito na walang makikitang kahit anong piyesa.
"Nakakamangha ano?" tanong ni Jing sa kanya
"Maging ako sa humanga nung una dahil sa kagandahan nito, pero pasalamat nalang ako sa kakilala kong iyon at niregaluhan niya ako ng ganitong bagay"nakangiting saad nito.
"H..hindi ba siya nanghihinayang? tiyak na mas mahal pa iyan kaysa sa isang milyong rak "komento ko.
"Hindi mo aakalain pero hindi lang ito ang nakakamanghang bagay ang makikita mo sa Central at kung iniisip mo na masyadong cool ang bagay na ito..."saka ipinakita ang cellphone.
"Mas may latest cellphone design pa na naimbento ngayon. Pero ang alam ko ay tanging mga nakakataas lang ang nakakagamit noon. Maging mga punong ministro ay hindi pa nakakagamit nun eh," saad ni Jing.
Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko akalain na sobrang taas pala ng antas ng teknolohiya dito sa Central. Kahit hindi pa kami nakakarating ay ramdam ko na ang nagtataasang gusali na maaari naming makita doon.
Hanggang sa hindi na nga nagtagal at dumating na ang tren sa huling destinasyon nito.
"Station 5A please be ready, we are now approaching Station 5B.... again, Station 5A please be ready, we are now approaching Station 5B...Thank you" saad muli ng boses na narinig namin kanina.
Sabay kaming napa silip sa bintana at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Parang nasa isang paraiso kami at tila ba ay isang lugar na hinding hindi ko naisip na magiging itsura ng Central.
"Ibang mundo...para tayong nasa ibang mundo"mahinang saad ko sa sarili.
Mula sa sobrang taas na mga gusali at transparent nitong pader hanggang sa mga sasakyang nagliliparan sa himpapawid ay talagang nakakahanga na. Hindi tulad ng aming bayan na karaniwang mga hayop ang makikita, puros teknolohiya naman ang narito dahil sa halos puro makina ang nagpapagalaw ng bayang ito.
Hindi na siguro dapat pa magtaka dahil sa kadahilanang ang Central Phyllis ay tahanan ng may mataas na katungkulan na siyang itinuturing na "The Lighted City". Makikita rin sa pinaka gitna ng bayan ang dambuhalang Lighted Torch, ang sulo ng kapangyarihan.
Nang huminto na ang tren ay isang boses ang nagpatayo sa akin.
"Station 5A passengers, please proceed to the examination terminal thank you...again..Station 5A passengers, please proceed to the examination terminal thank you..."muling saad nito.
Eto na ata ang sinasabi nilang primary examination at validation sa identity ng isang tao bago makapasok sa Central Phyllis.
Ang Examination Terminal.