PROLOGUS

441 Words
Ibinuka ng babae ang bibig. Tila may gusto iyong sabihin ngunit walang namumutawing salita mula roon. Halos hindi na makilala ang mukha nito dahil balot ng sarili nitong dugo. Tumutulo iyon mula sa noo at humahalo sa butil-butil na pawis na dahilan din ng pagdikit ng gulo-gulo nitong buhok sa mukha.   “Sa aking palagay, ito na ang tamang pagkakataon para magsalita ka,” malamig ang tono ng nagsalitang lalaki mula sa sulok ng kuwarto. Malabo ang mukha nito. Puno ng dugo ang damit at sinisipat ang kanang kamay nito na puno rin ng dugo ng babae. Kakaiba ang kasuotan ng lalaki. Ang pang-ibaba nito ay kulay tsokolateng pantalon at maitim na kulay ng berde na army boots samantala ang pantaas ay tila itim na polo na nakapailalim sa isang mahabang puting kapa na nagkukulay-pula na nang dahil sa dugo. Sira-sira ang ilalim ng kapang iyon na mayroon naman mga balahibo ng ibon sa ibabaw. Sa bewang ng lalaki ay mag nakasabit na iba’t ibang klase ng kutsilyo at sa isang balikat nito ay may nakadapong malaking kuwago.   Tahimik ang buong kuwarto. Ang tanging maririnig lamang ay ang mabibigat na paghinga ng duguang babae. Bakas sa mukha nito ang paghihirap. Nakaupo ang babae sa isang bakal na upuan. Puno ng pasa at latay ang katawan. Ang kamay nitong kanina ay nakakadena mismo roon ay hindi na ngayon. Malayang nakalaylay sa magkabilang gilid. Nag-iwan ng malalim na sugat sa magkabilang pulso ang pinagtanggalan ng nangitngitim na kadena. Tinanggal iyon ng lalaking malabo ang mukha dahil alam nitong wala nang kakayahan ang babae na tumakas pa. Ni hindi na nga nito maisalita ang sakit na nararamdaman dahil bente-kuwatro oras na rin ang nakakalipas magmula nang simulan ng lalaki ang pagpapahirap dito. “P… pakawalan m-mo na ako,” utal-utal na bigkas ng babae. Napakahina lamang niyon. Basag na kasi ang lalaki ang vocal chords niya sa paulit-ulit na pagsakal ng lalaki kanina.   Unti-unti namang lumapit ang lalaki sa sugatang babae at inilapit ang labi sa tenga nito. Walang ekspresyon ang mukha nito na para ang normal na lamang makakita ng isang taong nasa leeg na ang karet ni Kamatayan. Bumuka ang bibig ng lalaki ngunit hindi marinig kung ano ang sinabi nito. At kung ano man iyon, malamang ay nakababahala. Dahil namilog ang mga namamagang mata ng babae at napuno ng takot ang mukha.   Tumarak ang kutsilyo sa tiyan nito at kasunod niyon ay ang unti-unting pagtulo ng dugo mula sa bibig.   “Paalam…” ang sabi ni lalaki bago muling hinugot ang kutsilyo.   At kasunod niyon ay ang pagbalikwas ng bangon ni Mayhem Genesis mula sa masamang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD