Makalipas ang halos tatlong oras ay nakarating na nga kami sa Central Phyllis. Dahil sa kakaibang tren na ito na kayang tumakbo ng halos ilang libong milya sa loob lamang ng ilang oras ay mas napa bilis ang byahe namin. Ito na rin ata ang isa sa mga advance technology sa Central.
Pero mas nakakagulat pa rin pala kung nandito na sa loob ng bayan. Hindi ko alam kung paano mate-take ang mga nagtataasang at nagbo bonggahan na techs dito pero hindi rin nagtagal ay pinapunta kami sa examination terminal.
Habang naghihintay ay iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Mula sa kakilakilabot na gusali na halos umabot sa langit hanggang sa nagliliparang sasakyan na tila'y maliliit na eroplano.Bukod sa mga ito ay makikita rin ang mga awtomatikong sasakyan tulad ng electric flying taxi na sa tingin ko ay kayang mag sakay ng halos 3-6 na pasahero bawat isa. Sa sobrang bilis nito na tumakbo ay parang nililipad tin ang kaluluwa mo tuwing lumilipad habang nakasakay ka.
Kapansin pansin rin ang kakaibang mga robots na siyang nagbabantay sa loob ng examination terminal.Marahil tama nga ang mga naririnig ko tungkol sa bayan na ito, masyado itong pinagpala ng higpit sa seguridad.
Sa bandang kanan naman ay ang waiting area ng mga papasok palang sa examination terminal. Habang nag aantay na matawag ang mga pangalan namin ay kinalabit ako ni Jing Quo sa braso.
"Pstt..."
Tumingin ako sa kanya at nagulat ako sa dugo na umaagos mula kanyang ilong. Hindi ko alam ang dapat gawin pero walang mababakas na pagkabahala sa mukha niya kundi ang isang pilit na ngiti lamang
"U...uy, b-bakit?" Hinawakan ko pa ang braso nito upang makatayo ng maayos pero nagulat ako nang hindi niya ito tanggapin bagkus ay tumayo na parang walang nangyari.
"N-Nadugo ang ilong mo…" alalang saad ko sa kanya.
"Alam ko," mahinahon niyang tugon saka pinunasan ang ilong gamit ang kamay. Di niya inalintana na madumihan ang kanyang damit dahil sa pagpahid niya ng dugo galing sa kamay na may dugo at tila labis pa itong nagalak sa nangyayari.
"Bakit dumugo ang ilong mo?" tanong ko uli sa kanya na halos ipinagwalang bahala niya lang.
Maya maya pa ay inikot niya ang paningin sa loob ng examination terminal at nakita ko ang ilang tao na nagdudugo rin ang mga ilong. Hindi ko alam kung normal lang ito dahil hindi naman sa akin ito nangyayari o baka naman nagkataon lang na may mga sakit sila. Hindi naglaon ay nagsalita na rin si Jing.
"Waves," umpisa nito.
"Ang mga bagong teknolohiya dito sa Central Phyllis ay naglalabas ng mga malalakas na waves sa system nila. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit kailangang magdugo ang ilong namin pero base sa mga basic terms na itinuro sa akin, ay masyadong harmful ang mga inilalabas na waves ng mga technology pero hina hayaan lamang nila ito. Sa totoo lang ay mas itinataguyod ito ng hierarchy o ng gobyerno para mapataas ang antas ng teknolohiya sa bayan. " mahabang paliwanag nito.
Hindi ko alam ang dapat kong isagot dahil sa hindi ko naman alam kung paano at ano ang gagawin. Aaminin ko na nakakamangha ang mga teknolohiyang makikita sa bayan na ito ngunit hindi ko alam na aabot sa puntong maaaring makaapekto sa tao ang mga ito.
"Hindi na ako nasanay...ha.ha.ha" sarkastikong tugon nito sa sarili na sapat na para marinig ko.
"Na-Nakakamatay ba ‘yun?" wala sa sariling tanong ko.
Dahil kung ang simpleng pagdugo ng ilong ay maaaring humantong sa pagkamatay, nangangahulugan lamang ito na mas masahol pa ang hierarchy kaysa sa inaakala ko.
"H-Hindi ko rin alam...lahat naman tayo namamatay...magtataka ka pa ba? Isa pa ay, ang hierarchy rin ang magsasabi kung ano ang ikinamatay mo at duda ako na sasabihin nila ng dahil iyon sa waves na pinapalabas ng techs nila."
Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento ng mga teknolohiyang may mas malakas na waves. Isa rito ang mga holograms. Kaya kaunti lang ang mga nandito. Ang holograms na ito ay hindi ko tulad ng mga holograms na makikita sa bayan ng Xiang Xiu Mei na karaniwang pagmamay ari ng mga may kayang pamilya.. Ang holograms na ito ay may mas mataas na kalidad at kakikitaan ng mas malaking potensyal na magamit kahit saang bagay.
Kung noon ay mga simpleng holograms lang ang meron, ngayon ay mas dine-develop ito at ginamitan ng harmful waves.
"Hindi ko alam na tatablan parin ako nito kahit halos limang taon na ng huli akong pumunta dito. Marahil, hindi na talaga ako magiging malakas." malungkot na saad nito.
"Malakas?"
"Hmm, karamihan sa mga naapektuhan nito ay ang mga may mahinang pangangatawan, katulad ko. Halos ilang taon na ako nagpapa balik balik sa iba't ibang bayan, at hindi pa rin ako nasanay sa ganito..." nakangiting saad nito.
Kahit na pilit lang ang mga ngiting iyon ay kita ko parin na hindi maganda ang mga unang karanasan niya sa terminal na ito.
Pero, teka…
"Jing, maaari ko bang tanungin k-"
"Azriel ng 5A" malakas na saad ng mikropono.
Nais ko pa sana siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi na maaari dahil sa kailangan ko nang pumunta sa loob.Hindi naman na nagtagal ang paglabas ng nauna sakin ay pinapasok narin ako.Habang nasa loob ay simpleng lamination ng card ang nakikita ko. Isang 3D printer ang nasa harap na ino-operate ng isang humanoid robot.
Napansin ko rin ang ilang staff na nakasuot ng overprotective wear dahil sa sobrang init sa loob nito. May nakalagay na "Stay Out" na signage malapit sa humanoid robot dahil sa sobrang lakas na waves na naidudulot nito.
Pagkatapos makuha ang card ay pinadiretso ako sa isang quarantine area na kung saan ayon kay Jing kanina, doon vineverify ang pagkatao ng isang passenger.
Habang naghihintay sa loob ng madilim na kwartong ito ay napansin ko ang mga malaking salamin na nakalagay palibot nito. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at inilabas nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay 30 + na.
Hindi rin nagtagal ang lalaki sa loob at lumabas rin agad. Magsasalita na sana ako dahil hindi ko alam ang gagawin ng biglang isara na niya ang pinto kasabay ng pagsasalita ng isang babae sa mikropono. Kahit na hindi ko makita kung nasaan ang pinanggagalingan ng boses na ito ay tumingin pa rin ako sa mga salamin na maaaring nakakonekta sa camera ng babae.
*****
"Yes sir...we verified it sir..." mariing saad ko sa hologram sa harap ko.
"Okay, start mo na ang interview..."
Lumapit na agad ako sa mic at nagsalita.
"Mr. Azriel Lei" saad ko upang matawag ang kanyang atensyon.
Napalingon naman ang lalaking ito sa maling direksyon ngunit ipinagpatuloy ko lang ang pagtatanong.
"Do you have any family back in Xiang Xiu Mei?"
"Opo, ang aking mga pinsan..." saad nito.
"How about your parents?"
"Namatay ang aking ina nang ipinanganak ako at namatay rin ang ama ko pagkatapos mawala ng aking ina...magkasunuran lang sila"
"Do you have any relation to this woman?"
Saka ipinakita sa screen ang litrato na tinutukoy ko.
Napailing naman siya at tila nagtataka kung sino ang taong iyon.
" Hindi ko siya kilala at never ko pang nakita ang ganyang babae"inosenteng saad niya.
Nagulat ako sa mga sagot niya. Sigurado akong may kaugnayan siya sa matandang Lei ngunit wala akong magagawa kundi ang sumunod sa mga patakaran. Mas may tsansa sana akong mapatunayan ito kung ang lahat ng impormasyong hawak ko ay magkaugnay ugnay.
Pagkatapos ng interview na ito ay tinawag na ang kasunod. Marahil ang tanging magagawa ko na lang ay magmatyag sa taong ito.
*******
Azriel POV
Hindi rin nagtagal ang pag interview ay natapos na rin. Hindi ko alam na sa dinami dami ng pasahero sa tren kanina ay ganun parin kahigpit ang seguridad nila.
Isa lang naman ako sa libo libong pasahero kanina pero nakuha nilang makuha ang litrato ng lola ko. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng nagsasalita kanina dahil hindi ko naman siya nakikita at tanging boses niya lang ang sinusundan ko pero ramdam ko na naghihinala siya sa akin. Mabuti nalang at nasagot ko ito ng maayos.
