Azriel's PoV Tahimik lamang kaming naglalakad habang nauuna si Jing. Nakayuko lang din si Vera habang naglalakad. Maya maya ay biglang nagsalita ang dalaga. "Umm... Jing...Az," tawag nito sa amin. Agad akong napatingin sa kanya habang napahinto naman sa paglalakad ang isa. "Hmm?" "Sa tingin ko...ka-kailangan natin pag-usapan ang nangyari sa loob ng interrogation room," mahinang saad nito. Tama. Malinaw kong narinig ang boses ni Jing na nagsasalita sa loob ng kwartong iyon. Sigurado ako roon. Flashback: "Masarap ba sa pakiramdam na makahawak ng isang malamig na bangkay?" Halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat. Ji-jing??? "I-ikaw ba yan, Jing??" takang tanong ko. "Ako nga. Ngayon mo lang ba napansin?" nakakalokong sagot nito. Agad na napakuyom ang mga kamao ko. Sa

