Azriel's POV Matapos kong umalis sa kwartong iyon ni Ginoong Vespar ay agad na rin akong umalis sa ground na iyon. Sa totoo lang ay nagtataka ako sa biglang panginginig nito matapos makita ang marka na ito. Muli kong tinignan ang dibdib ko. Ano bang espesyal dito? Hindi naman siya simbolo dahil para lang siyang guhit guhit. Sabi nga ni Vera ay mukha siyang mapa. Pero anong lugar naman ang tinutukoy ng marka na ito. Haist. Nakakamangha pero nakakatakot rin kung iisipin ang bagay na ito kaya naman minabuti ko na lamang na sumunod kina Alette. Nang tuluyan na akong nakalabas sa ground ay wala na roon sina Alette. Nasaan na ang mga yun? Ang bilis naman ata nilang nawala? Inikot ko pa ang paningin sa paligid upang hanapin ito. Kasalukuyang kasama ni Alette si Thye at alam kong hindi ko pin