At tungkol naman sa family history ko, ay sinadya kong palitan ang mga impormasyong ipinasa ko. Tulad ng inaasahan, hindi nagtugma ang mga impormasyong hawak nila kaya wala silang nakitang butas sakin. Buti na lang rin ay pinalitan ni Maeve ang lugar ng kapanganakan ko dahil kung hindi ay baka hindi gumana ang plano kong ito.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Jing Quo.Nakapamulsa ito dala ang isang malaking bag pack sa likuran. Hindi naman ganun karami ang tao sa building na ito at sapat lang upang makahinga ng maayos. Nang makalapit ako sa binata ay agad ako nito binati saka umakbay sa’kin.
"Oyy..." masayang bati nito sa akin saka ako nilapitan at inakbayan.
Sinuklian ko na lang siya ng ngiti at siya naman ay panay akbay sa akin.
"Tapos na identity check mo?"tanong nito
"Oo...katatapos lang kanina"
"Ahh...ako kalalabas ko lang rin."
Nag-umpisa na kami sa paglalakad papunta isang food chain dito sa building. Bihira lang ang mga food chain sa panahon ngayon lalo pa at nasa Central Phyllis kami pero karamihan ay mas gusto ang mga pagkain sa food chain kaysa sa mga pagkain sa mga automated na restaurant. Hindi pa ako nakakapasok sa mga ganun ka espesyal na resto pero naririnig ko ito ng madalas noon sa mga kapitbahay namin na nakaranas ng kumain sa mga ganoong kainan.
Gusto ko sanang itanong ang nais kong itanong kanina pero hindi ako makakuha ng tamang timing para rito. Kaya naman iniba ko nalang ang tanong ko.
"Jing Quo-"
"Jing nalang..."saad nito sabay ngiti at kumain ng pagkain niya
"Ah, Jing...alam mo ba kung nasaan ang Great Castle at paano makapunta doon?"
Sandaling napahinto sa pagnguya si Jing.Hindi parin naman siya nalingon sa akin pero alam kong pinakikiramdaman niya lamang ako.
"Great Castle? Bakit?" takang tanong nito.
"Ahh...wala lang...naririnig ko lang naman yun nung bata pa ako kaya medyo nacurious ako" pagsisinungaling ko.
Ayoko man magsinungaling sa kanya pero hindi rin naman pwedeng sabihin sa kanya ang tunay kong layunin. Bukod sa maaari siyang maging sagabal, ay maaari rin siyang madamay sa gulong sisimulan ko.
Maya maya pa ay bigla itong nakabawi at humarap sa direksyon ko. Iniharap niya pa sa akin ang kanang daliri niya na may malapot na sauce sa gilid.
"Oo naman...alam ko yun..ilang taon na ko dito..syempre naman" mayabang na sagot nito saka sinipsip ang natitirang sauce sa daliri.
"Talaga? Paano?"
"Ummm...umakyat ka sa langit...hahaha" natatawang saad nito.
Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan o sadyang nagbibiro lamang ito.
"Hahaha...biro lang...pero sa totoo lang kung balak mong pumunta sa Great Castle, magpakamatay ka muna...kasi IMPOSIMPLENG makapunta ang mga gaya natin dun" saad nito na binigyang diin ang salitang "Imposible"
.
"Bakit naman?"
"Eh bakit ba kamo? dahil sa hagdan na ‘yun...nakikita mo ang mataas na building na yan?" saka niya itinuro ang pinakamataas na building na hindi na makikita ang taas dahil natatakpan ito ng ulap.
"Yan ang hagdan...pero wag ka, wala pa ‘yan sa kalahati...wala pa akong kilala na nakaakyat diyan at hindi rin naman ikaw paparaanin ng mga house guards dyan." simpleng saad nito saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"At!! kung balak mong umakyat dyan gamit ang sasakyan, pwede rin naman...pero eto, sisiguraduhin ko sayo na wala ka pa sa 1/4 ng hagdan na yan ay patay ka na...libo libong house guards naka-duty dyan 24/7!" dagdag pa nito.
"Pero...pwede rin naman maging posible ang imposible hindi ba?" tanong ko rito.
Ang pagpunta ko rito sa Central Phyllis ay napaka imposible dahil sa antas ng buhay namin sa Xiang Xiu Mei pero nagawa ko parin at naging posible.
Natahimik siya at pinag patuloy nalang ang pagkain.
Pero kung totoo nga ang sinasabi ni Jing, isa lang ang ibig sabihin nito. Mahabang panahon pa ang igu-gugol ko para makahanap ng paraan para makapunta sa Great Castle. Aaminin ko na isa lang ang layunin ko sa pagpunta dito at simula't sapol palang ay alam kong mababa ang tsansa na manalo ako, pero wala akong pakialam. Ang nais ko lang ay sumubok dahil walang masamang sumubok at sa bawat subok ko, sisiguraduhin kong unti unti kong mapapabagsak ang hierarchy.