Third Person's PoV Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalagang si Alette habang tinitignan ang kawawang ama na ngayon ay wala nang buhay. Nanatili lamang itong nakayuko sa walang buhay nitong katawan habang nakatulala sa naputol nito ulo. Rinig na rinig niya ang pagbagsak ng ulo ng kanyang ama kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng bait ng mga oras na iyon kaya maging ang paghinga niya ay hindi na niya napansin. Para bang wala na siyang ibang narinig ng mga oras na iyon bukod sa pagkalaglag ng ulo ng kanyang ama at ang pahina ng pahina nitong tunog habang gumugulong sa sahig. Maluha luha niyang hinabol ang gumugulong nitong ulo habang hindi alam kung paano ilalabas ang sakit na nararamdaman. Maging ang mga tao sa paligid ay hindi

