PRIUS SOMNIUM

2000 Words
"HINDI!" Napabalikwas ng bangon si Mayhem. Hinihingal at namumuo ang maliit na butil ng pawis sa noo. Hayun na naman ang masama niyang panaginip na laging nagtatapos sa kamatayan. Hope and Hero, her golden retrievers, jumped on the bed beside her. Tila agad naramdaman ng mga ito ang takot niya at tumabi sa kaniya upang sumaklolo. Niyakap niya ang kaniyang mga aso. Her heart is beating rapidly. Her dreams are always scary and vivid. Tila totoong-totoo ang mga iyon at iyon ang dahilan kung bakit taas-baba ang dibdib niya ngayon sa kaba. "Okay lang ako, Hope, Hero... Okay lang tayo." Hinaplos niya ang balahibo ng mga ito. Hope let off a faint whine as if understanding what she said. Binitawan niya ang mga aso at bumaba mula sa kama. The old ice cream truck creaked. Inayos niya ang pinaghigaan bago bumaba sa lumang truck upang maghilamos sa labas. She cannot remember how her life started like this. May sampung taon na rin magmula noong tumira siya sa lumang ice cream truck na iyon sa gitna ng kawalan. Nasa unang taon pa lamang siya ng highschool nang gawing tahanan ang lumang sasakyan, at ngayon ay nasa huling taon na siya sa kolehiyo. It was in the middle of a car graveyard. Ang mga kapitbahay niya ay mga sirang sasakyan na nalimutan na ng panahon. Ang car graveyard na iyon ay nasa tabi lamang ng bundok, malayo sa kabihasnan. Karamihan sa mga sirang kotse ay puno na ng ligaw na d**o at mga baging. Maging ang ice cream truck kung saan siya nakatira. Napalibutan na ng mga ligaw na namumulaklak na baging ang ibabaw niyon. She doesn't bother to clean it. Nagagandahan kasi siya sa mga nakalaylay na pula at lila na bulaklak. Nang unang beses na makarating siya roon, hindi man lamang siya nakaramdam ng takot. Bagkus, excitement ang naramdaman niya. Para bang nahanap na niya ang nag-iisang lugar na walang makakapanakit o mang-aapi sa kaniya; isang lugar na matatawag niyang tahanan. Itinaas niya ang laylayan ng suot na pajama pati na ang manggas ng pantaas na damit at isinuot ang tsinelas. Sumunod sa kaniya ang dalawang aso palabas. Kulay kahel na ang langit. Pasibol pa lamang ang araw sa Silangan. "Good morning sa inyong lahat!" Iyong ang masayang bati niya sa mga alaga niyang halaman, na para bang hindi siya nagising mula sa isang masamang panaginip kanina-nina lamang. Naniniwala kasi siyang may pakiramdam ang mga halaman niya, at kung mararamdaman ng mga ito ang takot niya ay hindi ito mamumunga. Malaking tulong ang mga tanim niya sa pagtitipid sa pagkain kaya naman malaki ang ngiti niya nang makitang namimintog na ang mga kamatis at talong niya. Maging ang kalabasa at sitaw ay maaari na rin niyang anihin. Kumadlo siya ng tubig sa kulay asul na drum na nasa gilid ng kubo na itinayo niya malapit sa taniman— upang maging gapangan ng sitaw— gamit ang dating tupperware ng ice cream. Nang madiskubre nya kasi noon ang ice cream truck na iyon ay may mga gamit pa sa loob. Ilang tupperware tubs, ice cream maker na gumagana pa hanggang ngayon, at ilang flashlight. Ang iba niyang gamit tulad ng lamparang de-gas at folding chair ay nakuha niya sa isang kinakalawang na RV. Mukhang ang dating may-ari niyon ay mahilig sa outdoor adventures, dahil mayroon din doong kutsilyo at ilan pang kitchen utensils na nakatagong lahat sa built in na mesa na may cabinet sa ilalim. Hindi niya alam. Basta ang alam niya, ay malaking tulong sa kaniya ngayon ang mga naiwan nitong gamit. Minsan, kapag wala siyang ginagawa, nililibot niya ang car graveyard na iyon. Nagbabaka-sakali na may makita pa siyang ibang gamit na mapapakinabangan niya. Sinasabay na rin niya roon ang pagtatabas ng mga d**o't baging upang mabawasan ang pagiging masukal ng lugar, na siyang pangunahing dahilan ng pagdami ng lamok doon. In a way, para na rin siyang naging tagapangalaga ng lugar na iyon. Naghilamos siya upang mahimasmasan at ang pinaghilamusan ay ipinandilig niya sa mga halaman. Diniligan na rin niya ang ilang mais at okra niyang tanim. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Her dogs and her plants are the reason why she always starts her day with a smile. "Hero, Hope, come on. Kakain na tayo," pagyaya niya sa mga alaga. Sumunod sa kaniya pabalik sa loob ng truck ang mga aso niya. Nagtimpla muna siya ng kape bago nilagyan ng dog food ang food dispenser ng mga alaga niya. Hero and Hope are really smart. Naiiwan niya ang mga ito sa tuwing may pasok siya o trabaho maghapon basta't puno ang food dispenser at ang inuminan ng mga ito. Napakaswerte niya sa dalawang ito. Nang dahil sa mga ito ay hindi siya natatakot tumira sa gitna ng kawalan. Dahil sa dalawa, pakiramdam niya, safe siya. Both of them are three years old. Nakuha niya ang mga ito sa gilid ng basurahan noong unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. It was raining really hard that day. Papauwi pa lamang siya noon galing sa convenience store kung saan siya nagpa-part time nang makita niya ang karton sa gilid ng basurahan kung saan nakalagay ang dalawa. She assumed na magkapatid ito dahil parehas na parehas ito ng hitsura. Mas maiksi nga lamang ang buntot ni Hope at mas maputi ang balahibo kaysa kay Hero. They are both crying. Nababasa na ito pareho ng tubig-ulan, nakasiksik sa kanto ng karton, at parehong nanginginig. At para bang nakita niya ang sarili sa mga ito noong pinalayas siya sa ampunan. Umuulan din noong araw na mapalayas siya. Bitbit ang iilang damit ay naglakad siya sa kawalan. Walang tirahan, walang pagkain, at walang mga magulang... That's why she decided to adopt both of them. Kaya ngayon ay para na siyang may anak na isang lalaki at isang babae. Para sa mga ito ay kung anu anong part-time jobs ang pinasukan niya. Nagtrabaho siya noon sa animal clinic para mapag-ipunan ang food dispenser ng dalawa at para na rin macheck-up at mabakunahan ang mga ito. Nagtrabaho din siya noon sa isang burger house bilang waitress upang magkaroon ng sapat na ipon para sa pagkain ng mga ito at sa gamot. Hindi niya pinagsisihan ang mga trabahong pinasok. Her dogs made her life a little happy. Today is Sunday. At tuwing weekends ay nagtratrabaho siya sa convenience store magmula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Pero minsan, nagbabago rin ang oras na iyon. Mababait kasi ang mga amo niya. Okay lang sa mga ito na mag-adjust siya ng oras ng pasok sa convenience store kapag may mahalaga siyang ginagawa. Alasais pa lamang ang isinasaad na oras ng kaniyang cellphone. Parang anak na rin ang turing sa kaniya ng mga amo niya. Noon ngang Pasko nang nakaraang taon ay ibinigay ng mga ito sa kaniya ang lumang laptop ng nag-iisang anak nitong sa ibang bansa na nagtratrabaho, bilang Christmas bonus. Pati na rin ang mga pagkain na isang linggo na lamang ay mae-expire na o ilang araw pa lang na past expiration ay pinauuwi na rin sa kaniya tuwing nagki-clearance sila ng mga paninda. Sa sinasahod niya roon kinukuha ang ekstrang panggastos at panghulog sa kaniyang alkansiya. Wala naman kasi siyang problema sa tuition fee dahil sa pampublikong unibersidad siya nag-aaral. Samantala ang ibang mga gastusin sa eskwelahan ay napupunan ng mga scholarship niya. She had learned to value and budget her money through the years Matapos magkape ay binuksan niya ang de-slide na bintana ng truck na nasa tabi ng kama niya. Iyon marahil ang dating abutan ng ice cream sa mga customer. Pumasok ang malamig na hangin ng umaga sa loob ng truck. Inihanda niya ang backpack na lagi niyang dala sa trabaho. May towel iyon sa loob at ekstrang damit. Nakikiligo kasi siya sa banyo ng convenience store. Minsan naman ay sa mga public comfort room. Gumawa rin naman siya ng palikuran malapit sa kubo kung saan may portable na inidoro at kung saan siya naliligo sa tuwing maaga ang pasok niya sa eskwelahan. May pasok kasi siya minsan ng alas-syete ng