Vera POV BAKIT AZ? BAKIT HINDI KO MAN LANG NAPANSIN NA IKAW PALA ANG BATANG LEI! Kung hindi ko pa nakita ang bagay na iyon… Flashback: Halos madaling araw na nang magising ako. Namalayan ko na lang rin na natuyo na ang luha ko kaya naman agad akong nagtungo sa lababo upang maghilamos. Nang pabalik na ako sa loob ng kwarto ay napansin ko ang papel na inabot sa akin kanina ni Councilor kay Azriel. Ngunit nakalimutan ko itong iabot kay Az kanina kaya naman madali akong tumakbo papunta sa unit nito. Ngunit pagdating ko rito ay wala namang tao sa loob. Ilang ulit akong kumatok sa pinto ngunit walang sumasagot. "Azriel!! Azriel! Si Vera ito! May nakalimutan lang ako ibigay kanina. Azriel!" sigaw ko sa harap ng pinto hanggang sa isang babae ang nagsalita sa likuran ko. "Yung binata ba

