Alette's POV Gulat akong napatingin kay Jing na ngayon ay nakangisi habang nakayuko sa harapan nina Azriel. Naroon rin sa loob ng pintong iyon si Jing at kasalukuyang nakaharang sa daanan kaya naman maging sina Vera ay hindi magawang makadaan palabas ng pinto. "A-anong??!!" Unti unting iniangat ni Jing ang paningin at saktong napaharap sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang magsalita si Rini at mukhang pareho itong nagkakaintindihan. "Hmm..." buntong hininga ni Jing saka nilampasan sina Azriel at dumiretso papunta sa harapan ko. Ma-Master...MASTER RAIZEL??!! Hindi ko alam kung anong ekspresyon na ang ipinapakita ko sa kanila ngayon ngunit tila ba'y bigla na lamang akong naestatwa sa kinakatayuan ko. Maging sina Azriel ay hindi na makagalaw at takang nakatingin sa direksyon ko

