Alette's PoV Di rin nagtagal ay nakabalik na kami sa hall kung saan nagtitipon-tipon lahat ng bisita. Habang hinihintay na tawagin kami ay nakiinom muna ako sa kanila. May iba't ibang uri sila ng drinks kaya naman sinulit ko ang bawat tikim ko rito. Maya-maya ay may tumabi sa akin. Akala ko nung una ay kung sino kaya naman lumihis ako nang bahagya ngunit nang makita kong si Azriel lamang ito ay hindi na ako nag-abala pa at nagpatuloy na lang sa paghigop ng makarinig ako ng isang maliit na boses na tila ay nandidiri. "Eh?!" Napalingon ako kay Az at kitang kita ko kung gaano kalukot ang mukha nito. "Bakit na naman?" tanong ko rito. Mukhang nagising siya mula sa pagkakatulala kaya umayos ito ng tayo at bahagyang niyugyog ang ulo. "Problema mo?" asar na tanong ko rito. Sa halip na tum