umaga, at hindi naman niya kayang pumunta sa mga pampublikong banyo ng sobrang aga. Ang dingding ng palikurang iyon ay gawa sa mga hindi na ginagamit na plywood na nahingi niya sa isang construction site kung saan din niya nahingi ang mga kahoy na ginamit niya upang buuin ang kaniyang kama. Ang bubong ay gawa sa dahon ng anahaw na mahigpit na itinali upang hindi mapasukan ng tubig-ulan. Kagaya iyon ng ipinangbubong niya sa kubo. Nakuha niya ang lahat ng iyon gubatan. Desperasyon ang nagtulak sa kaniya noon. Ang kagustuhang mabuhay at makahanap ng bubong na masisilungan ang nagbigay sa kaniya ng napakaraming ideya. Kahit pa ilang beses nang napukpok ng martilyo ang mga daliri niya, tinuruan pa rin niya ang sariling bumuo ng iba't-ibang bagay upang makasunod sa agos ng buhay ng malupit na mundo. She became independent. Strong. Grateful. The truck, her dogs, and her plants, became her mini-fantasy. Everything she has now became an escape... from this cruel and greedy world. In this car graveyard, she found home. Bitbit ang ekstra niyang tuwalya, mga gamit pampaligo na nakalagay sa itim na plastic tray, at ang pampaligo ng mga alaga niya ay tinungo niya ang ilog hindi kalayuan sa car graveyard. Iyon na ang nagsisilbing morning walk niya at ng dalawa niyang aso dahil sampung minutong lakaran iyon mula sa kung saan sila nakatira. Hanggang tuhod lamang ang taas ng tubig ng ilog na iyon. Ngunit kapag tag-ulan at mabilis ang ragasa ay umaabot iyon hanggang bewang. Nagiging delikado. Kaya naman bago magtag-ulan ay sinisigurado niyang napuno na niya ng tubig ang drum at mga palanggana niya, para naman hindi na niya kailangang pumunta sa ilog ng mga ganoong panahon. At dahil Abril pa lamang ngayon ay wala siya problema sa daloy ng ilog. They can enjoy the water as much as they want. Malinis at malinaw ang tubig ng ilog. Kita na niya ang maliliit na bato at maliliit ding mga isda sa ilalim sa sobrang linaw niyon. Banayad din ang daloy niyon. Sinimulan niyang paliguan ang mga alaga. Sinigurado niyang hindi nadadaluyan ng sabon ang ilog dahil may mga isda sa ilalim niyon. Kapag nga may free time siya ay nangingisda pa siya roon. Isa pa, doon din siya kumukuha ng tubig ipinangsasaing. Sinisigurado lamang niya na pinakukuluan niya ang tubig bago gamitin pangluto. "Tingnan nyo o. Kapapaligo ko lang sa inyo noong isang araw, ang dumi-dumi na ninyo uli ngayon," pagkausap nya sa mga alaga na para bang naiintindihan siya ng mga iyon. Marahan niyang kinuskos ang bumubulang balahibo ng mga ito dahil sa dog shampoo. "Kung saan-saan siguro kayo sumusuot kapag wala ako rito, ano?" Hope whined. Para bang tumututol ito sa sinasabi niya. The ever-reklamadora. Matapos mapaliguan ng dalawa ay nagpa-ikot-ikot si Hero at nagpatuyo bago nahiga sa damuhan sa gilid ng ilog. Palagi talaga tahimik at kalmado ang aso niyang iyon. Habang si Hope naman ay aktibong lumusong sa ilog at nagpalanguy-langoy. Hinubad niya ang sapin sa paa at inilagay iyon sa gilid ng ilog. Hindi na siya nag-abalang itaas ang laylayan ng pajama nang lumusong sa tubig. Tinungo niya ang gitna ng ilog. Ramdam niya sa kaniyang mga talampakan ang maliit na bato sa ilalim. Nakakakiliti rin ang pagdanggil ng malilit na isda sa kaniyang mga paa. At nang tagumpay siyang makarating sa gitna ng banayad na ilog ay inihiga niya ang katawan. Her body floated. Asul na asul ang kalangitan, gumagalaw ang maliliit na ulap na tila mga cotton candy na hinihipan ng hangin, at may iilang ibon na lumilipad. Na para bang isa iyong eksena sa isang ghibli na pelikula. It is as if her senses heightened. Naririnig niya maging ang maliliit na tunog na mundo. She closed her eyes. She can hear the tiny bubbles popping under the river. The song of the birds. The sound of tiny insects. She floated... on her little own world. A world residing between the primitive, and the modern.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD