Azriel POV Ilang araw na ako rito sa Litri at kahit isang plano ko ay wala pa akong na umpisahan. Hindi pa rin ako makalabas rito sa site nila dahil wala pang sinasabi ang mga nakakataas. Kahit ang simpleng paglabas kasi sa site na ito ay hindi agad-agad nagagawa maging ng mga ordinaryong mamamayan. Kung tutuusin ay para palang isang kulungan ang lugar na ito. Kaya siguro wala rin akong masyadong napansin na mga bata sa labas ng site noong unang beses akong pumunta dito.Dahil lahat sila ay nakakulong sa kanya-kanyang kwarto. Bukod pa roon ay hindi ko rin mahagilap si Vera. Nakausap ko siya kahapon ngunit hindi rin nagtagal dahil pinatawag siya ng councilor. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit mula noong araw na dumating ako sa site na ito ay sunod-sunod na rin ang kanil

